chapter 5: Suitor

113 17 5
                                    

Acel's pov

"I told you, magpalit ka kanina hindi ka naman nakinig," asik ko sa babaeng katabi ko dahil sinabi ko sakanya kanina na magpalit siya dahil ayoko ng suot niya. Lalo na ngayon at nakikita ko na maraming mga tarantadong tumitingin sa kanya.

"Acel, wala namang problema sa suot ko," sagot nito sa akin.

"Tsk, marami Ms. De Guzman," sabi ko rito at hindi na ako pinansin.

Ang tigas kasi ng ulo.

Sa mga araw na magkasama kami nakikita kong nagiging komportable na siya sa akin. Pero ang hindi ko alam ay kung may nararamdaman na siya sa akin. I want to ask her pero gusto kong kusa niyang sabihin sa akin yun.

"Hoy, walang aagaw diyan," nguso ng hayop na si Eiyen kay Stella. Dahil nakapalupot ang braso ko sa bewang niya.

"Gag---

"Hi, Eiyen."

Naputol naman ang sasabihin ko ng magsalita si Stella sa gilid ko. Nakangiti ito habang nakatingin kay Eiyen. Tsk harap harapang pagtataksil ang ginagawa ng babaeng to sa akin ah.

"Hi Baby," sagot naman ng gago. Tiningnan ko lang ito tangina kasi alam na sakin si Stella.

"Umalis ka nga rito," asik ko dito.

Hinila ko naman si Stella palabas ng Venue. Hanggang sa makarating kami ng garden.

Hinila ko siya paharap sa akin "May gusto kaba kay Eiyen?" Tanong ko sakanya tiningnan lang ako nito.

"Alam mong kasama mo ako nagawa mo pang makipaglandian sa iba at sa kaibigan ko pa ha?"asik ko sakanya. Dahil sa tagal niyang nakatingin sa akin ay binigyan ko siya ng halik na hindi niya makakalimutan.

"A--ce--l," tawag niya sa akin habang kumakawala sa mga labi ko. Binitawan ko ito dahil nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa nangyari, umiyak siya ng dahil sa halik ko? Nasaktan ko ata siya.

Napabiling naman ang mukha ko ng naramdaman ko ang palad niya na tumama sa pisngi ko. At tumakbo siya palayo.

"Tangina," bulong ko. Napakababaw.

"Acel, I saw Stella running," napatingin naman ako sa nagsalita sa gilid ko at nakita kong si Circe ito.

"So?" Sabi ko lang dito, hindi naman lalabas yun baka pumunta lang yun kay Eiyen.

"You should follow her, I guess," sabi nito, tiningnan ko naman siya at nakatingin lang din siya sa akin.

"No need, pupuntahan lang non si Eiyen."

Kinuha ko nalang ang sigarilyo ko sa bulsa, minsan ko lang to ginagawa pangpaalis lang ng stress.

"Sinabi ba niyang doon siya pupunta?" Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya, oo nga ano.

"You know Acel, hindi naman papayag ang isang babae na sumama sa isang lalaki if she's not interested to the man," dagdag pa nito, tiningnan ko siya then it means na may gusto sa akin si Stella.

"You should find her," sabi nito.

"Ai, what are you doing here?" Singit ni Owen sa pag uusap namin. Nakita ko naman binigyan niya ng mabilis na halik si Circe.

Napailing nalang ako rito.

"I'm just talking to your friend," sabi nito. At inalis ko na ang tingin ko sakanila, ayoko ng tingnan ang paglalandian nilang dalawa.

"Acel," naramdaman ko naman na tumabi sa akin si Owen. "Nakita ko yung nangyari sa inyo kanina ni Stella," dugtong nito.

"Naramdaman ko na din yan," tumingin naman ako sa kanya hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Na magselos sa isa kong kaibigan."

"But at the end sa akin pa rin ang asawa ko hindi ko naman hahayaan na mapunta siya sa iba kasi mahal ko yun eh, at noong nanliligaw palang ako kay Circe I learned how to respect someone's decision," sabi neto sa akin at tinapik ang likod ko. " You should find her, baka lumabas yun, remember probinsyana yun baka mawala pa yun," dagdag pa nito.

