"Acel sige na," pilit sa akin ni Stella.
"No," tipid kong sagot dito dahil kanina pa nangungulit na papuntahin ko daw dito si Cedric Montefalco at namimiss niya. Tsk
"Sige na kasi," ani nito ulit. Tinitigan ko lang ito, tangina kasing lalaking yun nagmessage pa kagabi kay Stella. Ayun tuloy na alala siya.
"I already said No Stella," sagot ko rito
"Ganyan ka naman eh," nagtatampong sabi nito. Ngayon pag aawayan pa namin to.
"Si Owen nalang o kaya si Eiyen o si Troy," sabi ko rito dahil pag yung tatlong yun okay lang pero pag si Montefalco ibang usapan na yun.
"Si Cedric nga," pagmamaktol neto sa akin.
"Tsk."
"Sige ako nalang tatawag kay Cedric," napatingin naman ako dito at binuksan ang phone niya. Tangina kasing lalaking yun eh.
"Oo na, ipapasundo ko nalang," ani ko dito at kinuha ko na ang phone ko. I dialed Eiyen's number.
"Hoy gago andiyan kaba sa office mo? Sabihin mo nga kay Cedric Montefalco pumunta dito," mabilis kong sabi rito.
"Sa iba nalang masyado akong gwapo para gawing utusan," sabi ng gago sa kabilang linya.
"Basta papuntahin mo rito," asik ko rito at sumang ayon naman na ang hayop kaya binaba kona ang phone.
"Salamat Acel," bungad naman sa akin ni Stella at niyakap ako. Pasalamat talaga tong babaeng to mahal ko siya.
"I love you," sabi pa nito habang nakayakap.
"I love you more," sagot ko rito. Kahit masama ang loob ko at pupunta dito yung Montefalco na yun.
Kalahating oras lang ang lumipas ay tumawag na sila na papunta na daw sila sinama nadin ni Eiyen yung dalawang gago.
"Ang tagal naman ni Cedric, Acel!" sigaw sa akin ni Stella. Kaya napalingon ako dito,
Andito naman kasi ako maghahanap pa ng iba.
"Hoy bakit ayaw mo akong pansinin," asik nito sa akin.
"Baka paakyat na yun," sabi ko nalang dito.
Naoasimagot namab ako ng marinig niyang may nagdoorbell siya naman ay halatang halata ang saya sa mukha.
"Ako na," sabi ko rito at inalalayan ko siyang umupo.
"Tangina mo, ito oh," ani saakin ni Eiyen at inabot ang prutas na pinabili ko dito. Kompleto ang mga gago pero hindi nila kasama ang mga asawa at girlfriend nila.
"Papasukin mo naman kami," napatingin naman ako kay Owen ng magsalita ito.
"Gago oh," umalis ako sa daan para makadaan sila si Montefalco naman ay nakatingin lang sa akin.
"Don't be an asshole," ani ko rito bago makapasok ng tuluyan.
"Cedric," salubong naman ni Stella dito at niyakap pa. Kahit gusto kong hilahin si Stella dito wala naman akong laban sa buntis na yan.
"Kung ako diyn pinatay ko na si Cedric," natatawang sabi sa akin ni Eiyen.
"Gago, kung pwede lang," batok ko dito.
"Sigurado kaba diyan?" Tanong ni Owen sa akin habang nakatingin kila Stella. Pinanggigilan lang naman ni Stella ang pisngi ni Montefalco.
"Yeah, kung ano ano na inalok ko sakanya pero yan talaga gusto niya eh," sagot ko rito.
"May balak ka bang pakasalan si Stella?" Tanong naman ni Troy.
"Oo naman paglabas ng baby namin," ani ko dito dahil ayokong magpakasal kami na buntis siya baka mapano pa ito.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...