"Acel paki abot naman nung tubig," utos sa akin ni Stella. Agad ko naman itong sinunod. She is already six months pregnant and today we're going to her OB-GYN para malaman na namin ang gender ng anak namin.
"Here," abot ko sa kanya ng inumin. She really glowing kaya maraming nagsasabing baka babae ang anak namin kaya tuwang tuwa rin siya dahil gusto raw niya na babae ang unang anak namin.
Simula kasi nung pinag awayan namin yung gender ng anak namin hindi ko na ulit sinabing gusto ko ng lalaki. Hanep kasi yun lang iiyak na siya eh.
"Huy, bakit ka nakatingin?" Untag sa akin ni Stella.
"'Cause you're seductress," napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
Yes she is, at kahit buntis siya she always turned me on.
Napalingon naman ako sa condo namin ng nagdoorbell dito agad ko itong pinuntahan. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon and I'm sure wala din si Stella.
"Sir?" Nagulat naman ako nang makita ko kung sino yun. Napatingin naman ako kay Stella na nanunuod sa TV.
"Sir pasok po kayo," ani ko rito at pinadaan sila kasama ang kapatid ni Stella at Ang kaibigan neto.
"Ate," tawag ni Noel kay Stella kaya agad itong napalingon dito at kitang kita ko ang saya sa kanyang mukha. Lumapit agad ako rito para maalalayan itong tumayo.
"Anong ginagawa nyo rito?" Agad nitong tanong at lumapit sa kanila. Nagkamustahan naman sila at ako nakatingin lang sa kanila. Hindi ko naman maiwasang magselos ng magyakapan si Stella at si Adrian. Halata naman kasing may gusto kay Stella yung gago tsk tsk.
"Dela Cruz mag usap tayo," ani naman ng tatay ni Stella kaya agad ko itong inaya sa may veranda.
"Wala ka bang balak sabihin sa amin ang tungkol sa anak ko?" Seryosong tanong nito sa akin.
"I'm sorry sir for not telling you about her pregnancy, hinihintay lang po kasi namin ang panganganak niya," sagot ko rito. Alam kong mali ang desisyon namin ni Stella na wag munang sabihin sa kanila pati nga si Mom at Dad hindi alam dahil gusto namin ay paglabas na ng baby namin.
"Anong nasa isip nyong dalawa at nilihim nyo ang tungkol dito?" Tanong ulit nito na hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha.
"Sinisigurado ko lang po na walang makahahandlang sa amin Sir because when she came here she got bleed because of one of my Ex. Ayoko lang pong maikalat ang pagbubuntis niya para na rin po sa kaligtasan niya at ng anak namin"
I know that's a bullshit reason pero yun lang ang alam kong magandang gawin dahil kung lumabas ang tungkol sa pagbubuntis ng girlfriend ng isang Acel Benedict Dela Cruz ay maraming magtatangkang masama kay Stella at sa anak namin dahil maraming galit sa akin 'cause I'm an asshole businessman. At pagnalaman ito ng mga parents namin ay siguradong mailalabas ito sa publiko.
"Sino kaba talaga Dela Cruz?" Naningkit ang mga mata nito.
Napabuntong hininga naman ako.
"Sir I'm a former leader of Fraternity pero hindi po alam ni Stella yun at ayoko na pong malaman niya. My fraternity really helped a lot of place and people around the world pero marami pa ring galit dito because of our illegal transactions," ani ko dito pero mukhang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko.
That's the truth dahil din dun kaya ko nakilala si Christiana meron rin siyang grupo at kayang kaya nilang pumatay ng tao. Kaya nga hindi ko hinayaan ang ginawa niya kay Stella nun dahil alam ko ang kaya niyang gawin.
Kahit kaya kong protektahan si Stella ay kailangan ko pa ring makasigurado dahil maraming mga taong binabayaran para lang makaganti sa saakin. At hindi ko alam kung hanggang ngayon ay meron padin.
"Mukhang masaya naman ang anak ko sa pag aalaga mo at mukhang maayos din ang pagbubuntis niya," ani nito habang nakatanaw kay Stella na masayang nakikipag usap sa kapatid niya.
"Thank you sir, sa katunayan po magpacheck up po siya ngayon para malaman na namin ang gender ng anak namin,"
"Kailan nyo balak gawin ang kasal?" Tanong nito sa akin.
"Pagkatapos po niyang manganak Sir," agad kong sagot dito.
"Hindi pa rin ako natutuwa sa paglihim mo ng pagbubuntis ni Stella sa amin, pero nagtitiwala ako sayo na kaya mong maging isang mabuting ama para sa kanila Dela Cruz."
Napangiti ako sa sinabi niya, alam kong istrikto itong ama ng mapapangasawa ko at laking pasasalamat ko na may tiwala na ito sa akin kahit na may mga mali akong desisyon na nakasakit kay Stella..
"I will protect her Sir no matter what happened, gagawin ko po ang lahat para kay Stella at sa magiging anak namin," ani ko eito.
"Salamat sa pagmamahal mo kay Stella, Anak," ani nito at nilagay hinarap niya ako
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ng tawagin niya akong Anak. This is the first and I am so happy for that, finally tinuring na niya akong anak.
"Huwag mo sanang paglihiman ang anak ko," pumasok na ito sa loob at dumiretso kay Stella
Fuck
Should I tell her about my past? What if magbago ang tingin niya sa akin? Shit. This is really hard.
"Acel, uuwi na raw sila tatay," tawag sa akin ni Stella kaya agad akong tumungo dito.
"Dre, ingatan mo si Stella ha?" tinanguan ko naman si Adrian ng tapikin ang balikat ko nito.
"Sige Kuya uwi na kami," ani pa ni Noel sa akin.
"Sige na, basta wag mong pababayaan si Stella," sabi sa akin ng tatay ni Stella.
"I will Sir."
Tumango lang ito at hinatid nanamin sila ni Stella sa labas. Pagkalabas na pagkalabas nila ay agad akong niyakap ni Stella kaya niyakap ko na din ito.
Trip niya?
"Mahal na mahal kita," ani pa nito.
"I love you more," sagot ko dito at binigyan ko siga ng halik sa ibabaw ng kanyang ulo.
"Ano sabi sayo ng tatay?" Nakatingala sa akin nitong tanong.
"Nothing," sagot ko nalang dito at iginiya na siya sa sofa para makaupo na siya.
Pinag iisipan ko pa kung sasabihin ko ang tungkol sa Fraternity ko dati, alam kong walang pake si Stella dun. Pero sa tingin ko tama ang ama niya na dapat ay wala akong ilihim sa kanya.
"Bakit umuwi sila agad?" Tanong ko nalang dito at inakbayan ko siya.
"Gagabihin daw silang masyado pagnagtagal pa sila," sabi nito sabay sumubo ng kinakain niya.
"Stella',' tawag ko dito agad naman ako netong nilingon.
"Hmmm?"
"I have something to tell you," nangunot naman ang noo nito sa sinabi ko.
"I'm a former Fraternity Leader , I just want you to know that," ani ko rito. Nakatitig lang siya sa akin.
"Hey, are you mad?" Tanong ko dito dahil hindi man lang siya nagsalita.
Umiling naman ito.
"Ano pangalan ng frat nyo?" Hinarap ako neto.
"Dark Lambda Society"
Why is she crying?!
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...