Sa sinabi ng mag asawa sa akin parang natauhan ako sa mga ginawa at sa mga sinabi ko sakanya.

Hinanap ko siya sa loob ng venue pero wala siya dun, nakita ko din si Eiyen at walang itong kasama.

"Fuck, where are you Stella?"

Nakita ko namang may mga nangkukumpulang mga lalaki sa tapat ng gate at agad ko itong pinuntahan. Tangina pagnakita kong tinatarando ng mga hayop na ito si Stella hindi ko alam kung ano magagawa ko sa mga ito.

Nang makarating naman na ako sa mga nagkakagulo ay nakita kong mga naglalaro lang ito. Lumingon lingon pa ako para makita siya at nakita kong may lalaki sa loob at may buhat itong walang malay na babae. Kaya tinakbo ko na ito.

"Tangina, sarap mo," narinig kong sabi ng tanginang to kay Stella habang walang malay.

"I think you should take off your fucking hands on her," sabi ko dito at agad naman itong humarap sa akin.

"Bakit sino kaba?" Tanong ng tanginang taong to.

"You'll end up to hell, if I tell you," I gave him the glare that he deserve.

"What's happening?" Tanong naman ni Troy na kagagaling lang galing sa parking.

"Troy kunin mo si Stella," sumunod naman ito agad at dinala na sa loob si Stella.

"You should die," agad agad ko siyang nilapitan at binigyan ng suntok na nakapagpataob agad sa kanya. Binuhat ko ang tarantado sa kuwelyo ng suot niyang suit para makatayo siya at sinuntok ko siya ng sinunto hanggang sa may nakita akong duong lumabas sa bibig ng hayop.

"Don't you ever touch my girl again or else," at binigyan ko siya ng paulit ulit na suntok, tangina sa ginawa niyang yun dapat na siyang mamatay. Naputol naman ang pagsuntok ko ng biglang may umawat sa akin.

"Kill that bastard," sigaw ko dito. Tangina kumakawala pa rin ako sa may hawak sa akin dahil gusto kong patayin ang tarandong yun. Nakita ko naman si Stella sa gilid na nakatingin sa akin, binitawan naman na ako ng may hawak sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Stella are you okay?" Tanong ko agad sa kanya, nakasuot na ito jacket. Tumango lang ito sa akin.

"Let's go home," aya ko sakanya at hindi ko inalis ang mga pagkapalupot ng kamay ko sakanya hanggang sa makapasok siya sa sasakyan.

"Stella," tawag ko rito, saglit na lumingon ito sa akin at binalik muli sa labas ang tingin niya. Siguro ay galit siya sa akin, pinaandar ko nalang ang sasakyan para sa condo nalang kami mag usap.

"Gusto kong magpahinga Acel," napalingon naman ako sakanya nang magsalita siya at nakatingin padin siya sa labas.

"Oo, pag-uwi natin," sabi ko sakanya, nag-alala naman ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi doon," sagot niya sa akin "Uuwi ako na ako sa amin," dugtong niya. Hininto ko naman ang sasakyan.

"Why?" Tanong ko sakanya.

"Ayoko na rito," sabi niya na hindi parin tumitingin sa akin. "Tutal tapos naman na ang isang buwan."

"Look at me Stella" tumingin naman siya sa akin "I respect your decision" nakita ko namang parang kuminang ang mga mata niya.

"But, sasama ako sayo," sabi ko dito.

"Mahirap ang buhay doon Acel at tapos na ang isang buwan na usapan natin," sabi naman niya.

"It'll be fine, mas mahirap 'pagnawala ka at wala naman na akong pake sa isang buwan na yun. Mas okay na sainyo ako mismo manligaw para makilala ko rin ang parents mo."

"Manliligaw ka?"

"Yeah, ayaw mo ba?"

"Hindi ba sabi mo---

"Forget what I've said."

"For now on I am your suitor Stella."

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon