Chapter 13

2 0 0
                                    

HALOS dalawang araw na din ang nakakalipas simula nung nag date kaming dalawa.

Hindi na din siya pumupunta dito, nagpapadala lang siya nang mga iba't ibang klase nang pagkain.

Para sakin, okay lang yung hindi kami nagkikita dahil nagsisimula na akong magduda sa sarili ko.

Kung ipagpapatuloy ko pa ba 'to? O uuwi nalang ako sa pamilya ko?

Sa mga nagdaang araw wala akong ginawa kundi sinigurado na pinag kakabusyhan ako.

Kagaya nang paglalaba, pagtutupi nang mga damit, paglilinis nang kwarto ko at nang buong bahay, maagang gumigising para magluto nang agahan para kina Nanay Elisa, tapos kapag hapon na naman sinasama ko si Clyde sa pamimili nang grocery at tinutulungan niya din akong magluto.

Malapit na ding gumabi ngunit hindi ko man lang ma aninag kahit anino nito.

Agad kong sinuot ang tsinelas ko at naglakad palabas ng bahay para manuod nang sunset.

Napatingin tingin ako sa paligid at napangiti nang makitang may mga batang naglalaro.

Agad kong nilagay ang dala dala kong jacket sa buhangin at inuupuan ito.

Pinili kong umupo sa ilalim ng puno nang buko habang hinihintay ang sunset.

Syempre sinigurado kong wala pang mga niyog ang puno baka ma deadskie ako nito pag nagkataon.

Napatingin nalang ako tatlong bata na naglalaro sa hindi kalayuan.

Isang babae at dalawang lalaki.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit at pakiramdam kong mabibiyak ito.

Ngunit natagpuan ko na nalang ang aking sarili sa isang silid at napatingin ako sa bata na nasa hospital bed na kasalukuyang nakahiga at napabaling ang tingin ko sa mga kamay nito na kinakabitan nang maraming burloloy na hindi ko alam kung tinutulungan siyang mabuhay o mas lalo siyang pinapahirapan.

Nanginginig man ay pinilit kong lumapit sa kama niya ngunit kagaya nang mga naalala ko na, hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito.

Pero isa lang ang masisigurado ko, isa siyang batang lalaki.

Bat ganto ang nararamdaman ko?

Bat parang nanghihina ako?

Bakit parang wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin lang siya hanggang sa maging okay siya at hanggang sa maging okay ako.

Hahawakan ko na sana ang kamay nito kaso narinig kong bumukas ang pintuan kaya agad akong napalingon.

Ngunit unti unti naglalaho at lumalabo na ang nakikita ko.

Hindi!! h'wag ngayon pakiusap!

Sigurado ako kapag nakita ko ang mukha nang taong pumasok sa kwarto nito baka malaman ko kung sino ang bata.

"Alice!! Alice!!"

"ALICEEE ANO BA GUMISING KA!!"

Napabalik ako sa wisyo dahil naramdaman kong may yumuyugyog sa kin.

At nang inimulat ko ang mga mata ko nauna kong nakita ang palubog na araw.

Kagaya ba nang araw na naghintay sakin na masilayan ang paglubog niya may naghihintay kaya sakin at umaasang maalala ko siya?

"Alice ano ba ang nangyayari?!" napatingin ako kay Roxanne na kasalukuyang hawak hawak ang kamay ko

"Okay lang ako, sumakit lang bigla ang ulo ko." mahina kong sabi

Lost in LoveWhere stories live. Discover now