Chapter 24

317 14 0
                                    

Chapter 24

"Hindi mo man lang ba hahanapin mga magulang mo, Yon-yon?" Tanong ng batang babae don sa batang lalaki na nakadapa at parang natutulog.

Magdidilim na at malapit nang maghapunan pero wala pa silang nakakain.

"Hmm. Wala akong balak. Iniwan nila ako diba? Bat ko pa sila hahanapin?" Malamig na aniya at di man lang nagbago sa posisyon.

Napabuntong ang batang babae. "Kahit na, dapat mahanap mo pa rin sila. Paano kung may mabigat pala silang dahilan kung bakit ka nila iniwan? Hindi mo man lang ba papakinggan yong paliwanag nila?" Pilit pa ring kinukumbinsi ng batang babae na dapat hanapin ng batang lalaki yong mga magulang nito.

"Wala akong pakialam sa kanila." Bored na sagot nito.

Napabuntong hininga ang batang babae at sumandal na lamang sa pader.

Mukhang matatagalan pa bago pa niya makumbinsi ito. Masyado kasi nito dinamdam ang pang iiwan ng mga magulang nito.

"Ikaw? Wala bang planong hanapin magulang mo?" mahina ngunit narinig pa rin niya sinabi ng batang lalaki.

"Oo naman. Magulang ko pa rin naman sila. Alam kong tinapon nila ako pero gusto ko pa rin makita sila at malaman ang dahilan nila." Sagot niya rito.

Umayos ng pagkakahiga ang batang lalaki at hinarap ang batang babae.

"Kung mahanap mo ang mga magulang mo, sasama ka ba sa kanila?" Seryosong aniya.

Tumango kaagad siya. "Oo naman. Mga magulang ko yon eh."

"Iiwan mo na lang ako?" May bahid na sakit ang nakita sa mata ng batang lalaki. Kaagad umiling ang batang babae.

"Hindi. Hindi kita iiwan, Yon-yon. Diba nangako tayo na hindi natin iiwan ang isa't-isa?"

Seryoso lamang nakatitig ang batang lalaki sa kanya. "Alam mong ayokong naiiwan ako." Nasabi na lang nito.

Tinanguan niya ito. "Oo, alam ko yon. Hindi ko sisirain ang pangakong yon."

Bumangon ito mula sa pagkakahiga at niyakap siya nito ng mahigpit. "Wag mokong iiwan, Lyn-lyn. Ikaw na lang ang meron ako." Parang naiiyak pa ang tinig nito.

Niyakap na lang niya ito ng mahigpit. "Hinding-hindi kita iiwan. Pangako ko yan."

Napabalik ako sa wisyo nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakalapag lang sa mesang nasa harap ko.

Tinignan ko kung sino yong tumawag. Si Hellion pala. Sinagot ko agad yon.

"Hello?"

[Hey, love. Kamusta?] tanong nito mula sa kabilang linya.

"Ayos lang naman ako, love. Ikaw ba?"

[Hmm. Just arranging somethings before my flight.]

Ngayong araw na yong alis ni Hellion papuntang Singapore. Hindi niya ako hinayaang sumama para ihatid siya sa airpot dahil baka di raw siya makapagpigil at hindi na siya tumuloy.

Hindi na lang din ako sumubok dahil baka ganon nga ang mangyari.

[Do you miss me already, love?] tanong nito sakin. Napangiti ako don. Hindi ko talaga itatanggi.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora