chapter 9: Punishment

95 13 5
                                    

Warning!
___________________________________________

Naglilinis naman ako ngayon sa condo ni Acel dahil ginagawa ko pa rin naman ang mga dapat kong gawin dahil parang sineswelduhan pa rin niya ako. Hindi naman na ako nagpapadala kila tatay ngayon dahil wag na raw at malaki naman ang kinikita ng sakahan namin at bakasyon naman daw ni Noel, itabi ko nalang daw para sa akin kaya sinunod ko nalang iyon.

Si Acel ay umalis matapos namin kumain dahil may gagawin pa raw siya sa opisina niya. Napalingon naman ako sa pinto ng condo niya ng may nagdoorbell dito. Agad ko itong binuksan.

"Good afternoon, Stella" bati nito sa akin, nagtaka naman ako kung bakit nandito ito dahil wala namang naibilin si Acel na may bisita siya.

"Where is Mr. Dela Cruz?" sabi nito sa akin "We have something to talk to," dagdag pa nito kaya pinapasok ko na, hindi naman siguro siya magnanakaw dahil ang alam ko ay kasama siya sa pamilyang sinabi ng Nanay ni Acel kanina.

"Pumunta sa opisina niya may gagawin daw," sabi ko sakanya, kinuha ko naman siya ng maiinom. "Pero baka pauwi na yun," dagdag ko pagkaabot ko sa kanya ng inumin.

"Pupunta ka sa party next week?" Tanong nito sa akin, tumango naman ako kahit hindi ako sigurado kung isasama ako ni Acel dun.

"You should come with me," sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

"Baka si Acel ang kasama ko," sabi ko nalang dahil magagalit pa yun pag sa iba ako sumama.

"Bakit?"

"Kasi siya lang ang kilala kong isasama ako," paliwanag ko rito.

"Bakit?"

"Kasi ewan, hindi pa nga ako sigurado kung isasama ako nun."

"Bakit?" Tanong niya ulit habang nakangisi.

"Hays hindi ko alam."

Nakita ko naman natawa siya kaya napangiti din ako pano eh ang kulit hahaha.

"You should come with me," sabi nito na ikinahinto ko "I am willing to take you there."

"No," napatingin naman kaming dalawa sa nagsalita. "She's coming with me," seryosong seyosong sabi nito.

"Oh, Mr. Dela Cruz you're here," sabi nito at tumayo na, inabot naman neto ang kamay niya kay Acel pero hindi naman nito pinansin, ugali talaga nitong lalaking to oo.

"What are you doing here Montefalco?" Tanong nito at umupo sa tabi ko tatayo na sana ako dahil maguusap pa sila ng hilahin ako ni Acel at iupo sa kandungan niya. Nakita kong uupo na din si Cedric habang nakatingin sa pwesto namin ni Acel.

Binalak ko ulit tumayo pero mas hinigpitan lang neto ang hawak sa akin. Nakakahiya naman kasi nag uusap sila tapos ako nakakandong sa kanya, lakas talaga ng trip ng lalaki na to. Nakakailang tuloy dahil madalas na tumingin sa amin si Cedric siguro ay na iilang ito.

Saglit lang silang nag usap at nagpaalam na din itong umalis, hanggang sa pintuan at sinama ako ni Acel na hawak ako na para bang may kukuha sa akin.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sakanya ng maisara na niya ang pinto.

"Para malaman niya na akin ka," sagot neto. "Bakit kayo nagtatawanan kanina?" Dagdag na tanong nito na seryoso padin ang mukha.

"Ang kulit kasi niya," napatingin naman siya sa akin na parang sinabing bakit ko pa sinabi yun.

"Tsk, kinikilig ka pa niyan?" tanong nito at inakay na ako sa sofa.

"Nagseselos ka naman niyan," pagbibiro ko rito sabay tinawanan ko ito. Alam ko namang walang kaselos selos doon gusto ko lang siyang asarin.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon