Chapter 12
[Note: Some of you may relate kung ABM strand ka or Accountancy course ang kinuha mo sa college. Other technical terms dito, related siya don hehehe.]
"Naalala niyo yong first day natin sa accounting class? Ang epic talaga!"
"Maglaro ba naman tayo ng hep-hep hooray non, kaso may twist!"
"Tama! Ano nga ba yon?" Aniya tapos nag-isip. "Ahh! Debit! Credit! Rule! Double rule! Worksheet! Hahahaha!"
"Nakakatawa talaga yon. Yong iba satin di talaga alam yon."
"Pero biruin niyo, si Rana pa yong last girl standing!"
Napatingin sakin yong mga kaklase kong lalaki.
Tinaasan ko sila ng kilay. Biglang narinig ko yong pangalan ko sa pinag-uusapan nila.
Nakapalibot kasi sila tapos medyo malapit pa samin kaya naririnig ko yong pinagkekwentuhan nila.
"Hi Miss Summa Cum Laude!" Sigaw ni Jorge yon. Pasimpleng kumaway lang ako sa kanila tapos binalik ang tingin sa pagbabasa ng libro.
Sabagay, tandang-tanda ko pa talaga mga nangyari samin nong 1st year college kami. Unang araw pa lang pinaglaro kami ng ganon. Nakakatawa lang dahil ako pa talaga nanalo sa dulo.
Kalaban ko non si Hannah, nasa final round kami, baliktad na version naman ng laro. Talagang walang nagpapatalo samin non, nakakalito na nga eh, muntik pa ako magkamali kasi mabilis siya. Hanggang sa ako nga yong nanalo.
Habang nagbabasa, hindi ko maiwasan makinig sa pinagkekwentuhan nila.
"Naalala niyo rin ba na gahol na gahol tayo non kasi pasahan na ng worksheet natin kaso di natin mabalanse!"
"Oo nga, nagkakagulo na nga tayo halos lahat non eh. Ang corny naman kasi ni sir, di pa ginawang uwian yong pasahan, talagang sa time pa niya!"
"Gago oo! Hahahaha halos makitingin na nga ako ng sagot sa iba nating kaklase kung pano nila nabalanse eh. Potek, naduling lang pala ako ng digit hahahaha!"
Natawa rin ako sa pinagkekwentuhan nila. Narinig kong napabungisngis naman itong si Hannah sa tabi ko, nakikinig din naman pala siya.
"Tado ka pala eh! Alam mo namang maliit lang yong mga numero, di mo pa tinitigan ng mabuti."
"Puro kasi chix inaatupad kaya nakikitingin na lang hahahaha!"
"Mga gago talaga kayo!"
Halos sabay kami natawa ni Hannah dahil don.
"Kainis kayo! Narinig pa tuloy ako ni Rana!" nakasimangot na sabi ni Jorge.
"Ang hindi ko makakalimutan yong tinulungan pa talaga tayo ni Rana intindihin yong tinuro ni Sir Art non."
"Oo nga. Talagang nabobo ako nong nagtuturo si Sir non. Pero nong si Rana na yong nagturo, boom! Halos pumasok sa utak ko mga pinagtututuro ni Sir non!"
"Agree ako dyan sayo, tol. Ang hinhin kasi ng boses ni Sir eh. Di ko malaman kung bakla ba siya o ano hahahaha!"
Napailing na lang ako sa kanila.
"Hayst. I suddenly miss our moments when we are in 1st year." Biglang sabi ni Hannah. Kaagad naman kong tumango.
"Oo nga eh. Don ko talaga ramdam pagiging solid nating lahat. Nagtutulungan pa, kahit marami pa sa kanila puro kalokohan inaatupag." Sagot habang inaalala yong mga masasayang tagpo naming lahat.
YOU ARE READING
Escape from a Psychopath [ON-HOLD]
RomanceStand Alone He's a stranger. He's a killer. He kidnapped me. He raped me. He imprisoned me. Hindi ko alam na sa simpleng pagkausap ko sa kanya ay mahahantong ang lahat sa ganito. Sana hindi ko na lang siya kinausap. Sana hindi ko na lang siya nilapi...