Chapter 2

573 23 6
                                        

Chapter 2

"Tangina niya! Gago siya! Ang tanga tanga niya! Napakakitid pa ng utak!"

Nandito kami ngayon sa field at nakaupo sa bench. Sinantabi ko muna ang pag-iisip ko sa lalaking 'yon kanina at pinagtuunan ng pansin ang best friend ko para daluhan siya. Tinignan ko si Hannah at nakita kong nangingilid ang luha niya at pinipigilan niya itong tumulo.

Maganda siya at mas matangkad sa'kin ng kaonti. Mapula ang kanyang labi, maputi ang balat at sexy. Malaki ang hinaharap niya kumpara sa'kin. Mabait pero nagiging bitch. Matalino sana siya kaya lang may pagkatamad.

"Kahit ilang beses kong ipaliwanag sa kanya, 'di pa rin siya naniniwala. Wala siyang kwenta. Nagsisisi ako sa lahat, Rana." Nanginginig na sabi niya.

Niyakap ko siya, ramdam ko ang sakit na iniinda niya ngayon. Sobra niyang minahal si Marcus to the point na binigay niya LAHAT.

Naramdaman kong basa ang balikat ko, umiiyak si Rana. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang umiyak.

Sa dalas naming magsama puro palaban na Hannah ang nakikita ko, pero ngayon? Mahina at tila pagod na sa nangyayari.

"Things will be better, Hannah." Pangaalo ko sa kanya at hinagod ang kanyang likod.

Hindi siya sumagot. Nanatili kami sa gano'ng posisyon. Ilang minuto niyang pag-iyak ay kumalas na siya sa pagkakayakap.

Tumingin siya sa'kin, namumula ang kanyang mata at pisngi, pati na rin ang ilong niya dulot ng pag-iyak. "Ayokong magpractice. I'm tired. I want to go home."

"O-okay." Ayaw ko man ang gusto niya, wala na akong magagawa. Mukha talaga siyang pagod.

Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan. Mukhang magpapasundo.

"Tara, samahan mo ko sa gate. Naghihintay na si Manong Robbie do'n." Pagod niyang sabi at naglakad na. Sinundan ko siya at sinabayan sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gate at nakitang nando'n na nga ang sundo niya.

"Thanks, Rana. Kapag hinanap ako ni Ms. Aquino pakisabi na masama ang pakiramdam ko." Tipid siyang ngumiti sa'kin. Niyakap niya muna ako bago magpaalam at sumakay na sa kotse. Pagkatapos ay tuluyan ng umalis.

Napatingin ako sa relos ko, 30 minutes na lang ang natitira para sa lunch time. Nagpunta agad ako sa canteen para um-order ng pagkain. Pagkatapos ay naghanap na ako ng pwesto at tahimik na kumain.

Ilang sandali ay may biglang umupo sa harapan ko. Napatingin ako sa taong umupo do'n at nakitang si Marcus 'yon. Seryoso ang mga mata niya. Humalukipkip siya at nagsalita.

"Where's she?" sabi niya at pasimpleng luminga sa paligid pero nakatuon ang atensyon niya sa'kin.

"Umuwi na. Masama ang pakiramdam." Malamig kong sagot sabay subo ng pagkain.

Umismid siya. "After what she did earlier, sumama bigla pakiramdam niya? O baka naman makikipagkita sa kalaguyo niya at tinatago niyo lang sa'kin?" mariin niya sabi at mapait na ngumiti.

Napakunot ang noo. Ano naman sa kanya kung gano'n ang sitwasyon? Deserve ni Hannah ang maghanap ng iba na karapat-dapat sa kanya. At isa pa, wala na sila 2 days ago pa.

Nagkibit-balikat na lamang ako. "Sinabi ko na sa'yo ang totoo, bahala ka na sa gusto mong paniwalaan." Simple kong sabi at nagpatuloy sa pagkain.

"Yeah, ako ang bahala sa kung anuman ang gusto kong isipin. She's a liar. Sa lahat ng sinabi niya, isa lang ang totoo. While the rest, was full of lies." Puno ng galit ang mga mata niya.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now