"Anak, punta muna ako sa bukid titingnan ko ang mga manggagawa," paalam sa akin ni tatay matapos niyang kumain.
"Sige po."
"Ate, hindi ka man lang nagka boyfriend sa maynila?" Tanong nanaman sa akin ni Noel, ito paulit ulit araw araw ata tinatanong niya.
"Wala nga, wag mo nga akong tinatanong ng ganyan hindi ata kompleto araw mo pag hindi mo natanong sa akin yan, ano?" sagot ko rito dahil ang kulit kulit. "Ang alalahanin mo eh yung girlfriend mo," dagdag ko pa rito at nginitian.
"Kaibigan ko nga lang siya ate," sabi nito na parang nahihiya pa.
"Aba nagbibinata na ang bunsuan ah," natatawang sabi ko rito. Napatingin naman ako sa pinto at may kumakatok.
"Buksan mo na," utos ko sa kapatid kong nagbibinata hahaha."Bakit?" Tanong nito sa taong nakatayo sa pinto. Sinilip ko naman ito at napangiti ang ng nakita ko ang babaeng kasama niya palagi.
"Oy, ano pala pangalan mo?" Bati ko rito at napayuko nanaman.
"Ako po si Aedel," pagpapakilala sa akin si Noel naman ay nakatingin lang sa akin.
"Ako si Stella, ate ng boyfriend mo," nakangiting sabi ko rito hahaha.
"Ate hindi ko po siya boyfriend," sabi nito habang nakayuko padin. Mahiyain talaga.
"Wag kana mahiya sa akin at siguradong magiging Ate mo na rin ako," nakangiting sabi ko rito.
"Ate doon kana nga ngunit wala kang boyfriend eh," sabi nito. Aba namemersonal ah. Pumasok nalang ako dahil mukhang hiyang hiya na si Aedel dahil sa mga sinasabi ko hahaha. Nakikita ko talaga ang sarili ko sakanya nung nasa Maynila ako. Aaminin ko hanggang ngayon hinahanap hanap ko pa rin siya sa tuwing may makikita nga akong sasakyan iniisp kong siya yun na pinuntahan niya ako para bawiin lahat ng sinabi niya pero wala. Baka nga ikasal na sila noong babaeng yun eh.
"Ate mo?" Naputol naman ang iniisip ko nang Narinig kong may nag tanong kaya napatingin ako sa pinto. Napangiti naman ako ng makita ko si Adrian. Nakita ko namang pinapasok niya ito.
"Manggugulo ka na naman," pagbibiro ko rito. Pero mas okay na rin na andito siya at medyo nawawala sa isip ko ang lalaking nanakit sa akin.
"Hindi ah, sa gwapo kong ito guguluhin kita?" ani nito, ito maisingit lang talaga yung kagwapuhan niya kahit walang koneksyon sa pinag uusapan.
"Kumain kana ba?" Tanong ko rito.
"Oo naman, may nagdala ng ulam sa bahay eh sarap nga," sabi nito habang nakangisi sa akin.
"Sino? Yung mga manliligaw mo?" Natatawa kong tanong dito.
"Selos ka naman?" ani pa nito at humiga sa balikat ko.
"Ikaw akala mo kagaan mo, ano?" Asik ko rito dahil kahilig gumanon eh kalaki laki niya.
"Payatot ka lang," sabi pa nito at inalis na ang ulo niya
"Ate, may bisita ka raw sabi ng tatay," napatingin naman ako kay Noel. At si tatay naman ay may kausap sa labas. Nagkatinginan naman kami ni Adrian.
"Sino?" Tanong ko rito habang papalabas.
"Ewan, ayun oh," turo nito sa akin sa mga taong kausap ni tatay.
Medyo malayo sila kaya inaninag ko pa kung sino ang mga yun at laking gulat ko ng makita ko sila Circe. Siguradong andito din si Acel. Magsosorry na kaya siya sa akin? Napaisip kasi ako sa mga nag daang araw na hindi naman pwedeng habang buhay akong magalit kay Acel, lalo na at hindi ko man lang makalimutan ang nararamdaman ko sakanya. Siguro nga ay totoo ang sinasabi nilang first love never die.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomansAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...