"HELLO, goodmorning." nahihiya kong sabi at kinindatan siya
Kaya napatawa siya nang malakas at pinagbuksan ako nang pinto nang sasakyan.
Kaya ngumiti nalang din ako at pumasok na tsaka agad na isinuot ang seatbelt.
"Goodmorning din Maria Grace Alice Dela Fuentez Arsol." natatawa na sabi nito
"San ba tayo ngayon pupunta?" taka kong tanong at humarap sa kanya pagkatapos kung ayusin ang seatbelt.
"Secret" matipid na sabi nito at binuhay na ang makina nang sasakyan.
"Talaga?" nang aasar kong tanong
"De joke lang, gusto mo makaalala hindi ba? Edi bumalik tayo sa pagkabata." nakangiti nitong sabi
Ewan ko ba pero napapansin ko sa mga mata niya na masaya siya o baka nag ha-hallucinate na naman ako.
"Tara na?" tanong ko
"Ano tayo na?" nakangiti nitong sabi at tumataas taas pa ang kilay nito
Bonak talaga ang lalaking 'to! enebe
"Baliw!" yun nalang ang nasabi ko dahil sa punyemas na nararamdaman ko
"Awitt kinikilig na siya." natatawa nitong sabi at hinawakan ang kamay ko
"Matulog ka nalang muna malayo layo pa road trip na 'tin." nakangiti nitong sabi at binitawan na ang kamay ko tsaka nagsimula nang magmaneho.
"Bakit kanina ka pa nakangiti?! naiinis na ako ha!" asik ko sa kanya
Nagkibit balikat lang siya at pinagpatuloy ulit ang pagmamaneho.
Mababaliw lang ako kapag pinagpatuloy kong kausapin siya.
Iidlip nalang muna ako saglit.
"WOW!!!!!!!!!" mangha kong sabi at napatalon dahil sa tuwa at excitement.
"Excited ka na?" natatawa nitong tanong
Tumango lang ako at nag thumbs up sa kanya.
"So, ano ang gusto mong una nating puntahan?" parang tour guide na sabi nito
"Chubibo!!!!" nakangiti kong sabi at tumakbo na papuntang Chubibo
Buti nalang at ginising ako kanina ni Mikhail at sinabing nakadating na kami.
Dahil kung hindi magmamakaawa talaga ako sa lupa na lamunin niya nalang ako.
Tapos pagkababa sa kotse bumungad sakin ang pinapangarap kong Amusement Park.
Maraming nagkalat na mga Bata kasama ang kanilang mga magulang, yung iba naman ay magkakabarkada, at yung iba naman ay mag jowa.
Dati sa KDRAMA ko lang napapanood ang mag dedate ang mag jowa sa amusement park tapos hahalikan siya nang lalaki at magiging in a relationship na sila.
Me: Oh bakit ba? Nangyayari din naman yun sa KDRAMA ah? tsk
Also me: Bakit ang defensive mo?
"HUY! Bat palagi kang tulala?" napatalon ako dahil sa gulat nang magsalita siya sa tabi ko
Kaya agad ko siyang sinuntok at tinignan nang masama.
"Alam mo ikaw, pag hindi ka nakangiti na parang baliw, nanggugulat ka na naman! Mamatay ako nang maaga sa pinaggagawa mo eh." inis kong sabi
Ngunit narinig kong may sinabi siya ngunit hindi ko lang masyadong marinig dahil sa music na pinapatugtog at sa ingay nang mga Tao sa paligid.
"Ano yun?" tanong ko
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...