chapter 14: Province

81 12 6
                                    

Andito na ako sa probinsya dahil pinahatid  na ako ni Tita Einah gusto ko sanang tumanggi pero siya na ang may sabi lahat ng gusto niya ay nasusunod. Matagal pa kaming nakapag usap kahapon at kung ano ano ang pinag usapan namin. Hindi ko naman maitatanggali na gumaan ang loob ko habang kausap ko siya, parang siya ang tumayong nanay ko.

Bumangon nalang ako dahil tanghali na at kailangan ko ng magluto ng tanghalian namin nila tatay. Hindi man lang nila ako ginising pero okay na yun medyo puyat din ako dahil madaling araw na kaming nakadating dito.

Naalala ko tuloy noong si Acel pa ang pinagluluto ko tapos pag naabutan niya akong nagluluto yayakapin niya ako. Wala pa nga akong isang araw napapalayo sakanya miss na miss ko na siya.

"Stella!" Napalingon naman ako sa pinto ng may tumawag sa akin habang kumakatok kaya agad ko itong pinagbuksan.

"Oh? Adrian," nakangiti kong bati dito, namiss ko din tong kababato kong ito eh. Agad naman niya akong niyakap ng makita niya ako kaya niyakap ko din siya.

"Kamusta?" Ani ko rito at humiwalay na sa pagkakayakap.

"Ito okay lang, hindi ka man lang nagsabing uuwi ka. Kung hindi ko pa nakita si kuya Nelson hindi ko pa malalaman," para bang nagtatampong sabi nito.

Dumiretso naman siya sa loob, close naman kasi talaga kami dahil simula pagkabata kami na ang magkasama at magkaedad pa kami kaya ayun.

"Bakit napabilis ang pag uwi mo?" Tanong nito saakin.

"Ganoon talaga ang buhay Adrian," pagbibiro ko dito dahil ayokong sabihin kahit kanina ang mga nangyari sa akin dun.

"Baka naman nagpaligaw ka ng nagpaligaw doon?" Natatawa nitong sabi sa akin. Nakakahiya namang sabihin sa kanyang na kipagsex lang ako ng nakipagsex doon.

"Baliw hindi ano," sabi ko rito habang tumatawa.

"Asus, wag ka ng magsinungaling Stella. Hindi ka magaling," sabi nito na parang inaasar akong mag sabi ng totoo.

"Hindi nga," sabi ko rito at binigyan siya ng kape.

"Naku, wag ka ng magsinungaling sa akin at simula pagkabata eh magkasama tayo kilalang kilala na kita Stella," nakangising sabi nito, hindi ko naman maiwasang mapasimangot dahil hindi man lang ako makapagtago ng sekreto sa lalaking to.

"Nagtrabaho lang ako doon," sagot ko rito pero tiningnan lang ako na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

"Tara sa dagat?" Tanong niya sa akin ng matapos kong lutuin ang pagkain at tumabi ako sakanya.

"Mabigat kasi," asik ko rito ng humiga siya sa binti ko. "Ang laki laki ng ulo eh," dagdag ko pa.

"Gwapo gwapo ko ginaganyan mo ako," sabi pa nito na parang nagtatampo. "Dumami nga ang manliligaw ko noong nawala ka eh," dagdag pa ng bwiset.

Hindi naman din kasi maipagkakaila na may itsura siya. Madalas nga kaming napapagkamalang magboyfriend at girlfriend. Dahil may itsura at maganda raw ako bagay na bagay daw kami. Pero sa tagal naming magkasama parang kapatid lang ang turing ko rito at siya rin ay ganoon sa akin.

"Tara na nga," aya ko rito dahil namiss ko rin tumambay doon.

"Hindi ka pa nga kumakain, tapos aalis kana?" ani pa nito. Eh parang baliw nga siya ang nag aya.

"Hayaan mo na," sabi ko sakanya at hinihila na siya patayo.

"Payatot ka pa rin," ani nito habang nakatingin sa braso ko, kasalanan ko bang kahit anong kain ko ayaw talaga ng taba sa akin.

"Tara na kasi," aya ko sakanya tumayo na ito. Kaya sabay na kaming lumabas.

"Ate," Sigaw naman sa akin ni Noel na may kasamang babae. Jumo-jowa na ang kapatid ko ah. Hahaha

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon