Chapter 25

289 17 2
                                    

Chapter 25

Nagdaan ang ilang araw, ganon pa rin ang routine ko. Papasok lang para magtrabaho. Kapag walang ginagawa manonood lang ako ng kdrama para malibang ko ang sarili ko kahit papaano.

Hindi na muling tumawag sakin si Hellion simula nong dumating siya sa Singapore. Halos tatlong araw na ang nakalipas pero hindi man lang siya nagpaparamdam sakin. Nangako siya sakin na tatawagan niya ako kapag nakarating na siya doon, pero hindi naman nangyari. Mukhang nakalimutan niya.

Dumagdag pa sa isipin ko yong si Keana. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang susundan pa talaga niya si Hellion hanggang sa Singapore. Desperada lang masyado?

Nakakapang init ng ulo ang babaeng yon.

Panigurado magkasama ang dalawang yon ngayon. Hindi ko maiwasang mabahala dahil don kahit na malaki ang tiwala ko kay Hellion. Kay Keana lang talaga ako walang tiwala. Halata naman kasing may gusto siya sa boyfriend ko at gumawa pa talaga ng paraan para magkasama silang dalawa.

Inaantay ko ring mag online si Hellion sa messenger pero hindi pa siya nagbubukas magmula nong umalis siya. Nanatiling naka offline ito.

Hindi ko na alam kung paano ko ba macocontact si Hellion. Nag aalala ako na parang ewan.

Napabuga na naman ako ng hininga.

"Ang lalim naman ng hininga mo. May problema ka ba?"

Nabalik ako sa wisyo at tinignan ang taong nagtanong sakin, si Khessa.

Lunch break namin ngayon at nandito kami sa cafeteria ngayon. Sabay kaming tatlo kasama na si Darryle kumain ngayon. Himala talaga na sumasama na samin si Darryle.

Humigop muna ako sa baso kong may lamang tubig bago sumagot. "Wala naman, kung ano-ano lang mga iniisip ko."

Tila hindi siya kumbinsido sa sinagot ko at tinaasan pa ako ng kilay. "Magmula nong pumasok ka, yong mukha mo para kang may pasan na mabigat na problema."

Kaagad na sumingit si Eli. "Oo nga. Hindi ko na makita yong ningning sa mata mo tuwing pumapasok ka. May problema ba kayo ng boyfriend mo?" Aniya sa nag aalalang tono. Nahalata na nga talaga nila ako.

Napahigpit ang hawak ko sa baso. Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang panahon para sabihin ang namamagitan samin ni Hellion?

Natatakot pa rin ako. Paano kung husgahan nila agad ako? Minsan kasi madali tayong nahuhusgahan ng tao kahit hindi pa nila tayo nakikilala ng lubusan.

"You could tell us your problem. Were your friends." Ani Darryle na medyo ikinagulat ko pero hindi ako nagpahalata. Tinuturing niya kaming kaibigan? Bago yon ah.

Wala na akong magagawa, sasabihin ko na sa kanila. Bahala na kung mahusgahan nila ako.

"Diba hindi niyo pa nakikilala ang boyfriend ko?" Panimulang tanong ko sa kanila. Tumango sila.

Huminga ako ng malalim at nagbaba ng tingin. Nagbilang muna ako ng ilang segundo bago sabihin, "Boyfriend ko si Sir Hellion."

Hindi kaagad ako nag angat ng tingin sa kanila sa takot na makita ko ang panghuhusga sa mga mata nila.

Pero ilang minuto na ang nagdaan ay walang nagsalita ni isa sa amin.

Dahan-dahan ako nag angat ng tingin at nakitang normal lamang ang ekspresyon ng mga mukha nila. Hindi ko nakita ang panghuhusga sa mga mata nila.

"Not shocking, one time kasi nakita kong kinuha ni Sir Hellion yong bag mo tas sabay kayo umalis, nasa lobby kayo non." Pahayag ni Eli.

"Hmm, I didn't expect it pero nakita ko kayo once sa parking lot hehe. Hindi na lang muna ako nakiusisa sayo kasi I know you're not ready for that and tinatago niyo pa ang relasyon niyo." Sabi naman ni Khessa.

