Nagluto ako ng marami ngayon dahil kaarawan ni Acel. Gusto ko siyang supresahin. Simula naman noong gabing iyon naging okay kami kaya lang palagi na siyang busy. Pagkakain niya ng umagahan aalis na siya agad tapos pag umuwi naman siya nakakatulog na ako.
Pero na ngako naman siyang uuwi siya ng maaga mamaya para sabay kami paghapunan. Excited na nga ako eh, dahil ngayon ang araw na napili kong umamin sa nararamdaman ko sa kanya. Siguradong matutuwa iyon.
Lumingon ako sa orasang andudoon at nakita kong 5:00 na ng hapon at siguradong maya maya lang ay andito na yun. Kaya minabuti kong maligo nalang muna.
Minsan naiisip ko kung busy ba siya sa tranaho niya o busy siya sa ex niya, dahil simula naman noong party na iyon busy na siya eh.
Iniling iling ko ang ulo ko dahil sa iniisip ko. May tiwala ako kay Acel sigurado akong hindi niya iyon gagawin. Kakapit lang ako sa sinabi niya sa akin na akin pa rin siya at wag akong mag isip ng kung ano ano.
Paglabas ko ng banyo ay malapit na mag6:00 kaya baka isang oras nalang ay andito na siya. Kinuha ko muna ang cellphone niyang bigay sa akin para kamustahin ko sila tatay.
"Hello Noel," masayang bati ko rito.
"Hello ate."
"Kamusta kayo diyan?"
"Eto maayos naman, okay pa naman kami may nakakain pa" napatawa naman ako sa sinabi niya.
"May pera pa ba kayo? Gusto nyo magpadala na ako"
"Wag na ate, malakas ang sakahan ngayon,"
"Sige, ikamusta mo ako kay tatay ha?"
At ibinaba na niya ang tawag dahil inaantok na raw siya. Namimiss ko na rin sila pero mas pinili kong dito nalang muna para kay Acel. Dahil mahal ko na siya at sana iyon din ang nararamdaman niya. Basta ngayong gabi ako aamin.
Ilang minuto ang lumipas ay 8:00 na ng gabi ay wala parin ito. Ang akala ko ay 6:00 uuwi na siya dahil yun ang sabi niya kaya minabuti kong tawagan si Circe dahil baka kasama nila Owen si Acel.
"Circe kasama ba nila Owen si Acel?"
Sumagot naman ito ng hindi. Hindi naman na raw masyadong nagkikita yung apat dahil mga busy. Siguro ay busy lang talaga sila. Hayss ayoko sanang mag isip ng kung ano ano pero bakit kung ano ano pumapasok sa isipan ko.
Tawagan ko kaya si Cedric baka kasi alam niya dahil Montefalco siya. Pero wag na baka magalit si Acel eh. Ayaw pa naman niyang nakikipag usap ako doon.
Tumingin ako muli sa orasan at nakita kong 10:00 na. Minabuti ko nalang mahiga sa sofa na andoon para. Mawala ang mga pumapasok sa isipan ko. Pero naramdaman kong hinahabol na ako ng antok kaya napapikit na ako.
___________________________________________
"Hey Stella," napadilat ako ng may humaplos sa mukha ko. Tumayo ako agad at tiningnan ang orasan 1:00 na ng madaling araw. Para namang nanlambot ako dahil hindi man lang kami nakakain.
Tiningnan ko lang ang lalaking nasa harap ko habang nakatingin ito sa inayos kong mga pagkain. Liligpitin ko nalang iyon.
Tumayo na ako para ayusin na iyon at para maituloy ko nalang din ang pagtulog ko. Napakabigat sa dibdib ng ganito. Pinaghirapan ko ito tapos hindi man lang siya dumating. Naramdaman ko naman na nag uunahan ang mga luha sa mga mata ko kaya pinunasan ko agad ito ayoko may nakakakita ng pag iyak ko dahil ayokong magmukhang mahina.
"I'm sorry, Stella," lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Okay lang iyon," pilit kong pinasaya ang boses ko. Wala naman akong magagawa kung hindi ligpitan nalang iyong katangahang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...