Chapter 11

421 20 2
                                        

Chapter 11

Napahikab ako at napadukdok sa mesa na nasa harapan ko. Grabe lang talaga yong nararamdaman kong antok.

"Is she okay?" boses ni Marcus yon.

"Not really. Hey, Rana. Ayos ka lang ba?" boses naman yon ni Hannah.

Di ako sumagot, tumango na lang ako.

Gusto ko na lang matulog.

"Aattend ka pa ba ng practice? Last practice naman na natin to oh. After that, parang bakasyon na rin natin." Saad ni Hannah.

Hindi ko pa rin siya sinasagot.

Lunch break namin at kakatapos lang kumain. Magmula kaninang umaga, antok na antok ako.

Rason kung bakit ako inaantok?

Peste yang Hellion na yan. Hindi ako pinatulog!

Magmula nong nagdinner siya sa bahay ko, hindi na siya mawala-wala sa isip ko. Kahit hanggang sa pagtulog ko, nandon din siya!

Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi naman ako ganito dati ah.

Biglang nagvibrate cellphone ko.

Umangat ang ulo ko mula sa pagkakadukdok at tinignan ang phone ko.

Nakabukas pala data ko kaya may nagmessage sakin sa messenger.

Pagkabukas ko ng app, may message request akong natanggap. Tinignan ko kung sino yon.

Halos manlaki mga mata ko kung kaninong mensahe galing yon.

"Okay ka lang ba, Rana?" tanong ni Hannah. Hindi ko pa rin siya pinansin. Binuksan ko ang conversation box namin.

Hellion Creus

Accept my friend request.

Binuksan ko yong profile niya para makasigurong siya nga talaga yong nagchat sakin, kaso private account niya at wala gaanong friends sa facebook.

Hindi kaya poser to?

Ranalyn Santillan

Who u?

Yan na muna ang sinagot ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung siya nga talaga yan.

Hellion Creus

You already forgotten about me? I'm hurt.

Kasabay ng message na yon, nagsend siya ng picture.

Halos lumuwa at manlaki mga mata ko sa sinend niyang picture.

Selfie yon na picture, nakatopless siya at nakanguso pa. Parang nakadapa pa siya sa kama. Magulo rin ang buhok niya na parang bagong gising.

Ramdam kong nag-iinit ang mukha at pisngi ko.

"Lokaret kang babae! Sino yan?! Ka-tinder mo?!"

Nagulat ako na nasa tabi ko si Hannah at nakikibasa ng message. Dali-dali kong tinago tong phone sa bag.

Tinignan niya ako ng matalim at nakapameywang pa.

"May hindi ka ba sinasabi sakin, Rana?" yong tono niya parang nagdududa.

Tinignan ko si Marcus pero wala na pala ito sa kinauupuan nito kanina.

Binalik ko ulit ang tingin kay Hannah. "Uhm..."

"Ano? Sagot! Sino yong lalaking ka-chat mo kanina? At nagsend pa ng picture sayo ng nakatopless!" Parang papatayin na niya ako dahil sa paraan ng tingin niya sakin.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Onde histórias criam vida. Descubra agora