chapter 2: Library

180 23 6
                                    

"Stella, paki dala nga ito sa kwarto ni Ma'am Aicel at Sir Acel, kailangan ko na kasi talagang magCR," pakiusap sa akin ni Isabelle dahil dadalhan na niya ng pagkain ang kambal.

"Ayoko, ikaw nalang," sabi ko dito, dahil kung kay Ma'am Aicel lang okay lang pero kung pati kay Sir wag na nakakahiya lalo na dahil sa ginawa ko kagabi.

"Sige na, salamat." Binaba niya ang tray ng pagkain at tuluyan ng umalis para magCR.

Hala, paano to nakakahiya. Hayaan na nga hindi naman pwedeng hindi ko harapin si Sir habang buhay. Magsosorry nalang ako pagnadala ko ang pagkain niya.

Kinuha ko na ang pagkain at inuna kong dalhin ang kay Ma'am Aicel. "Ma'am Aicel eto na po ang pagkain nyo," katok ko sa pinto niya.

"Sabi ko sayo wag mo na akong tawaging ma'am diba," sabi niya nang mabuksan niya ang pinto at kinuha ang pagkain niya. Tumango nalang ako dito.

Nasa tapat na ako ng pinto ni Sir at kinakabahan ako dahil baka nagalit siya sa akin. Pero hindi dapat ako kabahan kailangan kong harapin ang kagagahan ko. Kinatok ko na ang pinto.

"Come in," narinig ko naman sagot nito kaya binuksan ko ang pinto at dahan dahang sumilip.

"Sir ito po," sabay abot ko sakanya ng pagkain niya "ahmmm." Tumingin naman siya sa akin.

"Sorry nga po pala sa nangyari kagabi," sabi ko sakanya at yumuko ako.

"It's okay," sabi nito at nakatitig lang sa akin. "Don't bite your lip Stella," dagdag pa nito.

Nagtaka naman ako bawal ba yun dito?

"Sige po Sir." Pagsang ayon ko nalang dito baka magalit pa ito pag tinanong ko kung bakit eh. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya dahil parang malulusaw ako sa mga titig niya.

"Oh Stella anong ginawa mo sa kwarto ni Acel?" Tanong ni Manang Liony ng magkasalubong kami.

"Dinalan ko lang po ng pagkain," paliwanag ko dito at nilagpasan na ako neto.

Siguro kulang sa pagmamahal si Manang Liony mukha kasi siyang walang asawa at anak. Kung ano sakanya nag asawa ako ang ganda pa naman niya sigurodong mas maganda siya nung bata pa siya.

"Ay."

Natumba naman ako dahil sa nakabangga ko tiningnan ko naman ito agad.

"Sorry Stella," sabi ni Aicel sa akin grabe ang lakas naman niya o baka lampa lang talaga ako "Can you clean my room, may natapon kasi eh," dagdag pa nito.

"Sige po," sabi ko dito at kinuha ko na ang panglinis para makapag umpisa na ako ng gawain ko siguro huli ko na lilinisin ang library nila.

Grabe ang laki naman ng kwarto nya, ano pa bang bago? At halatang mamahalin ang mga gamit dito. Pumasok ako sa banyo sa kwarto niya at nakakita ako ng bath tub grabe sa mga teleserye lang ako nakakakita ng ganito dati ngayon nahahawakan ko na.

Inabot lang siguro ako ng ilang minuto bago ko natapos linisin ang banyo niya dahil wala namang masyadong kalat ito.

"Aicel, wag mo munang sasagutin si Eiyen," kakalabas ko lang nang marinig ko ang sabi niya habang nakahiga sa kama ni Aicel at nanunuod ng TV. Hindi naman ako sumagot dahil hindi naman Aicel ang pangalan ko.

"Aicel, ang sabi ko wag mo munang sasagutin si Ei---

Naputol ang sasabihin niya ng tumingin siya sa kinakapepwestuhan ko.

"Oh, where's my sister?" Galit na tanong neto.

"Hindi ko po alam," sagot ko dito nakakatakot naman pala siya kung magalit.

"Tsk," tumayo na ito at lumabas ng kwarto.

Ano kaya nangyari dun, ang sungit sungit. Kasalanan ko bang wala si Ma'am Aicel dito?

Tinuloy ko nalang ang paglilinis ko dahil pag inisip ko ng inisip yung masungit na yun ay baka matanggal ako sa trabaho ko.

--------------------

Natapos ko ng malinis lahat ng kwarto at laking pasasalamat ko at walang tao sa kwarto ni Sir Acel.

Bumaba na ako para malinis na ang napakalaki nilang library, siguradong aabutin ako ng siyam siyam kakalinis nun.

Wala naman palang masyadong lilinisin dito siguro ay magwawalis lang ako at aalisin ko ang onti onting alikabok. Napakadaming libro dito siguradong hindi pa nila ito nababasang lahat.

Tumingin tingin pa ako ng mga libro dahil ang gaganda neto siguradong mahal din ito, ayt wala naman atang mura dito sa bahay nila eh.

Ang daming talagang dito libro tulad nalang nitong 'To Kill a Mockingbird' by Harper Lee. Hindi ko alam ang libro na ito pero tiningnan ko dahil mukhang maganda ang nilalaman.

Nagikot ikot pa ako para tingnan kung may mga lilinisin pa nang makita ko ang librong 'The Great Gatsby' by F. Scott Fitzgerald grabe maganda daw ito eh. Nabanggit din ito sa pinanuod kong pinikula dati. Kaya kinuha ko ito at binuklat.

Binasa ko ang unahan nito at halatang mapupukaw na nito ang atensyon mo para mas basahin pa ito.

"Do you read?" Nagulat naman ako sa nagsalita sa gilid ko kaya tiningala ko ito dahil nakaupo na ako sa sahig. Agad ko namang binalik ang libro at tumayo.

"Sorry Sir, hindi na po ako mangingialam," paghingi ko ng tawad sa kanya.

"It's okay," sabi lang nito at lumapit sa akin hala, baka gahasain ako nito.

"Hala Sir wag po, marami pa akong pangarap sa buhay," sabi ko dito at napapikit ako dahil mas lumapit pa siya.

Dumilat naman ako dahil walang nangyari, nakita kong may kinuha lang siyang libro sa likuran ko, hala nakakahiya yung ginawa ko, hala hala hala sana kainin na ako ng simento ngayon.

"Silly," sabi lang nito sa akin at tumalikod na.

Nakakainis puro kahihiyan nalang ang ginagawa ko kay Sir Acel. Ayoko namang umalis dahil nakakahiya kay Ma'am Einah atsaka mahirap na makahanap ng trabaho at mababait na amo ngayon.

Hayst hayaan na nga lang makakalimutan niya din naman yun. Ang tanga tanga ko kasi eh.

"Stella."

Napahinto ako nang marinig ko ang tawag sa akin ni Sir Acel. Dahan dahan akong lumingon sa kanya at nakita ko siyang nakaupo.

"Sir bakit po?" Kinakabahan ako dahil sa mga kahihiyang nagawa ko sakanya.

"Clean my table," utos nito sa akin kaya lumapit ako dito habang nakayuko ramdam ko ang titig niya sa akin. Kung pwede lang mamaya ko na to linisin eh.

"Bakit ayaw mo man lang tumingin sa akin?" Tanong nito sa akin. Sino ba naman ang gustong makipagtitigan sayo Sir kung ganyan ka makatingin. Bulong ko sa sarili ko.

"Look at me Stella"

Narinig kong sabi niya pero tinuloy ko parin ang paglilinis. Ayoko nga siyang tingnan nakakahiya eh. Binilisan ko nalang ang paglilinis para matapos na ito nang maramdaman kong tumayo siya sa kinauupuan niya.

"I said look at me," sabi niya at naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko at inalalayan itong itapat sa mga mukha niya.

"Sir," yun nalang ang mga salitang lumabas sa bibig.

"You now when I see you in my bed last night I want to make you cum but I know my limit so I jus----

Naputol ang sasabihin niya nang sinampal ko siya. Tumakbo ako para makalayo sa kanya.

"Aray."

Naramdaman ko ang ulo ko na tumama sa sahig. Umiikot ang paligid ko at onti onti nang nagdilim ang nakikita ko.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon