"GOODEVENING ate at kuys." bati ko sa kanila sa video call habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel na nakasabit sa leeg ko at naglakad papunta sa kama ko.
"Goodevening din bunso, nasan si Itlog?" tanong ni Kuya
Agad kong pinaharap ang cellphone sa crib na nasa tabi lang nang kama ko at kasalukuyang mahimbing na natutulog si Itlog.
"Aba, san mo naman nakuha yang crib bunso? At bakit kulay pink?" gulat na tanong ni Kuya kaya muli kong itinaas ang cellphone ko at napaupo sa kama ko tsaka napatawa nang malakas.
"Nagkita kami kasi kanina ni Roxanne na kasalukuyang buntis din. At konting usap lang tsaka pinahiram niya muna ako nang mga gamit na maaring magamit muna ni Itlog hanggang sa matapos ang pagsho-shooting natin dito." mahaba kong paliwanag
"Ano si Roxanne buntis na?!! Kwentuhan mo ako kung ano ang pinag usapan niyo!." atat na sabi nito kaya napatingin ako kay Ate Leyna na nasa tabi ko at nagkibit balikat nalang.
Maliban kay Kuya at Iza, si Ate Leyna ay isa din sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at alam din niya ang nakaraan ko kaya komportable akong pag usapan ito sa kanila.
"ANO??!!!! UNBELIEVABLE!" asik nito matapos kong I kwento ang nangyari kanina at ang mga pinag usapan namin nina Roxanne.
"Ibig sabihin, nagkita na kayo ni Cali?" mahinang tanong ni Ate Leyna kaya napatahimik si Kuya at ganun din ako
Damn nahuli ako ni Ate Leyna ah hayst
"Oo Ate, nagkita na kami kanina." mahina kong sabi
Narinig kong umubo si Kuya kaya napabuntong hininga nalang ako.
"So ano na ang mukha niya? Balita ko siya na ang Mayor ngayon ah? So ano na? Kwentuhan mo naman ako." excited na sabi ni Ate Leyna kaya tinignan siya nang masama ni Kuya.
Kahit kailan talaga 'tong si Kuya kong parang si Hudas
"Matulog na nga Tayo! Magiging busy na naman tayo bukas. Goodnight bunsooooo goodnight Itlog. Kita kits nalang bukas bunso Iloveyou! Ingat kayo ni Itlog byeee." nagmamadali na sabi ni Kuya magsasalita pa sana ako kaso nag end call na siya.
Kaya napabuntong hininga nalang ako at nilagay ang cellphone sa mesa na nasa gilid nang kama ko at napasandal sa head board nang kama ko.
Gustong gusto kong tanungin sina Kuya at Ate kung bakit di nila sinabi na sa Isla Pagpalangga ang location pero ayoko ko ding ma misunderstood nila 'yun.
Alam nila kung gaano kasakit at kaimportante ang lugar na yun para sakin pero bakit di man lang nila ako pinigilan?
Sa t'wing iniisip ko kung ano ang mga nangyayari, mas lalong gumugulo ang isipan ko hayst
*ringgg ringgg ringgg
Napabalik sa wisyo ko nang narinig kong nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot at hindi ko na inalam kung sino ang tumawag.
"Hello bunsoy, tatawagan ka mamaya ni Mama basta h'wag mong sabihin kung nasaan ka ngayon okay? Sabihin mo nasa bundok ka kasama ang team mo basta mag isip ka nang lugar ikaw na bahala. Sige babyeee baka mahalata ako ni Mama eh. Good night bunsoy iloveyou ingat kayo ni Itlog kita kits bukas." nagmamadali na sabi nito at agad na binaba ang tawag
Kahit kailan talaga 'tong si Kuya parang baliw hindi ko din maintindihan ang takbo nang isip niya eh.
Napatayo nalang ako sa kama ko at nilapitan ang crib ni Itlog para icheck kung okay lang ba siya.
Napangiti nalang ako nang makita kong natutulog siya nang mahimbing.
Ang cute cute talaga nang pamangkin ko mukha talaga siyang itlog hahahaha
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...