"Stella dito mo na pakainin ang mga kaibigan mo, magpapahanda na ako," sabi ni tatay sa akin.
"Sige po puntahan ko na po sila roon," paalam ko rito, siguradong mga tulog pa iyon dahil alasingko palang ng umaga. Siguro hihintayin ko nalang sila na magising.
Mukhang naipaliwanag naman ng maayos ni Adrian sa kanila na hindi na ako makakasama sakanila kagabi dahil hindi na sila pumjnta sa bahay para sunduin ako. Laking pasasalamat ko na din yun at ayoko muna ng kausap.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Acel na gusto niya akong bumalik sa kanya buti nga at nakatulog pa ako, siguro ay sa sakit ng mata ko. Ang gulo gulo kasi ng taong iyon.
"Aray," natumba naman ako ng may nabangga akong tao. Sino ba ito kaaga aga eh. Napatingin naman ako rito at nakita kong pawis na pawis ito siguro ay nagjojogging.
"Sorry," sabi lang nito at tinayo ako na parang hindi ako kilala. Siguro ay tinotoo niya na yung sinabi kong kalimutan na niya na ako.
"Acel," tawag ko rito ng naglakad na ulit, lumingon naman ito agad. "Sa b-bahay ra-w kayo kumain sabi ng tatay," sabi ko rito, tumango lang ito at tinuloy na ang pagjajogging nito.
Ang dali naman niyang sumuko, hayss. Baka sinabi niya lang iyon kahapon para palayuin ko siya. Para mag mukhang ako ang may ayaw sakanya. Para mas mapadali ang pagsasama nila ni Christiana. Baka na guilty lang siya dahil nakasakit siya, kaya parang binaliktad niya ang sitwasyon namin, na parang ako ang umayaw at siya ang namilit.
Siguro mas maganda na rin yun, mas okay para sakanya para hindi na siya makaramdam ng bigat ng loob na may nasaktan siya tao. Pero paano yung nararamdaman kong sakit? Ano to habang buhay nasa akin lang o gagayahin ko siyang kakalimutan nalang din siya.
Pero ayoko siyang kalimutan sakanya lang ako nakaramdaman ng ganito, lahat ng nangyari sa amin unang beses ko kumbaga sa gamit brand new akong dumating sa kanya at siya lang ang unang gumamit. Siguro nga ganun lang ang tingin niya sa akin kaya ginamit niya lang ako.
"Stella?" Napalingon naman ako, ng may tumawag sa akin. Pilit ko namang inalis ang lungkot sa mga mukha ko at nginitian siya.
"Oy Owen, ang aga mo naman," pili ang ngiti kong bati dito. Nakangiti din ito at tumabi sa akin.
"Ikaw ang maaga, dinadalaw mo si Acel, ano" natatawang sabi nito sa akin, tinawanan ko nalang din at wala naman akong alam na isagot dito.
"I know you're having a hard time right now lalo na at andito yung gago kong kaibigan," binasag naman neto ang katahimikan, kaya napatingin ako rito.
"I think you and Acel should talk," sabi pa nito habang nakatingin sa malayo. Huminga naman ako ng malalim.
"Ayaw naman talaga niya sa akin" napayuko ako sa sinabi ko. Totoo naman yun.
"Sinabi ba niya?" Tanong neto sa akin. Umiling naman ako dito.
"Pero iyon ang pinaparamdam niya sa akin," ani ko dito pilit kong pinigilan ang pagtulo ng luha ko dahil ayoko namang umiyak sa harapan ni Owen.
"Gago yun eh, lahat naman kami gago," natawa ito ng bahagya. "Pero hindi naman namin hahayaan na iyong babaeng mahal namin ay hayaan nalang namin na masaktan," sabi pa neto siguro ay kayong tatlo. Si Eiyen nakita kong hinarap niya si Acel, kahit nga saktan siya neto okay lang basta kay Aicel eh. Pero si Acel, baka ganun din kay Christiana nga lang niya gagawin iyon.
"Pero kung mahal niya ako bakit siya mismo ang nanakit sa akin." Natahimik ito sa sinabing iyon.
"Kasi ang alam lang niya noon ay hindi mo siya kayang iwan. Naging kampante siya na kahit hindi ka niya mahalin ay magsstay ka, pero ang tapang mo para iwan mo siya. I know you love that asshole, at ayaw mo lang na mas lumalim iyon kaya ikaw na ang dumistansya pero andito kami ngayon para guluhin ka." Napabuntong hindi nalang ako sa sinabi niya. Lahat ng sinabi niya ay tama.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...