PROLOGUE

314 26 5
                                    

"Ayoko ng ganitong buhay!" Sigaw ni nanay kay tatay. Dahil nag aaway nanaman sila.

"Mahal wag mo kaming iwan ng mga anak mo" sagot ni tatay dito na nagmamakaawa,

Iiwan kami ni nanay? Naramdaman kong tumulo na ang mga luha sa mata ko. Ang bata pa namin para mawalan ng ina.

"Mahal pano ang mga anak natin?" Sabi ni tatay kay nanay habang may luha sa kanyang mga mata.

"Magpapadala nalang ako ng pera para sa kanila" sagot naman nito.

"Ate, bakit ka umiiyak? " Lumapit sa akin yung kapatid ko at niyakap ako.

"Noel aalis si nanay" sagot ko dito. Habang humihikbi.

"Mahal, akala ko ba mahal mo ako" napalingon kami ni Noel nang sumigay si tatay.

"Minahal kita, pero hindi eto ang pinangako mong buhay para sa akin, ayokong maghirap dito habang buhay, walang mangyayari sa atin" sagot ni nanay, kahit na bata pa ako nasaktan ako sa sinabi ng nanay, minahal niya lang ang tatay dahil sa pangako netong magandang buhay.

Nakita ko ang tatay na iyak nang iyak habang pinipigilan ang nanay na umalis, gusto ko man siyang pigilan pero sapat na ang narinig ko galing kay nanay para hayaan siyang umalis. Kahit ayokong mawalan ng nanay, kung ganun lang pala ang tingin niya pagkasama kami parang wala din.

Nakita kong lumabas na si nanay dala ang mga gamit niya, binalik ko ang tingin ko kay tatay at napupunas ito ng mga luha at tumayo na para lumapit sa amin.

"Mga anak paglaki nyo wag kayong mananakit ng tao, lalo na pag alam nyong mahal na mahal kayo at kahit kailan wag kayong bumase sa mga materyal na bagay" sabi ng tatay at niyakap kami.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon