Chapter 5

463 19 2
                                    

Chapter 5

"Wala pa rin pinagbago ang pagluluto mo. Ang sarap pa rin!"

"Oh em gee. Salamat bespren! Hihihi."

Tuwang-tuwa ako habang kinakain itong niluto naming dalawa ni Hannah na pasta. Ang sarap talaga kaya paborito ko talaga to.

Ako lang naman nag-ayos ng ingredients at siya naman ang nagluto ng mismong sauce at pasta noodles. So basically, siya halos nagluto. Tumulong lang ako ng konti.

Nakakadalawang plato na nga ako ng pasta. Tinatawanan ako ni Hannah dahil para raw akong gutom na gutom kahit hindi naman talaga. Sadyang paborito ko lang talaga itong gawa niya. Mamaya kapag maraming natira maguuwi ako.

Habang kumakain kaming dalawa, nagkwentuhan lang kami para magpalipas ng oras. Hanggang sa di ko namalayang ang oras na malapit nang mag 9pm ng gabi.

Shocks. Pahirapan ang uwi nito.

Kaagad akong nagpaalam kay Hannah. Nong una di siya pumayag kasi walang masyadong sasakyan at madilim masyado sa kalsada dahil iilan lang ang poste na may ilaw. Napilitin ko naman din siyang bandang huli nang sabihin kong mag aabang ako malapit sa gate nila. Sasamahan na sana niya ako kaso sinabi kong wag na lang dahil alam kong maguusap pa silang dalawa ni Marcus.

Nakatayo lang ako dito malapit sa gate nila, katabi ng posteng may ilaw. Napabuntong-hininga ako dahil mukhang wala talaga akong maaabang na taxi or kahit tricycle man lang.

Ilang minuto lang ang inantay ko bago magdesisyon na maglakad na lang. Di na ako aasa na may dadaan pang sasakyan. Buti na lang talaga na may mga ilaw pa yong mga poste sa dadaan ko, kung hindi matatakot talaga ako at nenerbiyosin habang naglalakad pauwi.

Nagsimula na akong maglakad ng mabilis dahil sa mga oras na to, walang masyadong lumabas na mga tao. Malayo-layo pa ang lalakarin ko.

Tsk. Kung hindi sana ako masyadong nagpadala sa kwentuhan namin ni Hannah, edi sana maaga pa akong nakauwi. Buti na lang wala kaming pasok bukas dahil sabado naman.

Hindi ko alam pero parang nakakarinig ako ng mga yabag ng paa sa bandang likuran ko. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang likod ko.

Wala naman akong nakitang tao.

Guni-guni ko lang siguro. Tinatakot ko lang sarili ko dahil masyado na ring gabi at delikado na.

Nagsimula na ulit ako maglakad. Naging alerto na rin ako sa paligid ko.

Nang makaliko ako sa isang eskinita dahil yon na lang ang pinakamabilis na daan pauwi, mas lalo kong naramdaman na parang may sumusunod sakin. Malas lang dahil walang gaanong ilaw sa posteng nadadaanan ko.

Halos patakbo na yong ginagawa ko, hindi rin ako makalingon dahil sobrang kabado na ako.

Sana walang mangyaring masama sakin.

***

Third Person's POV

Kanina pa niya sinusundan si Ranalyn magmula sa eskwelahan hanggang sa paguwi nito. Lagi niya itong binabantayan at pinagmamasdan. Lahat ng kinikilos nito ay alam niya.

Napansin niya nang makaliko si Ranalyn sa isang eskinita ay biglang may lalaking bumubuntot dito.

Nagtagis ang bagang niya at nagmadaling sinundan ang mga ito. Nakita niyang hinahabol nong lalaki si Ranalyn.

'You're dead.'

Mukha itong magnanakaw base sa kilos nito at sa hawak nitong kutsilyo. Mukha rin itong pipitsugin at walang binatbat sa kanya.

Nang medyo makalapit siya sa mga ito ay kinuha niya ang nakatagong dagger sa likurang pantalon niya at inasinta ang lalaki sa paa nito.

"Argh!" Daing nito at napadapa. Nakita niyang nagdugo ang paa nito na ikinangisi niya.

Tinignan niya si Ranalyn at nakitang medyo nakakalayo na ito sa kanila.

Dahan-dahan niya nilapitan ito sabay kuha ng nakatagong baril at itinutok dito.

"Sino ka?!" Sigaw nito sa kanya habang namimilipit pa rin sa sakit at sinusubukang tanggalin ang dagger sa paa nito.

Ngumisi siya at napailing. "Tsk. Tsk. You shouldn't have done that."

"At bakit naman? Pakialam mo ba?! Pakielamero ka rin eh no?!" Gigil na sabi nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Pakialam ko?"

Gigil na gigil na siyang kalabitin ang gatilyo.

"May pakialam ako kasi akin yong babaeng malapit mo nang saktan!" Sigaw niya rito.

Hindi na siya nakapagpigil at pinutok niya ang baril na ikinadaing nong lalaki. Natamaan ito sa bandang tyan.

Iniwan niya itong namimilipit sa sakit pero hindi niya napaghandaan yong kutsilyong itinusok sa hita niya.

"Fuck!" mura niya dahil sa sakit na naramdaman. Nagdilim ang paningin niya at pinaputok ulit ang baril na ikinamatay nito. Sa puso niya ito tinamaan.

Napasandal siya sa pader dahil tila biglang namanhid ang kaliwang hita niya.

"Fuck! Fuck! Fucking shit! Tangina lang!" mura niya habang iniinda ang sakit. Mukhang napalalim ang pagkakatusok nito sa hita niya.

Tinignan niya ang hita niya at napamura nang makitang ang daming dugo ang nawawala sa kanya. Kapag tinanggal niya ang kutsilyong nakadikit, mas lalong madaming dugo ang mawawala sa kanya.

Para siyang nawawala sa sarili at nahihilo.

Hindi niya namalayan na may taong nakalapit sa kanya.

***

Ranalyn's POV

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod na ako. Sana hindi ako naabutan nong lalaking sumusunod sakin.

Sinasabi ko na nga ba na may sumusunod sakin. Grabe lang talaga yong kabog ng dibdib ko. Hinihingal pa ako ng sobra.

Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakitang hindi na ako nasundan nong lalaki.

Pero may naaninag akong isa pang lalaki na nakatayo malapit don sa lalaking sumusunod sakin. Sa tulong ng ilaw, medyo naaaninag ko silang dalawa.

Napasinghap ako nang maglabas ng baril yong lalaki at itinutok don sa lalaking sumusunod sakin. Hindi ko alam mararamdaman ko pero alam kong binaril niya yong lalaki dahil napahandusay ito sa sahig.

Ang mga sumunod na nangyari ay nakapagpabigla sakin. Sinaksak nong lalaking sumusunod sakin yong lalaki na ikinadaing nito. Tapos pinutok ulit niya yong baril don sa lalaking nakahandusay.

Nakita ko na lang na napasandal yong lalaki sa pader, na parang hinang-hina.

Hindi ko talaga alam kung bakit niya ginawa yon, pero alam kong niligtas niya ang buhay ko.

Naawa naman ako sa kanya nang makitang nanghihina na siya kaya pinuntahan ko siya.

Nang makalapit ako ay napatingin siya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.

Bakit? Bakit ko to nararamdaman? Ano tong nararamdaman ko? 

______________
Author's Note:

Nalalapit na pagkikita nilang dalawaaaaa, stay tuned ♥️

Posted: May 9, 2020

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora