chapter 3: Month

150 21 8
                                    

Naramdaman kong ang lambot ng hinihigaan ko kaya agad ako tumayo. Medyo na hilo ako sa ginawa ko kaya napahawak ako sa bagay na nasa gilid ko.

"Are you okay?" Tanong ng tao sa gilid ko kaya napatingin ako dito. Montik pa akong matumba ng makita ko kung sino iyon.

"Sorry sa sinabi ko kanina. Akala ko ganoon kang klaseng babae," sabi nito. Napatingin naman ako sa damit kong suot dahil hindi naman ito ang suot ko kanina. Hala ibig sabihin binihisan niya ako? Nakita na niya ang katawan ko hala!

"Don't worry ang maid ang nagpalit ng damit mo. Tumapon sayo yung tubig mong dala nung nadulas ka."

Parang nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niyang yun.

"Bakit po nandito kayo?" Tanong ko dito.

"I just want to say sorry," sabi nito sa akin. "At lilipat kana sa condo ko doon kana magtatrabaho," dagdag pa nito.

"Sir pwede pong iba nalang?" Tanong ko dito dahil ayokong lumipat. "Kay Ma'am Einah po ako nag tatrabaho hindi po sa inyo," dagdag ko.

"I know that, but ask my Mom she said earlier that you need to move to my condo," sabi pa nito.

"Sir si Anna nalang po," sabi ko dito dahil baka gusto ni Anna.

"I don't know her."

"Si Isabelle po?"

"Mommy needs her everytime,"

"Sir ang dami nyong katulong bakit ako pa?" Tanong ko dito, nakakainis kasi eto ang sinabi kong address kila tatay eh tapos lilipat ako pano kung hanapin ako nun. Wala pa naman akong cellphone dahil nasira bago ako umalis sa bahay namin.

"Kasi gusto ko," sabi lang nito at nginitian ako.

" Ano po bang address nyo?" Tanong ko dito dahil makikitawag nalang ako kay Isabelle at baka paghindi ako pumayag alisin ako sa trabaho.

"Why?"

"Sasabihin ko lang po sa pamilya ko baka po kasi hanapin ako."

"It's confidential" sabi pa nito.

"Sige po," tumayo na ako para makitawag kay Isabelle.

"Where are you going?" Tanong niya sa akin at tumayo.

"Tatawag lang po sa pamilya ko," sabi ko dito at tumalikod na ulit.

"Use my phone," sabi niya sa akin at akmang ilalabas na ang cellphone niya sa bulsa niya.

"Kay Isabelle nalang po Sir," sabi ko dito at nakakahiya naman kasing kung makikitawag ako sa boss ko.

"Oy Isabelle pahiram naman ng Cellphone mo oh tatawagan ko lang sila tatay," sabi ko kay Isabelle dahil nasalubong ko ito nangmakalabas ako ng pinto.

"Wala akong load," sagot nito.

"Ay sige salamat." Umalis na ito dahil may dala pang mga damit.

"I guess you need my phone now?" Sabi ni Sir Acel habang nakasilip sa pinto.

"Sir wag na po nakakahiya," pagtanggi ko dito. Dahil nakakahiya naman talaga anak siya ng amo ko tapos makikitawag lang ako sakanya.

"Gamitin mo na Stella or hindi mo sila makakausap," sabi niya sa akin, tinitingnan ko ang cellphone sa kamay niya balik sa mukha niya. Gagamitin ko kaya?

"Sige na nga po," dahan dahan kong kinuha ang phone niya. At nagdial na ako ng number ng kapatid ko. Agad naman netong sinagot.

"Noel!" tawag ko dito, halata naman masaya ito ng sumagot pabalik.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon