Chapter 29

409 17 2
                                    

Chapter 29

"Bakit hindi ka nagparamdam sakin? Nangako ka saking tatawagan mo ko pagkarating mo doon, pero hindi mo ginawa. Nagiwan ka lang ng isang mensahe sa akin." Malungkot kong saad sa kanya.

Nanatili akong nakaupo sa kandungan niya. Nakayapos ang kamay niya sa bewang ko at nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga.

"I'm really really sorry, love. I know I got you worried. I'm just really busy with some important stuffs aside from the conference meeting. It took me almost two weeks to finish all those stuffs. Kaya hindi ako nagparamdam sayo para mabilis ko siyang matapos." Paliwanag nito sa akin at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Bumuntong hininga ako. "Nakakatampo ka, alam mo ba yon? Nagtext ka pa sakin na magbehave ako kung ayaw kong makita kang magalit."

Nag angat siya ng tingin sa akin, kunot ang kanyang noo. "What? When did I send that message to you?" Takang tanong niya sa akin.

Kumunot din ang noo ko. "Diba nagtext ka sakin na magbehave ako kung ayaw kitang makitang magalit?"

Ilang Segundo niya ako pinakatitigan, tapos napailing at mahinang napamura at umiwas ng tingin sakin. Sumubsob siya sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Damn..."

Nagtataka ako sa mga ikinikilos niya. "May problema ba, love? Diba ikaw yong nagtext sakin?"

Dahan-dahan itong tumango sakin sabay huminga ng malalim. "Yeah. Nagtext nga pala ako non sayo, but it was meant as a joke." Sagot nito.

Ahhh iyon pala. Kinabahan at natakot pa naman ako sa text niyang iyon. Pero hindi ko na sinabi iyon sa kanya.

"Okay lang yon, love. Kamusta ka pala don? Nabalitaan kong kasama mo don si Keana?" Bigla akong napatakip sa bibig ko. Hindi ko dapat sinabi yon.

Nag angat ito ng tingin sakin. "What do you mean kasama ko si Keana? I never seen her there in Singapore." Takang sinabi nito sakin. Napakagat ako ng labi.

Hindi niya kasama don si Keana? Eh diba balita na sinundan pa talaga ni Keana si Hellion? Na-fake news ba kami?

"Eh ang balita kasi sinundan ka raw ni Keana hanggang sa Singapore eh." Pagkwento ko sa kanya.

Parang bata itong ngumuso at umiling. "Hindi ko talaga siya nakita roon. Siguro hinarangan siya ni Ethan."

Ethan?

"Sino si Ethan?" Ngayon niya lang nabanggit sakin si Ethan.

"Hmm. My friend and my personal assistant as well." Sagot nito na ikinatango ko.

Namayani ulit ang katahimikan samin.

Ngayon ko lamang napagmasdan ang opisina niya. Parang doble ng kwarto ko ang lawak ng opisina niya. Yong interior niya parang sa office ni Christian Grey sa 50 shades of Grey.

"What are you thinking, love?" Paos nitong tanong sa akin.

"Yong opisina mo kasing opisina ni Christian Grey." Sagot ko sa kanya. Tumikhim siya at parang ngumisi.

"Oh, you already watch that movie huh?" Tila parang nang aakit ang boses niya. Nag iiba yong paraan ng pagkakayakap niya sa bewang ko, parang pahaplos na.

"Yong unang movie lang, hindi ako nakaabot sa last movie. Freed yon diba?"

Umayos ito sa pagkakaupo, parang may naramdaman akong nakabukol sa ilalim ko pero hindi ko iyon pinansin. Nakasandal na lamang ako sa dibdib niya.

Pinagsalikop niya ang kaliwang kamay namin habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa bewang ko at hinahaplos iyon.

"Yep. You should watch it up to Freed. It's a great movie tho."

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now