Chapter 13

410 17 0
                                        

Chapter 13

Hindi kaagad ako nakagalaw sa pwesto ko. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala. Nandito na agad siya?

Tinignan ko ang dalawang tao na nasa harapan ko. Si Marcus ganon pa rin reaksyon niya, nakakunot ang noo. Si Hannah naman natulala at napanganga pa.

Napalunok ako.

Mas hinigpitan niya pa pagkakayakap niya sakin. Yong mukha niya nasa leeg ko na, ramdam ko ang mainit niyang hininga. Hindi ko siya magawang lingunin.

"U-uhh..." Wala akong mabanggit.

Kalaunan, buti naman at bumitaw na siya sakin. Tumabi pa siya sakin at tinignan ako nang mataman.

"Hey. Bakit ganyan lang reaksyon mo?" Napakunot ang noo niya. "Are you not happy to see me?"

Napakurap-kurap ako. Tinignan ko ulit si Hannah tapos binalik din ang tingin kay Hellion.

"Uhm..." Nalukot lalo ang mukha niya. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko pa rin magawang makapagsalita sa kanya.

Napadaing ako nang bigla akong sinipa ni Hannah sa ilalim ng lamesa. Pasimple kong siya tinignan at nakitang pinanlalakihan niya ako ng mata.

"A-anong ginagawa mo dito?" Bulalas ko. Wews, nagawa ko na rin makapagsalita.

Napasimangot siya. "You forgot? I told you in the call that I'll be fetching you right?"

Napakagat ako ng labi, biglang nahiya. "Ahhh, sorry hehehe."

Nakarinig ako ng tikhim.

"Hi! So you're Hellion, right?" Tanong ni Hannah, mukhang nahimasmasan na.

Biglang naging blangko mukha niya. "Yeah."

Mapanuri ang mga tingin ni Hannah. "I see. So how come nakapasok ka rito? Outsider and visitors are not allowed here."

Naramdaman ko na lang na nakapalibot na yong braso niya sa bewang ko.

"Tss. What's the use of connection?" Masungit niyang sagot.

Pasimple kong kinurot yong kamay niya. Napatingin naman siya sakin.

"What?" Biglang lumambot ang mukha niya. Ang mood talaga ng lalaking to.

"Umayos ka nga. Kinakausap ka ng bespren ko ng maayos." Sita ko sa kanya. Para naman siyang biglang naging maamo na parang tuta.

Binalingan niya ang kaibigan ko. "Sorry. That was rude of me. Isa akong investor kaya nakilala ako ng guard at pinapasok."

Napa-O shape ang bibig ni Hannah. "Ohh that's why. Btw, we haven't introduced ourselves. I'm Hannah, Rana's bespren, obviously. And the man beside me is my boyfriend Marcus." Iminuwestra pa niya ang kamay niya kay Marcus.

Nag-abot naman ng kamay si Marcus na tinanggap naman ni Hellion.

"Marcus. Nice to meet you." Casual na sabi ni Marcus

"Hellion. Same here."

Naging awkward na kaming lahat pagkatapos non. Nagbubulungan sila Hannah at Marcus sa harapan ko. Samantalang ako, pakuha-kuha na lang ng pagkain na nasa harapan ko. Si Hellion naman pinaglalaruan kamay ko at tahimik.

"What time will you go home?" Mahinang tanong ni Hellion. Nagkibit lang ako ng balikat.

Sa totoo lang, parang ayoko pa munang umuwi sa bahay.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon