Chapter 26

315 15 0
                                    

Chapter 26

Kumukulog at halos magdidilim na ang kalangitan. Nagbabadya ang malakas na ulan, pero hanggang ngayon hindi pa rin nakakauwi ang batang babae mula sa pangangalakal nito.

Kanina pa pabalik-balik ng lakad ang batang lalaki, nag aalala ito ng sobra sa kalagayan ng batang babae. Nabalitaan niyang tatama ang bagyo anumang oras. Maaaring biglang bumuhos agad ang malakas na ulan at baka maabutan pa ng malakas na ulan ang batang babae.

Kanina pa siya hindi mapakali. Nagsisisi siyang hindi niya agad ito sinamahan. Pinairal na naman niya ang katamaran niya. Kung bakit ba kasi hindi niya pa sinamahan ito.

Napasabunot na lamang siya ng buhok at napapatingin sa labas. Mas lalo lang dumidilim ang kalangitan. Gusto niya itong sundan pero hindi pwede. Ipinagbilin nito sa kanya na huwag aalis sa silong kahit anong mangyari. Maaari kasing magkumuha ng pwesto nila kapag umalis siya, at ayaw niyang mangyari iyon.

"Ang tagal mo naman, Lyn-lyn." Usal niya sa sarili at napahagod sa buhok nito.

Biglang kumulog ng malakas, kasabay non ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Tangina." Malutong na mura niya at mas lalong di mapakali.

Mas lalong nadadagdagan ang pag aalala niya. Gustong-gusto na niya ito sundan pero natatakot siyang iwan ang silong nila. Iyon na lamang ang meron silang dalawa.

Napakagat siya ng labi. Ayaw niyang mag isip ng kung ano-ano. Sana nasa mabuting kalagayan lang ang batang babae.

Ilang minuto pa ang nagdaan pero hindi pa rin nakakauwi ang batang babae. Tila mas lalo lang bumubuhos ang malakas na ulan. Bumabaha na ang kalsada.

Mas lalo siyang natatakot sa kalagayan ng batang babae.

Paano kung nagpapaulan ito dahil walang masilungan? Paano kung nagkasakit na pala ito? Paano kung napahamak na ito?

"Argh!" Napasabunot na lamang siya sa buhok dahil sa matinding pag aalala na nararamdaman niya.

Bahala na. Susundan na niya ang batang babae dahil hindi na niya kayang magtiis ng walang ginagawa.

Akmang lalabas na siya ng silong nang makasalubong niya ang batang babae na basang basa dahil sa ulan, nanginginig pa ang katawan nito.

"Lyn-lyn!"

Kaagad niya itong niyakap ng sobrang higpit. Sobra siyang nagpapasalamat dahil nakauwi na ito.

Umubo ito at nagsumiksik sa kanya.

Ikinulong niya ito sa bisig niya. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan nito.

"Yon-yon..." mahinang usal nito ngunit narinig niya.

"Bakit? May masakit ba sayo? Nilalamig ka ba? Ano nararamdaman mo?" hindi niya mapigilang magtanong ng marami sa sobrang pag aalala na nararamdaman.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora