chapter 23: Family

55 4 0
                                    

"Asan kabang hayop ka?!" Narinig kong sigaw ng kausap ni Acel sa cellphone niya. Napabangon naman ako agad.

Hindi na kami nakauwi ni Acel kahapon dahil inabot na rin kami ng gabi at naoag disisyonan namin na dito nalang matulog.

"Oo uuwi na kami." Asik nito sa kung sino mang kausao niya sa telepono. Nakatingin lang ako sakaniya at tinitingnan ang susunod niyang gagawin.

"She's not there anymore," ani nito sa akin. Ang tinutukoy niya siguro ay si Christiana, napaisip naman ako agad nang sabihin niya iyon.

Ano ito sa tuwing andiyan ang babaeng iyon ilalayo niya lang ako at magtatago kaming dalawan?

"Acel, ganito lang mangyayari sa atin? Sa tuwing andiyan si Christiana aalis tayo?" Napakunot ang noo nito dahil sa tanong kong iyon.

"No, uuwi tayo sa inyo dahil hinahanap kana ng tatay mo. At kahit kailan hindi kita itatago sa babaeng iyon, Stella," sagot nito at hinalikan pa ako sa noo.

"Get dressed, we will talk to your father when we get there. I'm sure he's really mad at me because of what I've done." Hinalikan pa ako nito sa noo bago tumayo.

Nabaling ang tingin ko sa likuran niya. Nakita ko ang kaniyang tattoo.

"Acel, bakit nagpatattoo ka?" Nahinto ito nang tanungin ko iyon.

"I will tell you in a right time," ani nito.

Tumango nalang ako rito. Paano kung tungkol pala kay Christiana ang tattoo niyang iyon. Ibig sabihin habang buhay na mag mamarka sa kaniya iyon. Habang buhay nakamarka sakaniya iyong pinagsamahan nila ni Christiana. Ganoon ba talaga niya kamahal ang babaeng iyon para magpatattoo pa siya?

Napabuntong hindi hininga naman ako.

"Christiana don't have any connection about my tattoo, Stella."

Tiningnan ko lang siya na parang nagtatanong kung bakit niya sinabi iyon.

"The way you sigh it's like you're thinking about that girl again. Mahal kita Stella at alam kong hindi na magbanbago iyon," ani nito.

"Yan din ba ang sinabi mo kay Christiana dati?"

"No, just trust me. I'm sorry if I've hurt many times." Tumabi na saakin ito at niyakap ako.

"Please believe me, Stella." Bulong pa nito.

Kailangan ko na ulit ibalik ang tiwala ko sa lalaking ito. Hindi makakabuti sa amin kung palagi akong nagdududa.

Hayss.

....

"Sir, I am here to make things right," ani ni Acel kay tatay. Pagpasok ko palang dito ay pinalayo na agad ako ni tatay sa kaniya. Dahil dun alam kong mahihirapan si Acel.

"Kung gusto mong maging maayos ang lahat sana umpisa palang ay inayos mo na, sinaktan mo ang anak ko at pinagbigyan kita ng isa pangpagkakataon. Pero dinala mo pa rito ang babae mo," sagot ni tatay ako ay nakikinig lang sakanila dahil sigurado akong kapag nangialam ako at pinagtanggol ko si Acel ay lalong magagalit ang tatay ko.

"Sir, hindi ko po gusto ang mga nang---

"Tsk, sabihin na nating hindi mo gusto, peri tinanong mo ba ang anak ko kung gusto pa niya ulit masaktan?"

"I'm really sorry Sir."

Nakita kong napayuko na si Acel ng sabihin niya iyon.

"Ikaw Stella, sinabi ko sayo na hahayaan kita na mag desisyon sa sarili mo sa unang pagkakataon pero pag pangalawa na tama na. Ayokong may nakikitang nasasaktan sainyong magkapatid. Lalo na kung paulit ulit kayong sasaktan ng isang tao?"

"Tama na, tapos na ang usapan."

Napaharap ako kay tatay nang sabihin niya iyon.

"Pero tay, mahal ko si Acel," ani ko rito. Nasagi ng mata ko ang pag angat ng ulo ni Acel nang sabihin ko iyon.

"Mahal mo? Kaya hahayaan mong saktan ka ng paulit ulit?"

Napayuko ako nnang sabihin ni tatay iyon. Hayss

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok dito.

"Tay, yung magulang daw po ni kuya Acel andito. Gusto raw po kayong makausap."

Nakita ko si Acel na nakatingin sa akin na nagsasabing hindi rin niya alam kung ano ang ginagawa nang magulang niya rito.

"Excuse me Sir, I'll talk to them. Hindi ko po sila pinapunta rito."

"Noel, papasukin mo sila," ani ni tatay sa kapatid ko na parang wala siyang narinig sa sinabi ni Acel. Hindi ko alam kung magiging madali ba ito.

"Good afternoon Mr. De Guzman," masayang bati ni Tita Einah sa tatay ko. Ang tatay naman ni Acel ay nakatingin lang sa anak niya.

"I heard what happened here. Alam kong masyado ng matanda ang anak namin para kami pa ang umayos ng problema niya, pero hindi ko kayang nakikitang nahihirapan ang dalawang bata," ani ni tita Einah at binaling pa sa akin saglit ang tingin at binalik na ulit kay tatay.

"Mom, we're okay here. You don't have to go--

"Our son are having a hard time now because of love as well as your daughter Mr. De Guzman. Gusto ko lang sabihin ngayong araw para matapos na ito. Kami mismo ang maglalayo kay Acel pag gumawa ulit siya ng hindi maganda sa anak mo Mr. De Cruz. Kami mismo ang gagawa ng paraan para magkalayo ang dalawang bata," sambit naman ng matandang Dela Cruz. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o matatakot. Sigurado akong pag sila ang nagsabi ay wala ng makakakontra ron, kahit na ang tatay ko.

"Nangako ang anak niyo sa akin noong una pero sinira niya kaya ngayong pangalawang beses ay wala na. Hindi ko hahayaan na masaktan ang anak ko sa pangatlong beses."

"That's the point, hindi na ang anak namin ang nangangako saiyo, kami na mismong sarili niyang magulang, kung sinira ng anak namin ang pangako niya. I assure you that we will not break our promise to you Mr. De Guzman, pati na rin sayo Stella."

Tumingin sa kin si tatay at hinihintay ang magiging reaksyon ko. Pero ano? ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa mga nangyayari, andito ang magulang ni Acel na para bang handa ng isugal ang lahat maayos lang ang problema na ito.

Hindi ko alam kung paano nalaman ng magulang ko at ng magulang ni Acel ang nangyari na ito.

"Kailangan muna naming mag usap mag ama," ani ni tatay sa mga ito. Nabaling ang tingin ko kay Acel na lubos ang pag aalala sa mga mata niya. Bahagya ko itong nginitian na nagsasabing magiging maayos rin ang lahat.

Sumunod na ako kay tatay sa labas. Kinakabahan ako dahil baka sabihin niyang hindi na talaga pwedeng maging kami ni Acel. Ayokong suwayin ang lalaking nagpalaki at nagmahal sa akin at ayoko ring iwan ang lalaking mahal ko.

Pero paano na?

"Mahal mo ba talaga ang Dela Cruz na iyon, anak?" Tanong ko ni tatay sa akin.

"Opo tay," sagot ko rito na ikinabuntong hininga naman niya. "Pasensya  na po at nahihirapan kayo ngayon dahil sa akin, tay," napayuko ako rito. Naramdaman ko naman ang yakap niya sa akin.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad anak, nag mahal ka lang at parte ito lahat ng pagiging magulang."

"Kahit kailan hindi mo kailangan humingi nang tawad dahil sa pagmamahal, hindi kasalan iyan, anak."

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon