"Acel, ako ang manganganak hindi ikaw," ani ko dito dahil mas kinakabahan pa sa akin.
Cesarian ako dahil hindi raw kakayanin kung normal dahil malaki raw ang kambal at siguradong mahihirapan ako. Hindi naman na kami tumanggi dahil para lang din yun sa kaligtasan namin ng kambal.
"I know but you're my life," napangiti naman ako sa sinagot niya.
"You're okay with that position?" Ani nito at tiningnan ang posisyon ko. Nakaayos naman na ako andito na rin ang mga gagamitin sa panganganak ko may harang na rin ang gawing tiyan ko para hindi ko makita ang mga gagawin sa akin mamaya. At si Acel andito sa tabi ko hindi raw siya aalis dito hanggat hindi nailalabas ang kambal.
Hindi ko nga akalain na may nabubuhay pa palang lalaking katulad ni Acel akala ko ay pang teleserye lang ang lalaking ganito. Gusto ko siya lang ang kasama ko habang buhay dahil araw araw pinaparamdam niya sa akin na parang unang beses palang kaming nagmamahalan na hindi nagbabago ang pagmamahal niya sa akin. Mas lumalalim pa nga, kitang kita ko iyon sa mga mata niya sa tuwing titingin siya sa mga mata ko. Hindi ko masasabi kung hanggang kailan kami mabubuhay dito sa mundong to pero sisiguraduhin kong siya lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko.
Napatingin naman ako nang pumasok ang doctor at alam ko ng magsisimula na kami.
"I love you," ani ni Acel at binigyan ako ng halik sa noo.
"Mahal na mahal din kita Acel."
....
Nagising naman ako dahil sa liwanag ng ilaw na tumatama sa mukha ko kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko naman na andun si Circe kasama ang mga anak niya.
"Circe," tawag ko rito agad naman itong napalingon sa akin.
"Tita Ella," masayang lumapit naman sa akin si Teo. Kasunod nito ang mommy niya.
"Asan si Acel?" tanong ko kay Circe.
"Tita nakita ko si Aece and Aella," nakangiti sabi saakin ni Teo.
"Gusto ko rin silang makita," ani ko rito at bahagya kong ginulo ang buhok nito.
"Circe, asan si Acel?" Tanong ko ulit kay Circe.
"He just need to do something important," ani nito.
Napasimangot naman ako, may mas iimportante paba sa amin ng mga anak niya at iniwan niya kami dito para lang puntahan yun?
"Let's go outside tingnan natin ang kambal," napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Circe. Diba dapat dadalin nila dito.
"Hindi ba bawal pa akong maglakad," ani ko dito.
"Oo nga, that's why we have a wheelchair," sagot naman nito at biglang may pumasok na nurse na may dalang wheelchair.
"Pero hindi ba dapat dadalhin dito ang kambal?" ani ko rito hindi naman na ito sumagot.
"Tita do you want to see the twins?" Tanong ni Teo sa akin. Tumango naman ako rito. "Then sumama kana po sa amin," dagdag pa nito hindi naman na ako tumanggi at tumingin ako kay Circe na nagkibit balikat.
Talaga itong bata na to. Siguro pag lumaki ito walang makakatalo sa kanya dahil dirediretso magsalita parang si Acel.
Naalala ko nanaman tuloy yung bwiset na yun inuna pa yung iba kesa sa amin ng anak niya ang akala ko pa naman siya ang dadatnan ko pagkagising ko.
"Circe hindi ba nasabi ni Acel kung saan siya pupunta?"
...
Nagtaka naman ako ng walang sumagot kaya nilingon ko ito at wala na silang mag iina dito. Napatingin naman ako kay kuyang Nurse.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
Roman d'amourAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...