Binuksan ko agad ang pinto nang makaakyat ako, sigurado namang wala pa si Acel dito kaya okay lang. Atsaka hindi naman siguro siya magagalit pag nalaman niya.
"Where have you been?" nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likod ko habang nagsasara ng pinto. Tiningnan ko naman ito at seryoso padin ako mukha habang umiinom ng alak.
"Lumabas lang saglit," sabi ko rito at dumiretso na sa kusina para makapagluto na.
"Saglit? Kanina pa ako andito," sabi nito na halata ang galit sa mukha. Nakita ko riin na hawak nito ang cellphone niya
"Kanina pa rin kita tinatawag, pero iniwan mo ang phone mo, nag aalala ako Stella tapos makikita ko itong putanginang picture na 'to!" napayuko naman ako dahil sa pag sigaw niya, pinakita niya sa akin ang picture namin ni Cedric.
"Acel, kaibigan ko lang naman si Ced---
"Tangina! kahit ano mo pa 'yan dapat hindi ka sumasama," sigaw nanaman niya, hindi ko na mapigilan ang luha na tumulo sa mata ko.
"Hindi mo naman kasi alam eh," humihikbi kong sagot dito. Para namang kumalma siya nang makita niya akong umiiyak. Nawala ang pagka kuyom ng kamay niya. "Wala kang alam sa nararamdaman ko!" Sagot ko rito.
"Palagi ka nalang wala tapos ako palaging nag-iisa rito hindi ka naman ganyan dati eh, simula noong dumating yung ex mo naginga ganyan kana!" ani ko rito, hindi naman siya naka kibo at nilapitan niya ako pero mas minabuti kong lumayo. Siya pa ang galit ngayon eh konti na nga lang hindi na siya umuwi at dun nalang siya sa opisina niya pumunta.
"Sino ba 'yong kasama mo sa opisina?"
"Ang mga Montefalco," sagot niya lang pilit niya akong nilalapitan pero lumalayo ako.
"Sino? si Christiana?" Hindi naman siya nakasagot kaya mas lumalala ang pagtula ng luha ko hindi ko alam kung may karapatan akong masaktan dahil wala naman kami pero mahal ko siya mahal na mahal.
"Uuwi nalang ako samin Acel," sabi ko dito at dumiretso na ako sa loob ng kwarto niya para ayusin ang gamit ko. At pilit kong pinigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Stella, don't leave me," sabi nito sa akin at niyakap ako. At lahat ng luhang pinipigil kong lumabas ay tumulo ng lahat.
"You're already mine, right?"
Oo sayo na ako pero ikaw, hindi kana sa akin. Ayoko sana itong tanungin sakanya pero kailangan para malaman ko kung aalis ako o hindi.
"Acel, mahal mo pa ba siya?" Tanong ko rito. Pilit kong pinapanalangin na sana ay humindi siya pero sapat na ang katahimikan para sa sagot niyang oo. Wala mahal pa niya yung ex niya. Bakit ba ganito ang lalaking 'to, pinaramdaman niya sa akin na mahal niya ako tapos ngayon may mahal siyang iba. Gusto kong magwala dahil sobrang sakit na nararamdaman ko pero wala akong lakas para gawin iyon.
"Just don't leave me?" Bulong neto sa akin. Hindi ko alam kung magagalit ako sa kanya dahil sa sinabi niyang yun.
"Gago ka pala eh gago ka," ani ko sakanya at habang hinahampas ang dibdib niya. Mahal niya yung ex niya tapos ako andito lang. Pag wala na ulit yung ex niya saka nalang niya ulit ako mapapansin. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa mga nangyayari ngayon.
"Napakagago mo Acel," umiiyak kong sabi rito.
"Ayaw mo akong pahawakan kahit kanino tapos ikaw mahal mo pa yung ex mo, wala kang awa Acel," nakita ko sa mga mata niya ang pag aalala. "Okay lang ako Acel, okay lang ako kahit ginago mo ako, ginamit mo lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagpauto sa'yo sa kwento mo tungkol sa pagkakabaril mo."
"I'm sorry, Stella." Binalak nitong abutin ang kamay ko pero agad ko itong iniwas.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, Acel, kasalanan ko ito dahil pinaniwala ko ang sarili ko na mahal mo ako."
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...