chapter 17: Handkerchief

81 9 5
                                    

Nakatingin lang ito sa akin habang hawak ako, hindi ko maitatanggi na na-miss ko siya na-miss ko ang amoy niya ang hawak niya ang lahat sa kan'ya. Namiss ko rin na ganito kami kalapit sa isa't isa.

"Baka magkabuntisan kayo diyan," narinig kong sabi ni Eiyen kaya nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya at umayos ng tayo.

"You should be careful," ani nito na malamig pa sa iniinom naming tubig.

Umupo naman na ulit ako sa tabi ni Adrian. Si Acel ay nakatingin lang saamin at tumalikod na rin.

"Selos na selos ah," natatawang sambit ni Owen, nakita ko namang binatukan siya ni Troy.

"Pare galingan mo pa, ano?" Sabi pa nito kay Adrian na nakangisi tumango naman si Adrian na parang may mga plano sila.

"Ano ba iyon?" Bulong ko sa katabi kong baliw.

"Ewan ko roon," kibit balikat nitong sagot at tumayo na.

"Owen ano ba iyon?" Baling ko kay Owen dahil wala naman akong makukuhang sagot kay Adrian. Nakita ko namang nagkibit balikat lang din ito at nginitian ako. Baka trip lang nila mangtrip.

"Swimming na tayo," excited na aya ni Aicel at magtatanggal na ng damit.

"Wag muna Ice, kadadating mo lang atsaka don't wear that," bawal naman sakanya ni Eiyen habang nakatingin sa swimsuit nitong suot. Napanguso naman ito at isinuot ulit ang damit. "Mamaya kana mag-swimming sasamahan kita," ani pa nito.

"Napaka protective naman ni Eiyen," sabi pa ni Circe na parang nang-aasar.

"Ang dami na kasing nagsi-swimming baka may kumorsunada sa baby ko," sabi nito at tinaas baba ang kilay kay Aicel.

"Don't do that Eiyen," napalingon naman ako sa nagsalita. Nakatingin lang siya kay Eiyen at wala man lang katingin tingin sa akin. Galit kaya siya sa akin? Bakit siya magagalit eh wala naman ako para sa kanya.

Ang tanong ano bang dahilan para tingnan niya ako?

"Oo nga Eiyen," sabat naman ni Adrian ng nakangisi napatingin naman sila Owen dito na mukhang natatawa.

"Tumigil ka nga," ani ko rito, siya naman ay hinilig ang ulo sa balikat ko.

"Mabigat nga," saway ko rito habang ginalaw galaw ko ang balikat ko para umalis siya.

"Ang sweet nyo naman pala," sabi ni Circe sa amin ni Adrian, tinawanan ko lang ito.

"Tsk," napalingon naman ako ng nagwalk out si Acel, problema noon?

"Ayusin na nga natin to," aya ni Owen sa mga kasama niya.

Kami ni Adrian naiwan lang dito habang tinitingnan sila. Napalingon naman ako rito at nakatingin siya kay Aicel.

"Crush mo si Aicel, ano?" Sabi ko dito habang nakangiti.

"Hindi, ano." sabi nito at agad inalis ang tingin sa babae.

"Aruuuu, wag mo ng tangkain at may Eiyen na iyon," sabi ko rito. "Atsaka kay Acel palang hindi ka papayagan non," dagdag ko pa at tiningnan ko ito. At may tinitingnan ito kaya sinundan ko ito ng tingin.

Nakita ko si Acel na nasa gilid ko at nakatayo. Napalunok naman ako ng makita ko siya.

"What?" Tanong nito sa akin.

"W-wala," nauutal kong sabi dito, naupo naman ito sa tabi ko kaya napadasog ako kay Adrian.

"Oh, pare," bati naman ni Adrian kay Acel, pero tiningnan lang neto ang kamy ni Adrian. Pero parang wala lang ito kay Adrian. "Suplado pala yung ex mo," natatawang sabi nito sa akin, tiningnan ko naman siya ng masama

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon