chapter 20: Followed

82 8 6
                                    

Nagising akong napakasakit ng mga mata ko dahil sa pag iyak ko kagabi. Mukhang nailabas ko ata lahat ng tubig sa katawan ko eh. Mukhang tanghali na rin, ayoko pang lumabas dahil baka makita ko lang sila at magtanong sila.

Naririnig ko pa hangang ngayon ang pagtawag niya sa akin nung tumakbo ako ng sinabi niyang mahal niya ako.

Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang sinabi niya sa akin kahapon. Mahirap na kasing maniwala lalo na at sobrang sakit ng nagawa niya sa akin. Kahit gusto kong sumagot na mahal na mahal ko rin siya ay hindi ko nagawa dahil natatakot ako. Natatakot akong ulitin niya lang ang pananakit niya sa akin.

Unang beses kong magmahal tapos ganito pa ang nangyari hayss. Nakakatakot na akonb magmahal.

Napalingon naman ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok, "Anak." ani nito.

Tumayo naman na ako para pagbuksan si tatay ng pinto.

"Anak kailangan mo ba ng kausap?" Mahinahong bungad sa akin ng tatay. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko at agad ko itong niyakap.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang nangyari sayo sa maynila?" Tanong nito ay iginiya ako sa kama para makaupo kami.

"Ayoko pong mag-alala kayo," napayuko ako.

"Alam mo anak lalo akong nag-alala nang malaman kong hindi mo sa akin sinabi, kailangan mo lang sundin ang puso mo para mawala yang sakit na 'yan," sabi nito nag angat naman ako ng tingin at nakita ko ang ekspresyon ng mukha ni tatay nakangiti pero halatang may lungkot itong dinadala.

"Mas magandang sundin mo 'yan kaysa magsisi ka sa huli, anak, dahil hindi mo nagawa ang gusto mong gawin. Kung nagkamali ka dahil sinunod mo 'yan wala namang mawawala sa'yo, mas madadagdagan ka pa nga dahil mas tatapang ka at mas magiging matatag ka," ani pa nito.

"Tingnan mo ako, nagkamali ako sa pagsunod ko sa gusto ng puso ko pero kahit na ganoon ay nagpakatatag ako para sainyo ng kapatid mo, sa tuwing nakikita ko kayong napalaki ko ng maayos nagiging tama ang mga pagkakamali ko. At kahit sa huli ay iniwan ako ng nanay nyo, wala akong naging pagsisisi dahil sinunod ko ang gusto ng puso ko," sabi nito at niyakap ako. "Nagkamali nga lang," natawa naman ito kaya napangiti na rin ako.

"Lahat ng pagkakamali ng isang tao ay may mga dahilan kaya hindi mo dapat tanggalin ang karapatan nilang magkaroon ng isa pang pagkakataon, anak." Napakaswerte ko sa tatay ko, alam kong hanggang ngayon ay si nanay pa rin ang mahal niya kaya nga tinuruan niya kaming magpatawad at ngayon ay hindi kami galit kay nanay dahil kay tatay. Siguro nga ay nagkamali rin si nanay sa pag iwan sa amin.

"Anak. Mahal mo ba ang lalaking iyon?" Tanong sa akin ni tatay, marahan akong tumango dahil mahal ko siya, mahal na mahal.

"Ayokong nakikita kang ganyan anak," ani nito habang nakatingin sa mukha ko at pinupunasan ang luha rito. "Pero kinausap ako ng personal ni Dela Cruz. Hahayaan kitang magdisesyon sa sarili mo ngayon dahil nasa tamang edad kana anak. Pero pagsinaktan ka ulit ng Dela Cruz na iyon sinisigurado kong ako mismo ang maglilibing sakanya," sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Salamat po sa lahat tay," ani ko rito at niyakap ko ulit siya.

"Nasa labas siya, gusto ka raw makausap," sabi nito sa akin at nginitian ako bago lumabas ng kwarto.

Inayos ko muna ang sarilili dahil ayoko magpakita sakanyang mugtong mugto pa ang mga mata ko.

Pagbukas ko ng pinto ay agad niya akong sinalubong ng yakap. Minabuti kong pigilan muna ang pagsagot ng yakap niya.

"Stella, sorry for everything" ani nito sa akin habang nakayakap siya. Humiwalay naman na ako sakanya at tiningnan siya.

"Acel, mahal kita, mahal na mahal kita," umiiyak kong sabi dito. "P-pero sana wag mo na akong gamitin, w-wag mo na akong paasahin dahil wala dito si Christiana, alam kong pagnakabalik kana ulit dun ay makakalimutan mo na lahat ng sinabi mo sa akin," pinag saklop ko ang dalawa kong kamay para masapo ang ulo ko. Kahit sobrang sakit ay sinabi ko sakanya iyon dahil yun ang totoo.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon