Chapter 3

5 0 0
                                    

NAPABALIKWAS ako at napabangon dahil naramdaman kong may humahawak sa mukha ko.

"AY HOTDOG NA WALANG ASO!" napasigaw ako nang bumungad ang mga nakangiting mukha nilang apat.

"Patawad alice at nagising kita, hindi lang kasi ako makapaniwala." malumanay na sabi ni Nanay Elisa.

Jezzzzz!! napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil hindi pa din ako maka get over sa pagkagulat.

"Alice! okay ka lang ba?" napabaling ang tingin ko kay Nato

Aisshttttt siya talaga yung nagpapatunay na basta moreno gwapo.

"Ah hehehe okay lang." nakangiti kong sabi

Ang huling pag kakaalala ko, may humawak sa likuran ko bago ako mawalan nang malay.

Sino kaya 'yun?

"Teka anong oras na 'po?" nagtataka kong tanong kay Nanay Elisa na nasa tabi ko pa rin at hinahawakan ang kamay ko.

"Nakooo Alice, almost two o clock na din ." nakangiti na sabi ni Roxanne

Haistttt si Nanay Elisa kaya ang tinatanong ko!

Whaa---t? almost two o clock na?

"Ha----a? teka aalis na po ako aishttt! baka mapapatay ako ni mama, papa at kuya." kinakabahan kong sabi

Nagtinginan muna silang apat bago sinagot ni Nato ang tanong ko.

"Tinawagan na sila ni Tatay kanina. Gusto na sana nilang pumunta na dito agad agad dito ngunit hindi makakalayag ang mga roro. Dahil may papadating na bagyo, baka mag tagal pa ito nang isa o dalawang linggo bago bumalik sa dating paglalayag." mahaba nitong paliwanag at napayuko silang lahat.

Whaa---t? saan naman ako maninirahan? aishttttt

"At ang good news ay dito ka titira samin!! Yay!!" napatigil ako at nagtatakang tinignan si Roxanne

Ano ba talaga ang nangyayari?!!!

"Teka, sino po ang nagdala sakin dito? dahil basi sa natatandaan ko nawalan ako nang malay sa mga bato." kinakabahan kong tanong

"Ahhh ano kasi hehehe" nagdadalawang isip na sambit ni Roxanne.

Aishttt halatang may tinatago sila eh!!

"Sabihin mo na kasi!!" asik ko dito

"Si Cali Mikhail De San Juan ang nagiisang anak ni Mayor Alejandro!!!!" sigaw ito at napapikit nang mga mata.

Sino?!! Si Mikhail? Si Mayor Alejandro? tskk sino ba 'yun?

"Sorry, pero di ko kilala ang Cali Mikhail De San Juan na sinasabi niyo." mahina kong sabi

Napatingin sila ulit sa isat isa at halatang nagulat dahil sa sinabi ko.

"Samahan mo ko mamaya sa bayan, Roxanne haharapin ko ang lalaking 'yon!" baling ko sa tulala na si Roxanne.

Aishttt halatang pinag tri-tripan na naman nila ako eh!!!.

"Magpahinga ka muna ulit" mahina na sabi ni Nato at ginulo ang buhok ko.

Aishttttt tinuturing niya pa din akong bata!

"Nope, okay na ako! gusto ko sanang pumunta sa bayan para puntahan yang si Mikhail na sinasabi niyo." kalmado kong sabi

Napahilamos nalang nang mukha si Tatay Delfin at napabuntong hininga nalang si Roxanne at Nato.

"Sige, pero bago kayo umalis, kumain muna kayo okay? buti nalang at may mga extrang damit pa si Roxanne magbihis ka muna bago lumabas para kumain. Maiwan kana muna namin" nakangiti na sabi ni Nanay Elisa kaya napatango nalang ako.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now