Acel's pov
Iniwan niya lahat ng gamit niya rito na galing sa akin. Sino ba kasi ang gusto pang makita at maalala ang gagong katulad ko. Nakita ko kung gaano siya nasaktan dahil sa ginawa ko. Nalilito lang kasi ako nun dahil nakita ko si Chris akala ko ay mahal ko pa siya pero habang tumatagal na kasama ko siya ay mas hinahanap hanap ko si Stella.
Gusto ko siyang hanapin, pero nahihiya ako dahil sa mga kagaguhang ginawa ko sakanya. Ngayon lang ata ako natakot sa babae, natatakot akong baka pagnagpakita ako sakanya ay hindi na niya ako matanggap.
Tangina kasi eh napakalaking katangahan tong ginawa ko. Sa lahat ng tao sakanya lang akong natututong magsorry dahil sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya parang gusto kong maging matinong lalaki. Tangina siya lang din ang nagparamdam sa akin na hindi niya kailangan ang pera ko at ang lahat ng meron ako. Na sapat na sakanya ang pagmamahal pero hindi ko naibigay sakanya yun dahil sa kagaguhan ko.
"Hoy gago," napalingon naman ako sa gago kong kaibigan. "Tulalang tulala ah," natatawa netong sabi.
Nag iisip kasi ang puta eh.
"Puntahan mo na kasi," nakangising sabi ni Eiyen, akala mong walang atraso sa akin ang gago ah.
"Nahihiya yan sigurado ako," natatawang sambit ni Owen. Sa tatlong kaibigan ko si Owen ang mas nakakaintindi sa akin. Ewan ko ba sa gagong to kung bakit alam na alam ang mga iniisip ko.
"Hindi nga niyan alam kung taga saan si Stella," napatingin naman ako kay Troy ng magsalita ito. Tama naman ang sinabi niya, hindi ko talaga inalaman at sigurado akong pagnalaman ko ay hindi ko mapipigilang puntahan ito.
"Ganyan ka gago yang hayop na yan," singit ni Eiyen.
Tanginang to.
"Naalala mo pa ba yung sinabi mo sa akin dati?" Tanong ni Owen sa akin tiningnan ko naman ito at hinihintay ang susunod na sasabihin.
"Na, gago ako at sa ganitong panahon ay dapat gamitin ko naman yung kagaguhan ko sa mabuting paraan," kibit balikat na sabi neto "Malaki ang naitulong noon sa akin, malay mo makatulong din sayo," dagdag pa nito.
"Troy ikaw wala kang payo sa gagong to?" Narinig kong tanong ni Eiyen kay Troy lumingon naman ito sa akin ang gago kaya tiningnan ko lang.
"Wala, alam naman niyan ang dapat gawin eh ayaw lang gawin," kibit balikat nitong sabi. Akala ko kung ano ang sasabihin ng gago.
"Hey guys, ito yung miryenda nyo," pumasok naman si Circe na may kasunod na maid at may dalang pagkain. Dumiretso naman agad si Circe sa asawa niya. Hindi ko naman maiwasang mainggit dito ng halikan niya ang asawa niya. Siguro kung hindi ako gago ganyan kami ni Stella ngayon, kung hindi ko siya hinayaan na umalis mas sweet pa kami diyan.
Tangina ko kasi eh.
"Kung ako kase sayo hanapin mo na, wag kang mukhang tanga diyan" naputol ang iniisip ko dahil sa pagbatok ng gagong si Eiyen.
"Daddy!" Napatingin ako kay Teo na kapapasok lang. Nag aya kasi si Owen sa kanila gusto raw niyang magbonding kaming kagaguhan, alam ko namang inuman lang ang gusto.
"Oh bakit?" Tanong ni Owen sabay lingon dito.
"Nothing, I just want to call you," sabi nito at lumabas na.
"Kanino kaya nagmana yung anak nating yun Ai?" Umiiling na tanong nito sa asawa niya.
"Malamang na hindi kay Circe, alam ko matino si Circe eh," kibit balikat na sabat ni Eiyen. Nakita ko namang natawa si Circe.
I miss Stella's smile, laugh and her face. Miss ko na, na makatabi siya sa pagtulong.
"Acel," tawag sa akin ni Circe kaya nilingon ko ito. "I know she loves you, wag mo sanang hayaang tuluyan siyang mawala sayo," sabi neto at nginitian ako bago lumabas. Nakita ko namang ang tatlong gago na nakatingin lang sa akin.
"Bakit ba?" Asik ko rito dahil mukhang mga tanga.
"Wala lang ang gwapo mo eh," seryosong sabi ni Eiyen. Binato ko naman ito ng unan na nasa likod ko.
Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita ko kung sino yun kaya hindi ko nalang iyon pinansin at baka masira lang ang araw ko.
"Hoy tangina mo, hindi mo ba sasagutin to nakakarindi na," sigaw sa akin ni Owen. At kinuha ang phone ko.
"Ikaw nalang ang sumagot," sagot ko dito kaya nangiting sinagot ng hayop.
"Yes Christiana, wala si Acel dito na kay Stella na," sabi nito at binaba na.
Alam kong gusto nilang maging kami ni Stella yun din naman ang gusto ko, pero kasalanan ko rin kung bakit hindi naging kami. Pinigilan ko siyang umalis, oo, pero alam kong nasaktan siya noong hindi ako sumagot nung tinanong niya ako kung mahal ko paba yung babaeng yun.
Hindi ko alam kung sumama ba siya sa Cedric na yun, na alam kong gustong gusto siya kaya nga ayokong nakikita silang magkasama, gusto ko saakin lang siya masaya. Pero ako ata ang dakilang gago at hindi ko naisip yun bago ko siya hinayaang umalis.
"Guys!" Napatingin kaming tatlo sa pagpasok ulit ni Circe, ano kay trip nito?
"What?" Tanong nung asawa niya.
"Magsiswimming tayo," sabi nito pero sa mukha ng mga kasama ko ay mukhang mga ayaw nila at ako din naman ayoko marami akong problema ngayon at wala akong panahon para sa mga ganyan.
"I have something to do," ani ni Troy.
"Marami pa akong lakad," ani naman ni Eiyen.
Ako naman ay hindi na sumagot at tiningnan nalang sila.
"Ai, sige na papayagin mo na sila," lumapit ito kay Owen at parang nagpapaawang pilitin kami sumama.
"Marami silang ginagawa Ai," sabi naman nito at binigyan ng halik ang asawa. Pero nakita kong may binulong si Circe at nagliwanag ang mukha ng gago. Siguro ay pinangakuang makipagsex para pilitin kami. Tsk tsk tsk
"Pumayag na kayo mga gago masaya roon," sabi nito sa amin sabi na nga ba at mapapapayag ang gago eh tangina neto.
"Troy sige na," nakita ko namang tumango ito ay Puta napaka rupok tangina.
"Eiyen tara?" Baling naman neto kay Eiyen.
"Pilitin mo muna ako," sabi nito nang nakangisi.
"Gago sumama kana, tara rito Ai wag kang naglalalapit diyan," sabi pa ni Owen at hinila ang asawa niya papalapit sakanya.
Wala na akong magagawa sure nang kasama ako dahil ako nalang ang nag iisang hindi sumasang ayon hindi naman papayag yung tatlong gagong hindi ako kasama.
"Acel, ikaw hindi na kita tatanungin dahil hindi ka pwedeng tumanggi," nakangiting sabi sa akin ni Circe tumango nalang ako rito dahil sabi nga ni Circe hindi na ako pwedeng tumanggi.
"Ai padala mo na nga rito yung mga iinumin namin," narinig kong sabi ni Owen, lumabas naman na si Circe na parang tuwang tuwa dahil napapayag kami.
"Lakas ng trip ng asawa mo, ano?" ani naman ni Eiyen.
"Para lang din sa isa sating tatlo yung vacation na yun," kibit balikat na sabi nito, puro kagaguhan nanaman ang sinasabi ng gago. "Next week tayo aalis, one week tayo dun," nakangiting dagdag neto.
"Tagal naman," ani ko rito.
"Gago magsasaya ka roon promise," sabi pa ng gago at tinaas baba ang kilay.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang mga alak na pinadala niya. Siguradong lasing lasing na naman kami rito.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...