Nagising akong wala na akong katabi. Montik na ata kami hindi matulog ni Acel kagabi dahil wala ata siyang balak tumigil.
Ano ba itong ginawa saakin ng lalaking iyon. Inaamin ko hindi ako ganoon kahinhin sa probinsya namin pero hindi ko naman akalain na magiging ganito ako dahil sa mga ginagawa niya sa akin.
Napatingin ako sa orasan, napabalikwas naman ako ng makita kong 12:00 pm na. Agad akong nagbihis para makapagluto at baka magalit si Acel dahil ngayon lang ako nagising.
"Gising kana pala," sabi ni Acel ng makita niya ako sa kusina nakita ko namang nilapag niya ang niluto niya sa lamesa. "You should eat," dagdag pa nito.
Naupo na rin siya. Onti lang ang nilagay kong pagkain dahil hindi pa naman ako masyadong gutom.
"Dagdagan mo kaya," sabi nito ng isosoli ko na ang lalagyan ng pagkain. Napatingin naman ako dito at sinunod ko nalang.
"Masarap?" Tanong niya sa akin ng sumubo ako ng pagkain.
"Oo, ang galing mo pala," sagot ko dito dahil masarap naman talaga hindi ko alam na sanay pala siya mag luto.
"Hayaan mo uulitin ulit natin pagkatapos kumain," napalingon naman agad ako sa kanya.
"Acel, baliw kaba?" sabi ko sakanya nakangisi lang ito sa akin "Akala ko yung pagkain eh," dagdag ko pa
"I'm just kidding, yung pakain talaga ang tinutukoy ko," sabi nito at nilapit ang kamay sa mukha ko kaya napatigil ako ng pinunasan niya ang pagkain na nasa gilid ng bibig ko.
"Acel, huwag m--
Naputol ang sasabihin ko ng kinain niya ang kinuha niya na iyon. Wala nanamang siyang magawa.
"Mas masarap," sabi pa nito ng nilasahan ang kinain niyang yun. Napasibangot naman ako sa ginawa niya at siya nakangisi lang parang baliw.
"Kila Owen tayo magdidinner," sabi nito ng matapos kaming kumain ako na ang nag hugas nakakahiya naman siya na nga ang nagluto siya pa ang maghuhugas.
"What time?" Narinig kong tanong niya sa kausap niya ng pumunta ako sa salas niya. "Ang aga naman, pero sige," sabi nito at binaba na.
"Come here Stella," sabi nito at pinaupo ako. Sumunod naman ako.
"May ano ba sakanila?" Tanong ko rito dahil pupunta daw kami kila Owen.
"Wala, gusto lang daw niyang magpakain baka wala na raw kaming makain," kibit balikat nitong sagot at inakbayan ako.
Nanunuod lang kami habang nakaupo pero kahit ganito, parang ayokong umalis sa mga bisig niya. Parang protektadong protektado ako sa kanya. Hindi ko alam kung gusto ko na ba siya. Basta ang alam ko lang talaga ayokong mapalayo sa kanya. Siguro nakatandahan talagang mapunta ako sakanya. Hayss hindi ko maintindihan din ang sarili ko. Hindi naman kasi ako ganito dati, parang nailabas ko ang totoong ako ng mapunta ako sakanya.
"Do you want to kiss me?" Naputol ang iniisip ko sa tanong niya sa akin. Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.
"Kiss?" Tanong ko dito "kiss lang?" Dagdag ko at nakita kong napangisi siya at agad akong binuhat papuntang kwarto.
Alam ko na ang mangyayari dito.
___________________________________________
"Let's go Stella," binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makalabas ako. Nang makababa ako ay sinabayan ko siyang maglakad at hawak din neto ang kamay ko.
"Stella, gumaganda tayo ah," bati naman sa akin ni Owen kaya nginitian ko nalang ito. "Mukhang nakaka score na ang gago," natatawang dagdag neto sabay tingin kay Acel na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...