"Ano kaya p'wedeng isuot?"
Naghahanap ako ng swimsuit ngayon, hindi naman na bago sa akin ang mag suot nito dahil lumaki ako sa dagat, na araw araw ay pwedeng maglangoy. Nagpaiwan na ako rito para makapagpalit na at sila rin daw ay magpapalit na rin.
Nakita ko naman ang two piece na itim na paborito ko sa lahat dahil kahit two piece ito ay hindi nakakabastos tingnan. Sinuot ko na ito at nagsuot na din ang ng manipis na bistida para hindi naman ako maglakad ng naka two piece, may hiya pa naman kasi ako kahit sanay ako mag suot ng ganito.
Nangmakalabas naman ako ay may nakita ako lalaking nakatalikod sa labas ng bahay. Si Acel kaya iyon? Sana.
Pero hindi Stella, may mahal na iyon at hindi ikaw yun ha?
Wag kang masyadong tanga diyan.
Paalala ko sa sarili ko palagi kong inuulit ulit sa sarili ko yun kahit masakit kailangan para magising ako sa katotohanan para hindi ako makulong sa sakit na binigay niya sa akin.
"Ang tagal mo," napalingon naman ako rito at nakita ko si Adrian na bagong gupit kaya hindi ko nakilala.
"Bagong tasa tayo ah," pagbibiro ko rito at ginulo gulo ko ang buhok. "Nagpapacute ka lang kay Aicel eh," pang aasar ko rito hahaha..
"Hindi ah, alam ko namang ilugar ang sarili ko hindi ako katulad noong ex mong gago," kibit balikat na sabi nito. Napasimangot naman ako.
"Hindi ko nga ex iyon," ani ko rito. Nakakainis ah hindi nga naging kami tapos ex ko?
"Oo na," sagot nito nang naka ngisi at inakbay pa ang kamay sa balikat ko. Naglakad nalang kami hanggang sa makarating sa kanila.
"Ang sweet naman," bungad sa amin ni Eiyen. Kaya lahat sila ay napatingin sa amin. Pero napalingon ako sa gilid namin dahil andun si Acel na mukhang papatay nanaman ang tingin.
"Girl, ang ganda ng suot mo," lapit sa akin ni Aicel. Nakikita din kasi ang pagkaitim ng two piece ko sa sobrang nipis ng pang ibabaw ko.
"Salamat Aicel," nahihiyang sabi ko rito. Kita rin naman sa suot niya ang kagandahan ng katawan niya parang kahit basura ata ang ipasuot kay Aicel eh kaya niyang dalhin ito.
"Hilig nyong mag suot ng ganyan," bwiset namang sabi ni Eiyen habang nakatingin kay Aicel. Si Aicel naman ay lumapit dito na parang nilalambing.
"Nakakastress kayong mga babae," ginulo ni Eiyen ang buhok niya na para bang problemadong problemado.
"Kahit ano naman ang suotin nila basta bantayan lang natin," kibit balikat ni Owen, napangiti naman ako ng makita kong hinalikan siya ni Circe na parang nagpapasalamat at ganun ang asawa niya.
"Tsk," narinig ko si Acel napatingin naman ako sa katabi niyang si Troy at nagkibit balikat lang ito.
"Tara na," aya ni Adrian. Sumang ayon naman ang lahat kaya nagsabay sabay na kami tatlong mga babae at ang mga lalaki ay nasa likod.
"Girl, ang ganda talaga rito," ani ni Aicel habang naglalakad.
"Oo nga eh siguro ang saya mo dito araw araw," dagdag naman ni Circe.
"Oo, lalo na pag kasama ko si Adrian masaya talaga," sagot ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman ito.
"Do you like him?" Tanong ni Circe sa akin.
"Kaibigan ko lang siya," natatawa kong sagot dito.
"Ows? Hindi ka man lang nadevelop?" Tanong pa ni Aicel.
"Hindi eh, pero sigurado akong swerte ang babaeng magmamahal sa kanya," sagot ko rito.
"Halata nga, sayo palang ang sweet na niya pano pa sa mahal niya," sabi pa ni Circe.
BINABASA MO ANG
Unanticipated Love • Promise#2
RomanceAcel Benedict R. Dela Cruz, the man who can get what he wants and do what he wants. He is a man who looks down on certain people and considered himself more refined for the others. One day a girl break his heart that make him worse than before. But...