Chapter 10

426 20 0
                                    

Chapter 10

Nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi pa rin makapaniwala.

Si Hellion na nasa harapan ko, walang tigil sa pagmumura at napapagulo sa buhok nito.

Tama nga sinabi niya, magugulat nga talaga ako. Sana hindi ko na lang siya pinilit.

Bakit? Kasi ngayon lang kami nagkakilala tapos sasabihin niyang yon rason ng pagiistalk sakin dahil gusto niya ako?

Dapat kilabutan at ngayon palang palayasin ko na siya.

Pero hindi ko magawa sa hindi malamang dahilan.

Napatikhim ako. Kinalma ko ang sarili ko dahil halos marinig ko na yong lakas ng kabog ng puso ko.

Napaayos naman siya ng upo, tumigil na rin siya sa kakamura. Pero walang emosyon pa rin ang makikita ko sa kanya.

Siguro masasanay na ako na parang robot ang ekspresyon niya.

Gusto ko pa sana siyang tanungin pero napatingin ako sa orasan at nakitang malapit nang maghapunan.

Kailangan ko nang magluto.

"Dyan ka lang. Magtatanong pa ako sayo mamaya pagkakain natin ng hapunan. Magluluto lang ako."

Tumango lamang siya. Tumayo na ako para dumeretso sa kusina. Naghanap ako sa loob ng ref kung ano pwedeng lutuin ng mabilisan at nakakabusog.

Nakakita ako ng manok kaya yon ang kinuha ko. Hinanda ko na rin yong ibang ingredients na gagawin ko.

Chicken curry ang balak kong lutuin.

Sana magustuhan niya dahil kung hindi, bahala na siyang magutom.

Sinalang ko na yong kawali. Hiniwa ko na yong dapat na hiwain.

"What are you cooking?"

"Ay kabayo ka!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Hellion na nakatayo malapit sakin, nakatingin don sa ginagawa ko.

"Wag ka nga manggulat! Diba sabi ko, don ka lang?" Sermon ko sa kanya.

Hindi man lang siya nagreact.

"Ano niluluto mo?" Tinagalog lang niya yong sinabi niya kanina.

Tinapos ko na lang tong ginawa ko at saka nagsimula nang magluto.

"Chicken curry." Sagot ko na lang.

Hindi ko na siya narinig magsalita kaya pinagpatuloy ko na tong ginagawa ko.

Narinig ko gumalaw ang upuan, mukhang umupo siya.

"Masarap ba yan?" Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Ngayon lang ako nakapagluto ng ganito."

"Why is it yellow?

"Hindi ko alam, tanong mo sa nakadiskubre." Pilosopong sagot ko.

Ewan ko ba, bigla akong naging comportable sa kanya kaya nagagawa kong ganituhin siya.

Nilingon ko siya at nakitang nakasimangot siya.

That's a first, panibagong emosyon ang nakita ko sa kanya. Mukha talaga kasing siyang robot eh.

"Answer me seriously, hindi pa ako nakakatikim niyan at baka lasunin mo pa ako." Sabi niya. Pinaikutan ko siya ng mata.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin