Chapter 19

315 16 3
                                    

Chapter 19

Magmula ng araw na yon, mas lalong nating sweet sakin si Hellion. May konting pagbabago pero ayos lang sakin, medyo naging over protective nga lang siya sakin lalo na sa mga sinusuot kong mga damit, pero hinayaan ko na lang. Wala namang masama don.

Simula non, parang nagbago na rin ang buhay ko. Mas naging maliwanag na siya. Hindi tulad nong dati na para bang may kulang sakin. Ngayong dumating na si Hellion sa buhay ko, parang naging kumpleto na. Lalo pa at boyfriend ko na siya.

Naalala ko nong gabing sinagot ko siya, kaagad niya akong inaya lumabas kahit na gabi na. Pero sysmpre, inubos muna namin yong binili niyang pagkain non.

Dinala niya ako sa malapit na park para pagmasdan ang itim na langit at kumikinang na mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin non, masarap sa pakiramdam.

Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya, na para bang sobra siyang natutuwa.

Paulit-ulit siyang nagpapasalamat sakin at sinasabing napaka swerte raw niya at dumating ako sa buhay niya.

Ganon din naman ako sa kanya. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya.

Araw ng Martes. Naka tanggap ako ng tawag mula sa kumpanyang pinag applyan ko. Ibinalita sakin na tanggap na raw ako at pwede na raw ako magsimulang magtrabaho bukas!

Sa sobrang pagkatuwa ko, kaagad kong tinawagan si Hellion para ibalita yon sa kanya.

"Really? Congratulations, love! I'm so happy for you! I knew you'll be hired to that company." aniya sa masayang tono.

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"Thank you, love. Pero parang hindi pa rin ako makapaniwala! Alam kong sinabi ko sayo dati na parang matatanggap ako sa kumpanya nila, pero di ko pa rin mapaniwalaan. Nananaginip pa yata ako."

Nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa kabilang linya.

"Believe it or not, love, you are really hired. I'm so proud of you." aniya sa malalim na boses.

Napakagat ako ng labi. "Thank you talaga, love. Pero parang tulog pa rin ako."

"Do you want me to go there and kiss you to prove that you are not sleeping?" paos niyang sabi na ikinasinghap ko. Loko to ah!

"Hoy! Gising po ako at hindi po tulog!" biglang sungit ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas.

"Okay! Chill! I'm just joking, love. Ayaw mo pa rin kasi maniwala. You could check your email para makasiguro mong totoong tanggap ka na talaga."

Ngumuso ako. "Fine. Naniniwala na ako."

"Good girl. Btw, when will you start working?" tanong niya.

Napaisip ako, inalala mga sinabi sakin kanina nong kausap ko.

"Sabi sakin pwede na raw ako magsimula bukas." sagot ko sa kanya.

"Hmm. So I'll be fetching you tomorrow morning?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Huh? Bakit mo ko susunduin?"

Tumawa siya na mas lalo kong ikinataka.

"Of course I'm your boyfriend, silly. I'll be fetching you starting tomorrow. No buts."

Ahhh. Yon pala tinutukoy niya. Ayos lang naman sakin. Mas makakatipid pa nga ako non sa pamasahe eh.

Nagpaalam na siya pagkatapos kasi meron daw siyang aasikasuhing importanteng bagay. Hindi ko na inalam kung ano yon. Gusto ko kasing kusa siyang magsasabi ng mga ganong bagay sakin.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now