"Hindi niyo ba ako huhusgahan? Kasi, boyfriend ko ang boss natin?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Sabay silang umiling sakin.

"We don't mind at all. And we don't have the right to judge just because nalaman naming boyfriend mo si Sir. And actually we are happy for it kasi nito lang talaga naming nakita sumigla si Sir, not unlike in the past para siyang taong bato, emotionless ganon. Walang pake sa mga tao sa paligid niya." Pagkekwento ni Eli.

Taong bato? Emotionless? Naalala ko yong unang pagkikita namin nong ginagamot ko siya, para talaga siyang robot ng time na yon, emotionless. Pero paglipas ng araw, nabago na iyon at nakikitaan ko naman na siya ng emosyon. Parang nag improve rin siya.

"Balita kasi dati, he's suffering from a mental disorder or something. I'm not sure pero usapan raw dati yon kasi may isang empleyado na nakakita kay Sir Hellion na parang kinakausap yong sarili."

Doon ako medyo naguluhan sa sinabi niya. May dinaramdam ba sila Hellion? Sa nakikita ko parang wala namang kakaiba sa kanya maliban dati na wala talaga siyang emosyon at parang robot.

"Tas may nakaalitan si Sir dati na isang investor, nagkasagutan ata sila at muntik nang magsuntukan noon. Galit na galit si Sir Hellion non na parang gustong pumatay. Isang beses lang siya nagalit ng ganon pero parang naging ibang tao siya dahil don." Dagdag na kwento ni Khessa.

Mataman lamang akong nakatingin sa kanila, hindi ko alam kung ano irereact ko sa mga nalaman ko. Dapat ba akong maniwala?

Sinasabi ng isip ko na dapat maniwala ako, pero sabi ng puso hindi dapat.

Dapat maantay kong magsabi siya sakin, sa kanya lang ako maniniwala.

"Hindi mo pa nakikita si Sir Hellion na magalit bilang boyfriend mo?" Usisa sakin ni Eli na kaagad ko inilingan.

"Kahit kailan hindi niya ako pinakitaan ng ganon. Mabait siya at malambing sakin. Sweet at maalaga na rin." Sagot ko sa kanila.

Biglang sumingit si Darryle sa usapan namin. "Don't trust him too much, Rana. You don't know the real him." Makahulugang sabi niya sakin. Napatingin ako sa kanya at hindi siya nakitaan ng pagbibiro.

Anong ibig niyang sabihin don? Huwag kong gaano pagkatiwalaan ang boyfriend ko? Hindi ko alam ang buong pagkatao niya.

Bigla na lamang ako nagduda, kilala ko na ba masyado si Hellion? Alam ko sa sarili kong oo, pero may iba pa ba siyang tinatago sa akin?

"Bakit?" Yon na lang nasabi ko sa kanila.

Huminga ng malalim si Darryle. "Just do it. Ayaw ka naming mapahamak kapag nagkataon."

Laging may kahulugan ang mga sinasabi ni Darryle. Bakit parang may alam siya sa totoong pagkatao ni Hellion na hindi ko alam.

Hindi ko na lamang binigyan ng pansin yon at sumang ayon na lang. Masyadong maraming gumugulo sa isipan ko ngayon.

Nang matapos na kaming kumain lahat, akmang tatayo na ako nang biglang nagvibrate ako phone ko.

Tinignan ko kung sino nagtext at biglang kumalabog ang dibdib ko nang makitang si Hellion yon!

Kaagad kong binasa yon.

Hindi ko alam kung ano irereact ko pero sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan at natakot.

Hellion:

Behave like a good girl. You wouldn't like it when I get mad.

________________

Author's Note:

I'll try to update the chapter later night kung maihabol ko. Thank you so much for supporting my stories. It really really means a lot to me. I love you all! <3

Btw, you could reach out, interact and be updated with my upcoming stories in twitter!

@LianneWrites_
Link: https://twitter.com/LianneWrites_?s=09

Posted: July 18, 2020

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin