Pahabol na update! Didn't proof read.
Chapter 22
"Uy, Rana. Okay ka lang ba? Bat parang malungkot ka?" Tanong sakin ni Eli.
Umiwas ako ng tingin sa gawi ni Hellion at ibinalik ang tingin sa pagkain ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kanila na boyfriend ko ang boss namin. Kasi alam kong magiging issue ito sa kanila.
"Ahh wala. Parang may nakita lang kasi ako na kakilala ko." Sagot ko na lang.
Mukhang nakumbinsi ko naman siya at di niya siya ulit nagtanong sakin.
Napahinga ako ng malalim. Ayokong mag isip ng kung ano-ano, pero hindi ko maiwasang isipin kung bakit wala man lang binanggit si Hellion patungkol kay Keana.
"Sa isang buwan kong pagtatrabaho rito, parang ngayon ko lang nakita si Ms. Keana kasama si Sir Hellion." Sambit ni Khessa at napapailing pa.
"Kaya nga. Ano na naman kaya kailangan ni Ms. Keana kay sir?" tanong naman ni Eli.
Hindi ko na tuloy napigilang magtanong sa kanila. "Ano meron kay Sir Hellion at kay Keana?"
Nagkatinginan sila dalawa, tas binalik ang tingin sakin. Si Khessa sumagot sa tanong ko.
"Balita kasi noon na may something silang dalawa. Anak kasi si Ms. Keana ng isang board member tas pinakilala kay Sir Hellion. Simula non nagkamabutihan na silang dalawa. Pero hindi naman naging sila kasi balita namin magkaibigan lang relasyon nila dalawa." Pahayag ni Khessa sabay higo sa ice tea niya.
Sumingit si Eli. "Bihira lang din naming makita silang dalawa na magkasama. Usually si Ms. Keana ang nagpupunta kay sir dito. Never pa naming nakitang magkainteres si Sir kay Ms. Keana kahit ano gawin niyang pang aakit."
Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko. Ano raw? Sinubukan ni Keana na akitin si Hellion?
"P-panong inakit?" Hindi ko mapigilang tanungin na may iritang tono.
Si Eli ang sumagot. Humalumbaba siya tas napaisip. "Hmm. As far as I can remember, matagal na to eh. May inutos kasi yong manager sakin na iakyat yong file sa opisina ni Sir Hellion. Nag overtime kasi ako nong araw na yon." Pagkekwento niya samin.
"Tas nong malapit na ako sa opisina, nakalimutan kong kumatok kasi nagmamadali ako. Ayon, binuksan ko agad yong pinto. Bumungad sakin si Ms. Keana na halos naka bra na lang tapos si Sir Hellion pilit umiiwas tas mukhang galit na rin. Hindi na lang ako tumuloy. Mission abort agad ako."
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Alam ko namang dati na yon at malabong maulit pa yon kasi mahal ako ni Hellion. Hindi ko lang maiwasang makaramdam ng selos.
Maganda kasi si Keana. Kutis niya parang pang artista. Ang sophistikada rin ng dating niya. Di malabong maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya.
Hindi na ako masyadong nakinig sa kwentuhan nila. Hindi ko tuloy magawang ubusin yong pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana.
Nagvibrate ang phone ko, tinignan ko kung sino yong nagtext.
Si Hellion.
Tinignan ko ang gawi nila. Nakita kong papaalis na sila ng Cafeteria pero nakita kong hawak-hawak ni Hellion yong phone niya na parang nagtetext.
Tinignan ko ang message niya.
Hellion:
Hey, love. I know you saw me a while ago with her. Always remember that I love you. And it was only you. I'll explain later after your work. Don't be jealous, love. I love you so much.
Dahil sa text niyang yon, naglaho lahat ng inis at pagseselos na naramdam ko kanina. Panatag talaga ako sa kanya na hindi niya ako magagawang lokohin.
Masyadong malaki ang tiwala ko sa kanya. Sana hindi dumating ang araw na sasaktan niya ako. Hindi ko alam ang mangyayari sakin kapag sinaktan niya ako.
Hulog na hulog na ang loob ko sa kanya.
Nang matapos na silang kumain ay sabay-sabay na kaming umakyat lahat. Malapit na kasing matapos ang lunch break.
Malapit na kami sa working place namin nang masalubong namin yong head ng HR.
"Ms. Rana." Tawag niya sakin.
Napalingon sakin yong mga kasama ko na ikinataka ko. Bakit naman nila ako tinignan na parang may nagawa akong kasalanan.
"Bakit po?" Balik na tanong ko sa kanya.
Inayos niya yong suot niyang salamin. "Pinapatawag ka ni Boss sa taas. Urgent daw."
Doon ako mas lalong nagtaka. Bakit naman ako ipapatawag ni Hellion? Akala ko ba mamayang pagkatapos ng trabago mag uusap?
"Sige na, Rana. Baka mapagalitan ka pa ni Sir kapag pinag antay mo pa siya." Pagtatabay sakin ni Eli na ikinasimangot ko lang.
"Oo na, sige na pumasok na kayo." Sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko na sila para magtungo sa elevator.
Mabilis naman akong nakarating sa top floor. Pagkalabas ko ng elev ay nagulat ako nang magkasalubong kami ni Keana.
Napatigil tuloy ako sa paglalakad, ganon din siya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "So its you, huh?" pagtataray niya sakin.
Ako naman ay napakurap. "Po?" yon na lamang nasabi ko.
"Wala talaga siyang taste pagdating sa babae." Sabi pa niya.
Mukhang alam ko na yong tinutukoy niya. Hindi ako nag abalang patulan siya dahil baka lumaki lang lalo yong gulo.
Napayuko na lamang ako. "Excuse me po, miss. Pero pinapatawag po ako ng boss." Magalang na sabi ko sa kanya.
Sarkastiko siyang tumawa. "Boss, huh? Hindi mo ba alam na parausan ka lang niya?"
Hindi ako nagpahalatang apektado ako sa sinabi niya. Hinding hindi ko iisipin na parausan lang ako ni Hellion kasi kahit kailan hindi namin yon ginawa.
"Remember this, bitch. Stay. Away. From. Him." Madiin niyang banta sakin. "Got it?"
Hindi ako sumagot sa kanya. Nanatili lang akong nakayuko.
Halatang may gusto siya sa boyfriend ko. Pero hindi ko hahayaang agawin niya sakin si Hellion.
"Tss." Sabi niya at binangga pa ako kahit ang laki ng space sa gilid.
Nang maramdaman kong wala na ang presensiya niya ay pumasok na ako sa opisina ni Hellion.
Nagulat ako nang malapit lang siya sa pinto at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"I'm sorry, love. Please forgive me. She's nothing to me, okay? Hmm? I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sayo, love." Sabi niya sakin sa malambing na tono.
Niyakap ko siya pabalik. "Ayos lang naman sakin, love. Pero nagselos talaga ako kasi may naging babae ka dati kahit wala namang kayo."
Nanatiling nakayakap ang braso niya sa bewang ko. "She's just a friend, okay? Hindi ako kailanman nagkagusto sa kanya, love. Ikaw lang. Ikaw lang ang mahal ko." Seryoso niyang saad sakin.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin. Tinignan ko siya deretso sa mga mata niya. "Sino ba siya sa buhay mo dati, Hellion?"
Nakita kong napalunok siya pero hindi siya nag iwas ng tingin sakin.
"She's my ex. Ex fling to be exact."
______________
Author's Note:
I'll try to update tomorrow morning or maybe at night again. I hope you enjoy reading Hellion at Rana's story <3
Thank you sa patuloy sa pagsuporta sakin hanggang ngayon. Thank you sa paghihintay sa mga updates ko kahit ang tagal. It really really means a lot to me. I love you all! <3
Don't forget to vote, comment and share your thoughts! (((:
Posted: July 16, 2020
ESTÁS LEYENDO
Escape from a Psychopath [ON-HOLD]
RomanceStand Alone He's a stranger. He's a killer. He kidnapped me. He raped me. He imprisoned me. Hindi ko alam na sa simpleng pagkausap ko sa kanya ay mahahantong ang lahat sa ganito. Sana hindi ko na lang siya kinausap. Sana hindi ko na lang siya nilapi...
![Escape from a Psychopath [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/223218118-64-k417275.jpg)