"Dapat hindi na tayo pumunta dito eh," pagmamaktol ng lalaki sa tabi ko.
Simula nung nag usap kami nung araw na yun parang naging komportable na ako sakanya hindi ko alam kung bakit. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makasama siya hindi ko lang alam kung ganoon din ang gusto niya. Pero sa nakikita ko naman parang ganun din. Pero sana tama ang nakikita ko.
"Bakit?" tanong ko sakanya, inimbitahan lang naman daw siya ng business partner niya. Sinama lang naman niya ako, hindi naman ako makatanggi.
"Look at your clothes," tiningnan naman niya ang buong katawan ko, ano kaya mali sa suot ko dress lang naman ito na binili namin ni Aicel. Sinama kasi ako ni Aicel na mamili dahil wala daw siyang kasama tapos bibilan na rin daw niya ako kaya lang kay Acel na pera.
Pinag usapan na rin namin ni Acel ang tungkol sa mga iyon. Patuloy pa rin ako sa pagpapadala ng pera sa tatay ko dahil sinusuwelduhan padin ako ni Acel dahil ako parin daw ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Sinabi ko sakanya na maghahanap ako ng trabaho pero sakanya nalang ako uuwi pero wala eh. Sino bang nanalo kay Acel.
"Lagi ka nalang may problema sa suot ko, ganoon ba ako kapanget?" Taning ko rito, isa lang naman ang naiisip kong dahilan kung bakit ganoon nalang siya mag reklamo sa suot ko, dahil napapangitan siya sa damit ko o mismo sa akin.
"You know that you're my goddess, lahit anong suotin mo, ang problema ko sa sobrang ganda mo lahat sila nakatingin sayo, na dapat ako lang ang gumagawa."
Napaiwas ako ng tingin dito. Hindi ko naman aasahan na ganoon ang sasabihin niya.
Jusko? Kinikilig ba ako?
"Look at those fuckers," napatingin naman sa mga lalaki sa gilid ng makapasok kami. Nakatingin lang ito sa amin baka nga kay Acel lang nakatingin eh dahil kumpara sa mga tao dito iwan na iwan ako.
"Oh bakit nakatingin lang naman sila sayo," sabi ko sakanya na ikinasimangot naman ng mukha niya.
"Just stick with me," iritang sambit nito at inaya na ako papasok.
"Hi girl," bati sa akin ng asawa ni Owen habang hinihila ni Acel ang uupuan ko.
"Hi," sagot ko sakanya at binigyan ko siya ng ngiti.
"Buti naman at nahanap kana ni Acel," natatawang sabi nito at napatingin pa kay Acel. Tinawanan ko nalang din ito dahil hindi ko naman alam kung dapat ang isagot dun. "He looks happy now," dagdag pa niya habang nakatingin sa magkakaibigan habang nag uusap.
"Masaya na siya niyan?" Tanong ko sakanya dahil seryoso lang ni Acel habang nakikipag usap.
"Yes, hindi naman talaga siya ganyan dati eh pero siguro medyo," natatawa nitong bida sa akin at tiningnan ko naman ang lalaking tinutukoy niya. "Pero noong mga nakagraduate na kami onti onti na siyang gumanyan," kibit balikat na sabi nito.
"Hindi ko nga siya maintindihan eh, noong magkausap kami sinabi niya agad na gusto niya ako dahil na nakita niya lang ako," sabi ko dito.
"I think he is in love at first sight," kibit balikat nitong sabi sa akin. "How about you, ano nararamdaman mo towards him?"
"Ano pinag uusapan nyo Ai?"
Sasagot na sana ako kay Circe ng biglang dumating si Owen at binigyan ng halik ang asawa niya. Siguro ang saya ng pamilya nila kitang kita kasi sa kanilang dalawa na mahal na mahal nila ang isat isa eh.
"Stella kung naiinggit ka sa kanila ayain mo na magpakasal si Acel," nakangising sabi ni Eiyen nang makalapit sa amin. Napatingin naman ako dito dahil naupo na siya sa tabi ko.
"If I can marry her now why not?" Kibit balikat nitong tanong, para namang naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Sa tana ng buhay ko ngayon lang ata ako nakaramdam ng kilig.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...