"Stella Why?" Agad ko itong dinaluhan dahil bigla nalang tumula ang kanyang luha.
"Kasi alam ko yung Dark Lambda Society," humihikbi nitong sabi.
Shit.
Paano kung masama ang nagawa sa kanya ng DLS kaya siya umiiyak. Tangina pala dapat hindi ko na sinabi.
"Kaya rin ako may tattoo dahil sa DLS, I'm sorry for not telling you this. I hope you can understand it, Stella." Lakas loob kong sambit dito, ayoko ng magtago ng kung ano man sakaniya ngayon.
"Acel," napatigil naman ako ng tawagin niya ako. Fuck.
"Mahal na mahal kita Acel," ani neto at niyakap ako. Kahit na nagtataka ako sa inaasal niya ay sinalubong ko nalang ang kanyang yakap.
"Hey why?" Ani ko rito at inayos ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya.
"Kasi naaalala na kita," napakunot naman ang aking noo sa sinagot niya.
Naaalala?
"Crush kasi kita dati."
Natawa naman ako sa sinagot niya sa akin.
"Wag ka ngang tumawa nakita kasi kita noon sa baranggay namin nang isama ako ng kaklase ko at may pupunta raw na mga gwapo, ayoko ngang sumama nun eh, tapos nalaman ko na Dark Lambda Society pala yung tawag sa inyo, ikaw pala yung nakakainis na lalaking tumulak sa akin noon tapos hindi ka nawala sa isip ko ng ilang araw nun akala ko naiinis ako sayo nun pala crush lang kita."
Nakatingin lang ako sakanya. She never fail to amaze me.
"Then, why are you crying?" Agad kong tanong dito.
"Kasi naisip ko na tayo talaga pala kahit nung una palang, isipin mo yung nangyari sayo nun atsaka yung pagkacrush ko sayo. Acel ang saya saya ko," then she kissed me. Kaya sinagot ko agad ito.
Napahinto naman kami at nagkatingin ng dumikit ang tiyan niya sa akin.
"This is really big," ani ko rito siya naman ay nakahawak dito habang nakangiti.
"Oo nga eh, excited na akong lumabas siya Acel," tumingin ito sa akin ng nakangiti at bumalik ulit sa anak namin.
Hindi ko alam kung kaya ko pa pagnawala sa akin si Stella, she's my life now kung wala siya baka mawala din ako. I know it sounds OA but that's how I feel, that's how I love her.
"Acel," napalayo naman siya sa akin at nakita kong parang nasaktan siya.
"What happened?" Agad kong tanong dito.
Kinuha niya ang kamay ko at dinala ito sa tiyan niya. Nawala ang pag aalala ko ng maramdaman ko ang paggalaw ng anak namin. Napatingin ako sa kanya na nakangiti habang dinarama din yun.
No words can explain how happy I am right now.
"We must get ready for your check up, Stella," inalalayan ko naman na siyang tumayo.
___________________________________________
Stella's pov
"Troy!"
Tawag ko kay Troy ng makita ko itong naglalakad na may dalang mga kung ano ano. Si Acel naman ay nakita kong napalingon din sa direksyon ni Troy.
"What are you doing here?" Agad netong tanong sa amin.
"Ultrasound," tipid na sagot ni Acel. Nag usap pa sila ng kung ano ano.
Luminga linga naman ako at nakita ko ang mga nurses at tao dito sa loob ng hospital na silang dalawa ang tiningnan. Napasibangot naman ako sa dalawang lalaki na to dahil mukhang sanay na sanay na sila sa ganitong sitwasyon at wala man lang silang pake alam sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...