chapter 22: X & Y

57 6 0
                                    

"Babe."

Nabaling ang tingin ko sa nagsalitang iyon. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko at ang pagdaloy ng dugo ko ng makita ko kung sino iyon.

Napalayo ako kay Acel, akala ko ba hindi na niya ako sasaktan.

Bakit ganito?

"Si-sige, uwi muna ako." Paalam ko sakanila, hindi ako makatingin sa lalaking nasa gilid ko, hindi ko kayang tingnan siya.

"You should girl, dikit ka ng dikit sa boyfriend."

"Sorry," ani ko rito, napayuko nalang ako dahil ayokong makita nila ang namumuong luha sa aking mata.

"Sige mauna na ako." Naglakad na ako para makaalis na ako sa kanila. Medyo nakalayo na ako sa kanila kaya huminto na ako at doon ko inilabas lahat ng luha sa akin mata.

Bakit ganoon ang lalaking iyon?

"Stella," napahinto ako ng marinig ko siya sa likuran ko. Huminga agad ako ng malalim.

"Hindi ko alam na pupunta siya rito." Napaharap ako sa sinabi niya at tinawanan ko siya.

"Okay lang Acel, hindi ko naman kasi pwedeng pagbawalan ang mga pumupuntang tao rito sa lugar namin dahil maganda naman talaga rito," ani ko rito at nginitian siya.

"Sana sinabi mo sa akin na susunod siyapara naman napaghandaan ko."

Para napaghandaan ko itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Para hindi ganito kalala.

"Sige uuwi na ako sana hindi mo na ako sinundan walang kasama si Christiana roon baka ano pang mangyari sakaniya." Tumalikod na ako sakaniya pero kinuha niya lang ang kamay ko at agad akong niyakap

Sunod sunod ng tumulo ang luha ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin. Alam kong mahal niya ako dahil ramdam na ramdam ko iyon sa tuwing sinasabi niya sa akin. Pero hindi sapat ang pagmamahal niya para mawala itong sakit.

"Hindi mo man lang sa akin sinabi na gaganitohin mo ulit ako sana nakapaghanada ako. Sana napaghandaan ko yung sakit.Sabi mo hindi mo na ako sasaktan, sabi mo mahal mo ako Acel, pero bakit? Bakit ito nanaman yung sakit?" Sunod sunod kong saad dito, hindi ko alam kung naintindihan niya iyon dahil sa pagiyak ko.

"Alam mong mahal na mahal kita Acel, pero bakit paulit ulit mo akong sinasaktan." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Ang sakit sakit na Acel, ano bang ginawa ko para ganituhin mo ako?"

"Let's go somewhere and hide away just you and me, Stella."

...

Nakatingin lang ako sakaniya, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at hindi ko rin alam kung bakit napapayag niya akong sumama sa kaniya.

Siguro dahil kailangan na talaga namin mag usap, hindi ko na talaga kaya ang sakit na binibigay niya sa akin. Gusto ko nalang lumayo sakaniya para mawala ito, pero naiisip ko palang natuluyan na siyang mawawala sa buhay ko parang dumodoble ang sakit na nararamdaman ko.

Bumaba na ako ng sasakyan ng ihinto niya ito sa isang lugar kung saan walang tao, hindi ko alam na may ganito sa lugar namin siguro ay dahil hindi rin ito puntahin ng tao dahil kaming dalawa lang andito. Napakapayapa rito, parang mas gusto ko pa rito kaysa sa amin, kasama nitong lalaking ito. Pero hindi pwede dahil may Christiana siya at kumpara sa akin alam kong walang wala ako sa babeng iyon.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod, napabuntong hininga ako rito. Sabay naman nun ang malakas na kampas ng hangin sa amin.

"Acel, kailangan na siguro natin mag usap kung itutuloy pa ba natin ito." Naramdaman kong mas humigpit ang pagyakap niya sa akin.

"We don't need to talk about that, itutuloy natin to hanggang sa pagtanda natin. I love you and I know you know that, and please don't give up on me." Hinarap niya ako sa akin at inangat niya ang mukha ko para magtapat kami.

"Ayokong sumuko Acel pero andiyan pa rin siya. Yung babaeng una mong minahal, kaya ko namang tanggapin kung siya ang pipiliin mo." Napaiwas ako ng tingin dito ng maramdaman ko nanaman ang pagtulo ng luha ko.

"For real hindi ko alam na pupunta siya rito at hindi ko gusto masaktan ka ulit dahil sa akin. At kahit kailan hindi ko siya pipiliin, ikaw ang una at huling babaeng kukulitin kong mag stay sa akin."

"What I want is what I get remember that, and you're the one that I want hindi ko hahayaang hindi ikaw ang makasama ko hanggang sa huli Stella."

Nakatingin lang ako sakaniya, ano ba dapat ang gawin ko?

Dati lang ay hinayaan niya akong umalis pero ngayon iniwan niya si Christiana para makasama ako. Natatakot akong maniwala, dahil baka maulit nanaman.

"Acel, paano si Christiana?" Tanong ko rito.

"Do you want me to go back?"

Napahiwalay naman ako sakaniya nang itanong niya iyon. Siguro napilitan lang siyang sumunod sa akin.

"Kasi ako ayoko." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Let's spend our time here, dito nalang muna tayo para malayo tayo sakanila." Iginiya niya na ako sa paglalakad.

Tahimik lang kaming dalawa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ginagawa namin ngayon.

"Iniisip mo ba kung mamahalin mo pa rin ako?" Napaharap ako sakaniya nang magsalita siya.

"I'm really sorry, Stella. Kung alam ko lang talaga na pu--

"Kayo na ba noong araw na pumunta ka rito? Pinagsabay mo ba kami?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Hindi, hindi naging kami ni Christiana, at magkikita lang kami kung kailangan sa office. That's it, huwag ka ng magselos."

"Hindi ako nagseselos Acel." Inirapan ko naman ito. Hindi ba niya naisip na magkaaway pa kami, tapos feeling niya close kami.

"Feeling close ka, ano?" Ani ko rito.

"Admit it, nagselos ka kaya ka nag walk out kanina."

"Pinaalis kasi ako ng girlfriend mo, ang sabi pa nga niya dikit ako ng dikit sayo sa pagkakaalam ko Sir ikaw ang dikit ng dikit sa akin. Pakilinaw naman iyon sa girlfriend mo." Pinagdidiinan ko talaga ang salitang girlfriend mo, dahil iyon naman talaga ang sinabi ni Christiana kanina.

"Alam mo Acel, hindi ata talaga tayo para sa isa---

Naputol ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Unti unti na rin akong napapikit nang mas pinalalim pa niya ang halik. Hindi ko na kailangan ng sagot niya sa sasabihin ko, itong halik palang niya na ito ay nagsasabi nang gagawin niya ang lahat para maging kami sa huli. Kulang man sa salita si Acel pero punong puno naman siya sa pagpaparamdam ng totoong nararamdaman niya. Kahit sa ganitong paraan niya ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.

Pinaghiwalay na niya ang labi namin at pinadikit ang noo namin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"I will love you till the end weather you love me or not, Stella." At inabot niya muli ang aking labi.

Sana.

Sana ganoon nga ang mangyari, Acel.

Unanticipated Love • Promise#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon