chapter 1: Hired

235 23 8
                                    

"You're Stella De Guzman?" tanong saakin ng magiging amo ko.

"Opo ma'am," sagot ko dito.

Unang beses ko palang makapunta dito sa maynila dahil gusto kong makatulong kay tatay para sa pag papaaral ni Noel. Kaya namasukan ako bilang katulong. Kailangan niya kasing makapagtapos dahil siya nalang ang pag asa namin. Para makaangat naman sa buhay.

"You can start tomorrow," sabi naman niya napangiti naman ako dahil sa naging resulta.

"Maraming salamat po Ma'am," pagpapasalamat ko dito at nginitian naman niya ako. Buti nalang mabait ang naging amo ko.

"Manang Liony, samahan mo si Stella, para malibot ang bahay para makapag umpisa na siya bukas at samahan mo din siya sa guess room," sabi nito at tumayo na, tumayo nadin ako. "Sa guess room ka muna Stella inaayos pa ang isang maid room," dagdag pa nito. Nginitian ko naman ito at umalis na si ma'am.

"Stella, tara na," aya ni manang Liony sa akin hala parang masungit ata siya.

"Manang Liony matagal na po kayo dito?" Tanong ko sakanya dahil mukhang siya ang boss dito ng mga katulong .

"Oo, simula nung nagpakasal sila ma'am at sir," sagot lang nito sa akin habang patuloy parin sa paglalakad.

Napakalaking bahay ito, siguro pag ipinasok dito ang bahay namin magmumukhang laruan. Ito ang pinapangarap kong bahay kaya magsusumikap ako para matupad yun.

"Stella ito ang kitchen, pero wala kanang dapat alalahanin dito dahil may nakatoka na sa mga gawain dito," sabi ni Manang Liony ng makarating kami sa kusina."Pero kung inutusan ka ng kambal para kumuha ng pagkain, gagawin mo," dadag pa nito kaya tumango nalang ako.

Grabe tong kusina nila napakaganda parang nasa loob na ako ng isang mamahaling restaurant.

"At eto naman ang hardin, wala kadin dapat alalahanin dito dahil hindi ka naman hardinero," mataray na sabi nito sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Eh saan po ako nakatoka?" Tanong ko dito

"Eto ang library, dito ka maglilinis, dapat malinis ito dahil madalas dito ang anak nila Ma'am," sabi nito sa akin.

"Ilan po ba ang anak nila?" Tanong ko sakanya.

"Kambal sila," tipid na sagot nito at dumiretso sa hagdan.

"Bata pa po sila?" Tanong ko dito at sinundan siya paakyat.

"Bata pa sila, wag kang mag alala mababait yun," sagot nito.

Nang makaayat kami sa taas nakakita nanaman ako ng salas grabe napakalaki talaga ng bahay nila tapos dalawa lang ang anak siguro hindi na sila nagkakakitakita dito sa loob.

"Eto ang magiging kwarto mo." Binuksan naman ni Manang ang isang malaking pinto. Sinilip ko ito at napakalaki ng loob parang malaki pa sa bahay namin.

"Pansamantala ka lang muna dito sa guess room narinig mo naman kanina sa sinabi ni Ma'am, inaayos lang ang isang maid room," sabi nito at sinara na ang pinto.

Napaka dami pang pinto ang andun at sabi ni Manang ay mga kwarto lang yun. Yun din ang mga lilinisin ko. Pero may katulong naman daw ako.

"Manang Liony!" Narinig ko namang sigaw ng babae galing sa baba. Agad naman kaming bumaba ni Manang dahil sa sigaw na yun.

"Bakit Aicel?" Tanong niya dito.

Napakagandang babae naman neto, siguro ang manliligaw neto kasing dami ng tao sa baranggay namin. Siguro eto ang isa sa kambal.

"I'm just hungry," sabi nito at ngumuso.

"Jusko Aicel akala ko kung ano na, talaga ikaw bata ka," sabi naman ni Manang, ngumisi lang ito at binaling ang tingin sa akin.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon