chapter 11: Ex

85 13 5
                                    

"Oy okay ka lang?" Tanong ko sa katabi dahil nakasimangot ito. Tumango lang ito sa akin.

Andito kami ngayon sa sinabi ng mommy niyang party. Hindi ko naman malaman sa lalaki na to kung bakit ganito ang itsura.

"Let just sit," sabi nito kaya may nagturo naman sa amin kung saan ba dapat kami maupo. Halatang ayos na ayos ang party na ito.

"Dad this is Stella," pakilala naman sa akin ni Acel sa tatay niya nabigla naman ako dun dahil hindi man lang ito nagsabing ipapakilala niya ako.

"Oh Good evening Hija," sabi nito at nginitian ako. "Good evening din po," sagot ko dito at binalik na niya ang tingin sa kausap neto.

Nakita ko naman sa kabilang lamesa si Cedric. Kaya nginitian ko ito dahil nakatingin sa akin. Siguro ay pamilya niya din ang kasama niya.

"Hi Sis," tawag naman sa akin ni Aicel ng makaupo siya sa tabi ko.

"Hi, kamusta na kayo?" Tanong ko dito dahil nung huli kila ko sakanya ay dun pa sa bahay ni Owen.

"Ayon, he is my suitor now," kibit balikat na sabi nito. "Wag mo agad sasagutin si kuya ha?" bulong naman niya sa akin, napangiti naman ako dahil dun.

"I can hear you Aicel," natawa naman kaming dalawa ng mag react si Acel sa gilid ko.

"Sige bye bye na may titingnan lang ako doon," paalam nito sa akin.

"Don't listen to her," napatingin naman ako kay Acel. Natawa naman ako dahil nagbibiro lang naman yung kakambal niya eh hahaha.

"Para kang baliw," sabi ko nalang dito habang natatawa.

"Let's dance," sabi nito sa akin ng magumpisa na ang kanta. Napangiti naman ako, dahil sa kilig? Hahaha

Inakay naman niya ako sa gitna madami na rin ang nagsasayaw dito at napakasweet nilang tingnan.

"You're the most beautiful here tonight," bulong niya sa akin habang magkayakap kami. Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko kaya yumuko nalang ako.

"Look at me Stella," sabi niya sa akin, kaya sinunod ko ito.

"You don't know how much I like you," sabi pa nito at binigyan ako ng halik. Naputol naman ito ng nagsalita ang emcee.

"We should take our sit lovebirds," ani nito kaya iginiya na ako ni Acel papunta sa upuan namin.

"We have our opening speech from our one and only Ms. Christiana Montefalco," nagpalakpakan naman ang lahat ng tao kaya pumalakpak nalang din ako. Si Acel naman umiiral nanaman ang kasungitan at hindi man lang ito pumalakpak.

"Good evening to all of you," panimula nito, napatingin naman ako kay Acel na nakatingin lang sa babaeng nasa harapan.

"Acel," marahan kong piniga ang kamay niya, kaya naman tiningnan niya ako.

"Okay ka lang?" Tanong ko rito at tumango lang ito at binalik na ulit sa harap ang tingin.

"If you mind if you join me here Mr. Acel Benedict Dela Cruz?" napalingon naman ako ng ng sabihin niya ang pangalan ng lalaking katabi ko. Nakita ko namang parang hinahanap neto si Acel.

"Oh where are you Mr. Dela Cruz," sabi ng emcee mukha namang walang balak na magsalita si Acel.

"Acel, go there," napatingin naman siya sa tatay niya ng pinapupunta siya doon. Binitawan ko naman ang kamay niya para makapunta siya doon.

"Punta lang ako doon," paalam niya sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik.

Hindi ko naman maiwasan magselos dahil sa tinginan nilang dalawa. Oo aaminin ko nagseselos ako walang magagawa eh nahulog na ako sa kanya hindi ko alam kung kailan ko sakanya sasabihin pero may kaba parin sa loob ko na wag muna.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon