"Stella!" Bungad sa akin ni Aicel ng makaapak ako sa bahay nila at agad ako nitong niyakap.
"Pumapayat ka ata Aicel," ani naman ni Acel sa kakambal niya. Pansin ko nga din at mukhang nanghihina siya hindi na katulad dati na mukhang ang lakas lakas niya.
"I'm on a diet," ngitian kami neto at tumalikod na. Napalingon naman ako kay Acel na nakatingin lang sa kapatid niya.
"Manang, Where's Mom and Dad?" Tanong naman ni Acel kay Manang Liony. Na grabe makatingin sa akin. Nailang naman ako dahil sa ginawa niya. Sino ba naman kasing hindi maaano dati katulong lang ako rito tapos ngayon buntis na ako at ang ama pa eh yung amo ko dati.
"Pauwi na rin yun," baling nito kay Acel.
"Ilang buwan na yan Stella?" Tanong nito sa akin.
"Ahmmm."
"A-anim na b-buyan po," napayuko kong sagot dito. Nakita ko namang tumango tango ito.
"Yeah and we're having a twins, manang," pagyayabang ni Acel dito.
"Alagaan mong mabuti si Stella mahirap magbuntis ng kambal nakita ko yung Mommy mo dati kung gaano nahirapan sa inyo ni Aicel," napaangat naman ang tingin ko kay Manang ng sabihin yun.
"I will Manang," agad namang sagot ni Acel.
Iginiya naman na ako ni Acel sa sofa na nanduduon.
"Do you want something?" Tanong nito sa akin umiling nalang ako. Mas gusto kong manahimik nalang ngayon dahil kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayaro sa bahay na ito, hindi ko alam kung magiging maganda ba o ano.
Haysss.
Napahawak naman ako sa tiyan ko dahil medyo humilab ito. Siguro sabi ng anak ko wag ka nga pong kabahan diyan andiyan naman po ang daddy namin para ipagtanggol ka sa mga mananakit sayo.
Napangiti naman ako sa naisip ko.
"Sir ito daw po," napalingon naman ako sa nagsalita nakita ko si Isabelle na nakayuko.
"Isabelle," tawag ko rito inangat naman niya ang ulo niya na parang hiyang hiya.
"Bakit mo Ma'am?" Napangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Ma'am?
Naalala ko tuloy, girlfriend na pala ako ni Acel kaya Ma'am ang tawag noya sa akin. Hindi tuloy ako sanay.
"Stella nalang Isabelle parang hindi tayo magkaibigan," sabi ko rito nakita ko naman napangiti ito sa akin.
Tumayo naman ako para malapitan siya.
"Why?" Agad namang tanong ni Acel sa akin.
"Kakausapin ko si Isabelle."
"Ay Stella may gagawin pa ako eh baka pagalitan ako ni Manang Liony," sabi naman nito at tumango sa akin atsaka tumalikod.
Napasibangot naman ako at napatingin kay Acel na nakatingin din sa akin.
"Nahihiya lang siguro siya," sabi nito sa akin kaya naupo nalang ako.
"Don't get nervous they are just my mom and dad, kanina kapa mukhang kabang kaba diyan," ani pa nito habang nakatingin sa akin..
Yun na nga nanay at tatay niya yun. Nakakakaba naman talaga yun
"To--
"Oh hija, hijo."
Naputol naman ang sasabihin ko ng pumasok ang magulang ni Acel kaya agad akong napalingon dito.
"Hi Mom, dad," salubong ni Acel dito. Ako naman ay napayuko nalang pagkatapos ko silang ngitian.
"Stella, hiyang na hiyang sayo ang pagbubuntis," lumapit naman sa akin si Einah at bineso ako nito.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...