Chapter 20

350 16 0
                                    

Didn't proof read.

Chapter 20

Tila natuod pa rin ako sa kinatatayuan ko. Napakurap pa ako baka kasi namamalikmata lang ako. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko at baka nananaginip lang ako.

Si Hellion na boyfriend ko ay ang boss ko? Paano nangyari yon? Wala naman siyang binanggit sakin patungkol don.

Kaya ba siya naka suot ng corporate attire kanina kasi dito siya didiretso?

"Why are you just standing there, love? Come here." Aniya sa malambing na tono.

Pinakatitigan ko lamang siya. Ganon pa rin naman ang suot niya tulad kanina pero napansin kong may neck tie din siya suot. Sigurado akong meron din siyang coat.

Mukhang di na siya nakatiis at lumapit na siya sakin at kaagad akong niyakap.

"I miss you already, love." Bulong niya. Napabalik na ako sa wisyo at mahina siyang tinulak na ikinataka niya.

"Why?" Nagtatanong ang mga mata niya sakin.

Umiwas ako ng tingin. "Bakit hindi mo sinabi?"

Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "What?"

Huminga ako ng malalim. Tinignan ko siya ng seryoso. "Bakit hindi mo sinabing isang boss ka?"

Mukhang nakuha naman niya ang tinutukoy ko. Nagbaba siya ng tingin at napakamot sa batok na parang nahihiya.

"I'm sorry for that, love. I just don't want you to know. Hindi ako sanay na sinasabi na isa akong boss sa sarili kong kumpanya." Nahihiya niya sabi.

Napasimangot naman ako dahil don. "Bakit naman? Diba dapat pinagmamalaki mo yan? Nakakaproud kaya yan!"

Nakakaproud pero at the same time nahihiya rin. Isipin mo, akala mo yong boyfriend mo isang simpleng tao lang pero isang big time pala at may ari ng isang kumpanya. Sa kumpanyang pinag applyan ko pa. Tas ako, isang simple lang na babae.

Nag angat siya ng tingin sakin, "I know that, love. Nahihiya lang ako sayo. And I think this is the right time since you're hired already in my company."

Isa pa yan, hindi kaya may ginawa siya para lang matanggap ako?

Pinaningkitan ko siya ng mata. "May ginawa ka ba para lang matanggap ako dito?" seryoso kong tanong sa kanya.

Kaagad siyang umiling sakin, mukhang nataranta dahil iba iniisip ko. "No! Of course not! I let my HR handle my employees. I didn't hire you just because you're my girlfriend, okay? You are hired because of your capabilities." Nagsusumamo ang boses niya sakin, bakas sa mukha niya ang pang aamo.

Hindi pa rin ako kumbinsido sa kanya. "Hindi ako naniniwala."

Marahas siyang napabuga ng hininga sabay yakap sakin. Binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko.

"Please believe me, love. I would never do that kasi alam kong ayaw mo ng ganon. Gusto mo yong pinaghihirapan mo talaga, you don't like to ask for help. Please, I'm telling the truth."

Napayakap ng mahigpit yong braso niya sa bewang ko. Naglalambing siya sakin.

"Oo na, oo na. Naniniwala na ako sayo. Sinusubukan lang kita." Sagot ko sa kanya.

Kumalas siya sa pagkakayakap. Halata sa mukha niya ang pagtataka. "What? Anong sinusubukan mo ko?"

Umiling ako sa kanya. "Wala. Ano pa iba mong rason kung bakit mo ako pinatawag bukod don sa sinabi mo saking boss ka? Diba dapat magtatrabaho na ako?" pag iiba ko ng tanong sa kanya.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Onde histórias criam vida. Descubra agora