Hindi naman na ako nakauwi dahil biglang bumuhos ang ulan at inanunsyong may dadating daw na bagyo kaya hindi na ako pinayagan ni Acel na makauwi dahil delukado daw.
"You should start talking, baka lumipad yang bibig mo," sabi naman ni Acel kaya naman napaharap ako sakanya. Pero hindi pa rin ako kumibo. Ano naman kasing sasabihin ko? Ayoko namang maging feeling close sa boss ko.
"You don't really like staying with me. Huh?" Napalingon naman ng magsalita siya.
Naisip ko kasi na wag ako masyadong makipagclose sakanya dahil sineswelduhan niya lang naman ako. Sabi ko nga kanina nakakahiyang makipag close sa boss ko.
"Hindi ka talaga magsasalita?" Bigla namang mas sumeryoso ang tono ng pananalita neto kaya medyo natakot ako. Dahil isipin mo naman seryoso na nga siya palagi may mas seryoso pa.
"Wala naman po akong sasabihin," sabi ko sakanya at yumuko ako dahil hindi ko talaga kinakaya ang titig nya na parang pati kaluluwa ko eh nakikita niya.
"I know you just shy Stella," ani nito at lumapit sa akin.
"Excuse po Sir magluluto na ako," paalam ko sakanya dahil ayokong malapit kami ng husto dahil naiilang ako.
"I told you not to call me Sir," tiningnan ko lang ito. "Wag mo akong ituring na boss mo," ulit nito na parang pinapaintindi sa akin. Tumango nalang ako sakanya at tumayo na para makapagluto.
"And remember I am courting you."
"Seryoso ka ba doon?" Kunot noong taning ko rito. Tiningnan lang ako nito, hindi ko talaga kinakaya ang mga titig niya sa akin.
"Sige po mag luluto nalang muna ako."
Nakakailang hakbang palang ako ng hilahin niya ako palapit sakanya. "You want me to continue this shit?" Tanong niya sa akin, hindi ko naman siya maintindihan. Kaya tiningnan ko lang ito.
"Stella I saw you improving in a past few days that we're together, pero bakit bumalik ka nanaman sa pagiging ganyan mo?" Napayuko naman siya sa harap ko pero binalik niya ulit ang pagtitig niya sa akin.
"Sir, nakakahiya po kasing makipagclose sa boss ko dahil sino ba ako para maging close nyo," naglakas loob na ako g sabihin sakanya para bitawan na niya ako "katulong nyo lang naman po ako" dagdag ko pa akala ko ay bibitawan na niya ako pero hindi nangyari yun mas nilapit niya pa ako papunta sa kanya.
"Don't fucking mind that we're sleeping in the same room and that so easy wag kanang magtrabaho rito," sabi naman nito na ikinagulat ko paano na sila tatay at Noel pag pinaalis niya ako dito wala na akong maipapadala sa kanila.
Naisip ko rin ang sinabi niya ano pa nga ba ang pinag iinarte ko ngayon eh magkasama kami sa isang kwarto hays ang gulo kasi eh.
"You can be my girlfriend instead," inangat naman niya ang ulo ko na kanina pa nakayuko dahil ayoko siyang tingnan.
"You know that I like you," nakatingin lang ako sa mga mata niya "and I'm sure you don't feel the same," nag iwas naman ito ng tingin sa akin.
"But I'll do all the fucking I can para mapasa akin ka, hindi ako naging si Acel Benedict Dela Cruz para lang hayaan yung babaeng gusto ko na mawala sa akin," sabi nito na seryosong seyoso ang mukha at kitang kita sa mga mata niya ang hindi ko maipaliwanag na emosyon.
"Kaya naisip kong ligawan nalanh kita.."
"Hindi kasi kita maintindihan Sir, yung nangyari sa inyo ng Ex mo at ang pagkakabaril sa inyo," sabi ko sakanya habang nakayuko "Ano yun nakita nyo lang ako ginusto nyo na ako?" Tanong ko dito at naglakas loob na akong iangat ang tingin ko kanya.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...