Chapter 8

398 20 0
                                    

Chapter 8

Nang matapos kami sa pagkain ng breakfast ay pinag-ayos niya ako dahil pupunta raw kami ng mall para magshopping.

Ano na naman kaya bibilhin ng babaeng to? Baka mamaya nito pagdating namin sa mall nandon si Marcus at sila na lang magsasama tapos ako epal lang. Third wheel ang peg ko.

Bago ako pumasok ng banyo para maligo, nagtanong ako. "Hindi ba sasama satin si Marcus?"

Nakatutok ang mga mata ni Hannah sa tv, nanonood ng Twilight. Kaagad naman siyang umiling at sumagot. "Nope. Sabi ko wag siyang sumama since its our bonding time." Aniya habang hindi inaalis ang tingin sa pinapanood.

Mabuti naman.

Pumasok na ako sa banyo para maligo.

Sandali lang ako naligo, paglabas ko nakita kong sobrang tutok na tutok si Hannah sa pinapanood niya.

"Ang pogi talaga ni Edward no? Pero team Jacob pa rin ako."

Sumangayon ako don. Gwapo talaga si Edward. Parang hawig pa nga silang dalawa ni no name guy--- kaagad kong pinilig ang ulo ko.

Hanggang ngayon ba naman, siya pa rin naiisip ko. Nababaliw na ako.

Nagsuot lang ako ng simpleng damit since sa mall lang naman kami pupunta ni Hannah. Isang floral dress na kulay yellow at white sandals na flat lang ang isinuot ko.

Pagkakita sakin ni Hannah, napanganga siya at napapalakpak. "Ang ganda-ganda mo talaga bespren. I wouldn't doubt if superman will fall in love with you. Hihihi."

Grabe lang ang pagka-advance niyang mag-isip. To the highest level talaga.

"Tara na nga! Malapit na talaga ako maasar sayo!"

"Oo na. Pero tapusin ko na muna tong scene hehehe."

Napairap na lang ako sa hangin.

***

Pagkarating pa lang namin dito sa mall, sa department store agad ang diretso namin. Hinatak na lang ako bigla ni Hannah, nagpaubaya na lang ako.

Naniningin siya ng mga damit habang ako, nakaupo lang habang naglalaro sa cellphone.

Hindi talaga ako mahilig maningin ng damit, mas gusto ko pang tumingin ng mga fictional books. Kaya pagkatapos niyang maningin or bumili, kung bibili man siya, hahatakin ko naman siya papunta sa bookstore.

Palinga-linga lang ako dito sa kinauupuan ko. Konti pa lang mga tao ngayon dito kasi maaga pa. Pagdating pa lang namin sa mall, saktong kabubukas pa lang nito.

"Ano mas bagay sakin, ito or ito?" Di ko namalayan na nasa harapan ko na si Hannah at may bitbit na dalawang damit.

"Parehas." Sagot ko na ikinasimangot niya.

Nagpadyak-padyak pa siya na parang bata.

"Umayos ka, Rana! Yong totoo..." Nakanguso pa siya.

"Parehas naman talaga bagay sayo eh."

Totoo yon. Lahat naman talaga ng damit bagay sa kanya eh. Siya lang tong ayaw maniwala sakin.

"Hmp. Fine. I'll buy this two." Sabay tinalikuran ako.

Inantay ko siya ng ilang minuto hanggang sa makita ko siya dala-dala ang binili niyang damit.

"Tapos ka na ba?" tanong ko pagkalapit niya sakin.

"Yeah. You know naman na puro damit lang pinupuntahan ko sa mall. So where are we going next?"

Lihim akong natawa nang maisip yong sinabi niya sa dulo tunog Dora the Explorer.

Hindi na ako nagsalita, bagkus hinila ko na lang siya palabas ng department store. Buti na lang hindi siya nagreklamo, dahil kung oo, sa susunod na hatakin din niya ako, magrereklamo rin ako.

Nang makarating na kami dito sa National bookstore, kaagad kong binitawan ang kamay niya at nagmadaling pumunta sa mga fictional books.

Excited na akong makakita ng bago release!

Ganito lagi nararamdaman ko tuwing nagpupunta ng bookstore. Certified booklover ako. Nagsimula akong magipon ng mga libro nong high school pa lang ako. Hanggang ngayon, nagiipon pa rin ako.

Nang makita ko ang hinahanap ko, grabe lang excitement ko, muntik na ako tumalon sa pagkatuwa!

Mythology by Edith Hamilton

Nahanap ko na rin siya sa wakas! At nagiisa na lang!

Kaagad ko kinuha yon bago pa ako maunahan ng iba. Buti na lang maayos-ayos pa yong libro. Tuwing tumitingin kasi ako ng libro, tinitignan ko kung selyado ba yong plastic ng libro, kung may gusot ba yong front cover, o kaya dumi gilid ng pages. Ganoon ako ka-conscious sa mga libro.

Hinananp ko kung nasaan si Hannah at nakita siyang nasa estante ng mga ballpen at markers.

Mamaya ko na siya pupuntahan, magbabayad na muna ako. Pumila na kaagad ako nang makitang konting tao lang ang nakapila.

Habang nag-aantay, pakiramdam ko may nagmamasid sakin.

Ganito nararamdaman ko simula nong minsan ko nang may nahuling nagmamasid sakin, o di kaya nong may nagiwan ng box at sakin pa nakapangalan.

Bumabalik na naman sakin ang pakiramdam na ganon. Pasimple akong luminga sa paligid, kokonti lang naman mga tao. Wala akong napapansin na kakaiba.

Guni-guni ko lang siguro yon.

Nang makabayad na ako, hinahanap ko kung nasaan si Hannah. Nakita ko siya sa mga bookshelf at tumitingin ng mga libro. Nakita kong may kinuha siyang libro at tinignan yon.

"Psst. Nakabayad na ako." Sabi ko. Nilingon niya ako, binaba yong hawak na libro at lumapit sakin sabay kapit sa braso.

"Then let's go! I'm starving na bespren. Kain tayo sa fastfood."

Tinignan ko ang relos ko at nakitang malapit na pala magtanghalian.

"Sige, saan mo ba gusto?" tanong ko. Umakto siya na parang nag-iisip.

"Any fast food will do. Wala ako maisip, pero gusto ko sa unli rice hehehe."

Napatango ako. Naglakad na kami papunta sa Mang Inasal, dito kasi yong may unli rice na fast food.

Siya na yong pinaghanap ko ng mauupuan namin nang makarating kami. Pumayag naman siya, samantalang ako pumila na para mag-order ng makakakain namin.

Ilang sandali lang ay naka-order na ako. Hinanap ko kung saan nakaupo si Hannah at nakita sa may bandang dulo.

"Ano inorder mo para sakin?" Bungad niya sakin pagkaupo ko.

"Manok, unli rice na yon. Um-order na rin ako ng leche flan sayo para sa dessert mo." Sagot ko sa kanya. Tumango-tango naman siya.

Tapos para siyang biglang may naalala.

"Nga pala, Rana. May nagiwan ng package sa tapat ng gate mo. Nilapag ko siya don sa sofa, tignan mo na lang paguwi mo."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Gaano kalaki yong box?" Bigla kong naalala yong box na nakapangalan sakin na nakita ko nong nakaraan na linggo. Hindi kaya galing ulit sa kanya yon?

"Not sure. Pero di naman siya gaano kalaki. Gulat nga ako ang gaan lang nong box eh."

Napaisip tuloy lalo ako.

"Pero infairness, ang ganda nong design ng box." Dagdag pa niya.

Mas lalo akong nacurious sa box na yon.

_____________

Posted: May 12, 2020

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now