Chapter 14

420 16 1
                                    

Chapter 14

Pagkatapos naming kumain, agad akong nagayang umuwi na ikinasangayon nila. Nagtataka pa rin ang dalawang lalaki kung bakit ganito ang kinikilos namin ni Hannah. Panigurado sasabihin ni Hannah kay Marcus kapag sila na yong magkasama.

Tahimik lang ako sa kotse, malalim ang iniisip. Si Hellion pansin kong pasulyap-sulyap sakin pero hindi magawang magsalita. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa labas ng bintana.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Paanong patay na si Matthew?

Parang kalian lang hindi siya pumapasok sa mga practice naming tapos biglang mababalitaan namin na patay na siya? Paanong nangyari yon?

Malaking palaisipan sakin kung ano ikinamatay ni Matthew. Binuksan ko ang phone ko at tinignan ang GC namin, maingay ito at maraming gulat na gulat.

Yesha: Hoy! Seryoso ka?

Arkin: Tado! Parang kailan lang kausap pa natin yon ah!

Jorge: Seryoso ako. Kanina ko lang naman dahil nagtext sakin si Tita.

Hannah: Ano ba raw kinamatay niya? Nakakagulat naman. Kung kailan gagraduate na tayo ):

Jorge: Walang sinabi si Tita. Pumunta na lang daw tayo sa burol niya sa susunod na araw.

Sean: Ang lungkot naman ng graduation natin. Hindi tayo kumpleto.

"You okay there?"

Napalingon ako kay Hellion, blanko ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa daan.

"Hmm." Tumango ako. Pinatay ko na yong phone ko sabay tago sa bag.

Hindi na ulit siya nagtanong, hanggang sa ihatid niya ako sa bahay, wala pa rin kaming imik.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at nagpaalam. "Salamat sa paghatid sakin, Hellion. Mag-iingat ka." Tinignan ko siya.

Tumango lang siya at hindi man lang nagabalang tignan ako. Walang emosyon ang mukha niya at salubong pa ang kilay niya.

Weird.

Pagkasara ko ng pinto, humarurot kaagad ang sasakyan niya. Nagtataka ako sa inakto niya. May mga oras talagang nagiging moody siyang tao. Minsan may pagka-arogante, minsan naman parang okay siyang kausap, minsan naman biglang magiging robot.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang yon at pumasok na sa bahay.

Nang nasa kwarto na ako, di na ako nagabalang magpalit pa ng damit at sumalampak na agad ng higa.

Nakatitig lang ako sa kisame habang nag-iisip.

Hindi ko alam, pero masyado akong naapektuhan don sa nabalitaan ko.

Nagsimula yon nong biglang hindi na ito umattend ng practice pagkatapos nong huli naming pagkikita. Doon pa lang may kutob na ako, pero hindi ko alam kung ano yon.

Hindi sinabi kung ano ikinamatay ni Matthew.

Napahinga ako ng malalim. Nalungkot ako sa nangyari kay Matthew. Hindi maipagkakaila na kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya kahit na may ginawa siya saking hindi maganda. Hindi niya deserve ang mamatay.

Inalala ko ang mga nangyari ng araw na yon kung saan huli kaming nagkita ni Matthew. Nong nasa garden ako, nakita kong may tao don at may hawak pang baril, pero hindi lang maaninag ang mukha non.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now