Chapter 9

396 23 2
                                    

Chapter 9

Pagkatapos naming kumain, naglibot na muna kami at saka naglaro sa arcade. Sinulit na namin ang oras na nasa mall kami. Inabot na nga kami ng hapon sa mall eh.

Pagdating ko pa lang sa bahay, sa kwarto na agad diretso ko dahil sa pagod na naramdaman ko. Nakakapagod talagang maglibot sa mall.

Habang nakahiga, bigla kong naalala yong sinabi sakin ni Hannah kanina.

Yong box.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto, hinanap ko kung saan nilapag ni Hannah yong box. Nakita ko iyon sa sofa.

Pagkalapit ko, kinuha ko yon at pinagmasdan. Katamtaman lang ang laki ng box na parang kasya don ang isang bracelet o di kaya isang kwintas.

Tama nga si Hannah, ang ganda nong design nong box.

Hinanap ko kung kung may note o kung sino man lang ang nagbigay pero wala akong nakita. Nakakapagtaka.

Binuksan ko na yong box, tumambad sakin isang simple pero napakagandang bracelet. Inangat ko ito at pinakatitigan. Kulay silver ito at may pendant na maliit na puso. Mukha itong mamahalin.

Sino naman ang magiiwan nito sa tapat ng gate ko? Di kaya hindi to para sakin at namali lang ng padala? Pero impossible, medyo may kalayuan ang bahay ng kapitbahay ko sakin. Saka, wala na akong ibang kamag-anak na pwedeng magbigay nito sakin.

Nakakapagtaka talaga.

Sinubukan ko siyang isukat sakin, sakto siya.

Ang ganda talaga ng bracelet na to.

Nagulantang ako nang may kumalampag sa gate sabay may sumigaw.

"Delivery boy po! May sulat po para sa inyo!"

Agad ko namang binuksan ang pinto at nakitang may tao don sa gate, delivery boy siguro yon.

Pinagbuksan ko siya ng gate.

"Miss Ranalyn Kysha Santillan?" tanong niya sakin. Tumango naman ako.

"Opo."

"May sulat po para sa inyo." Sabi niya sabay abot sakin ng sobre. "Pakipirmahan po ito, miss." Dagdag pa niya na ginawa ko naman.

Nagpasalamat siya bago umalis sa harapan ko. Ako naman, nagtataka ulit.

Tinignan ko kung ano yong mga sulat na yon. Isa-isa kong tinignan mga yon at nakita puro mga bills na dapat bayaran.

Bago ko pa man maisarado yong gate, bigla na naman nagtayuan balahibo ko na parang may nakatingin sakin.

Napalinga ako sa paligid hanggang sa may nahagilap ang mata ko na isang tao na nakasandal sa isang poste.

Puro sa poste ko na lang sila nakikita ah?

Pamilyar na bulto at tindig ang napansin ko sa kanya. All black ang suot niya, may suot pa siyang sombrero at face mask. Hindi ko makita yong kabuuan ng mukha niya.

Siguro siya yong nagmamasid sakin?

Nagulat na lang ako nang bigla siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Inatake ako ng kaba at takot.

Pero nawala yon nang makita ko siyang tinanggal ang sombrero at mask niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.

No name guy?

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Hey." Walang emosyon niyang sinabi.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin