"MARIA Grace Alice Dela Fuentez Arsol laya ka na." rinig kong sigaw nang pulis mula sa labas.
Kaya agad akong tumayo at napa pagpag nang pwetan ko.
"Paano ba yan mga ka preso? sibat na ako" natatawa kong sabi
"Sige, sana h'wag mo na ulit banggain yang si Cali." inis na sabi nang leader nila.
"Oh siya sige, sige. Kita kits nalang sa labas kapag nakalaya na kayo." nakangiti kong sabi
Niyakap lang nila ako kaya lihim akong napangiti.
"Maria labas ka na!" napakalas ako sa yakap dahil sa sinabi nang pulis.
Whaa---t? Maria?
Mas lalo nitong niluwagan ang siwang nang pinto kaya agad akong lumabas at tinignan siya nang masama.
"Ano ulit sabi mo? Maria?! Nababaliw ka na ba?" asik ko sa dito
Inangat ko na ang kamao ko at susuntukin na sana siya kaso may pumigil sakin na gawin iyon.
Kaya napalingon ako at napa buntong hininga nang makita kong sino iyon.
"Tara na umuwi na tayo, hinihintay ka na ni Tatay, Nanay, Roxanne at nang mga kapitbahay natin." nakangiti nitong sabi
Kaya ibinaba ko nalang ang kamao ko at inayos ang kwelyo nang uniporme nito.
"Galingan mo mag trabaho ha? Dahil kung hindi babalikan at kakatayin kita." nakangiti kong sabi dito at tinapik ang balikat nito tsaka tumalikod na at nagsimula nang maglakad palabas nang kulungan.
"Ahhhhh sarap talaga nang hangin labas." nakangiti kong sabi at napalakpak.
"Tara na Alice" napahilamos nalang ako nang mukha dahil ginulat na naman ako ni Nato.
Punyemas talaga yang si Roxanne at Nato palagi akong ginugulat.
"BAKIT nandito ang leader nang kampon nang kadiliman ha?!!" gulat kong tanong kaya lahat silang napalingon sakin.
"Ano ka ba Alice si Cali yan!" saway sakin ni Roxanne ngunit tinignan ko lang siya nang masama kaya agad siyang tapatahimik.
"It's time to celebrate, naka labas ka nang presinto hindi ba?" nakangiti nitong tanong
Kaya napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa kanya ngunit napa atras ito.
"Hindi ko alam kung ano ang trip mo sa buhay, pero ngayon pa lang sinasabihan na kita ibigay mo na sakin ang bracelet ko kung hindi malilintikan ka sakin." bulong ko dito at tinapik ang balikat niya napangisi nalang ako nang nakita kong nanigas ito.
"So tara na! kumain na tayo" baling ko sa kapitbahay namin na halatang gusto nang kumain.
"Oh siya sige, kain na kain" energetic na sabi ni Roxanne at di nagtagal ay nagsimula na din ang iba na kumain.
Ngunit di ko pa rin maalis ang paningin ko sa mukhang pwet na abogado na kaibigan nito at sa kanya na halatang nag eenjoy.
Agad kaming umuwi ni Nato at pagka uwi namin, sumalubong samin ang mga kapitbahay nina Tatay Delfin at Nanay Elisa na naghahanda para sa boodle fight mamaya.
Kaya napagdesisyunan kong pumasok muna sa bahay para makaligo at makapagbihis pero pag ka labas ko eto ang bumungad sakin.
Ang mukha ni Cali Mikhail De San Juan na anak ni Mayor Alejandro.
"Aba aba, Alice ikaw na ba yan?!!" napabalik ako sa wisyo nang may sumigaw at may humawak sa kamay ko.
At sino naman ang babaeng 'to?
"Hello po" nahihiya kong sabi
Nagulat ako nang yakapin ako nito nang mahigpit.
"Natutuwa akong makita ka ulit" bulong nito
Jezzzzz sino ba kasi ito?
"Ay nakoo naman Ninang Teresa, hayaan mo namang makahinga yang si Alice" galit na sabi ni Roxanne at pilit kaming pina kakalas sa yakap.
"Nako pasensya naman Roxanne, hindi lang talaga ako makapaniwala." nahihiya na sabi nito
"Ay nako okay lang po hehehe" mahina kong sabi
"Sabi ko na at okay lang sayo eh! Huy Alexander hali ka nga dito!" napakunot ang noo ko nang may tinawag siyang binatang lalaki.
"Alice, eto nga pala ang anak ko si Alexander single din siya." pakilala nito sakin
Makapal na eyeglasses, at parang kay Dr.Joze Rizal ang buhok nito tsaka may braces pa.
"Hi Alice I'm Alexander." nakangiti nitong sabi at naglahad nang kamay.
Nirereto ba siya nang nanay niya sakin?!
"I'm Alice by the way" makikipag shake hands sana ako dito kaso may narinig akong umuubo at napakunot ang noo nang makitang si Mikhail ito.
"My gosh this the weather is so hot, am I right Attorney Joshua? aishttttt I mean my best friend Joshua?" nakangiti nitong sabi at komportableng nakikipag usap sa 'bestfriend' nito.
"Ah hehehe, nice meeting you. Kumain ka nalang diyan" nahihiya kong sabi kay Alexander at tinapik ang balikat nito.
"Sige thank you" nakangiti nitong sabi
Napabaling ulit ang tingin ko sa lalaking kampon yata ni kadiliman at sinenyasan siya na sumunod sakin.
Napatigil ako sa harapan nang mga Rock Formations at pilit na kinakalma ang sarili ko.
Sigurado akong pupunta yun dito.
Dahil alam ko kung ano ang takbo nang bituka nang demonyo na 'yun
one
two
three
four
five
"Namiss mo agad ako?"
six
Nakapameywang at nakangiti akong humarap sa kanya at pumapalakpak.
"Iba talaga ang utak nang demonyo." natatawa kong sabi
Napatigil ako nang naglalakad na siya papalapit sakin.
Kumalma ka Alice kampon ka nang kabutihan.
"Scared?" mapanghamon kung tanong dito kaya napatigil siya at tinignan ako nang diretso sa mata.
"Yes I'm scared" makahulugan na sabi nito kaya ako naman ang naglakad papunta sa kanya.
"Dapat lang, ibigay mo na sa akin ang bracelet ko" seryoso kong sabi at kwenilyuhan siya.
Ngunit hindi man lang siya natinag.
Punyemas na demonyo 'to hindi man lang natakot.
"Natatakot ako, takot na takot." mahina na sabi nito at umikot kaya napapikit ako nang mga mata at naramdaman ko nalang na nakasandal na ako sa mga naglalakihang mga bato.
"Oo takot na takot ako, dahil hanggang ngayon kilala ka pa din nang puso ko."
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...