ALICE POV
Pagkababa ko nang sasakyan halos mahina ang mga tuhod ko nang makita ko ang lugar.
Ang Isla Pagpalangga ang lugar na gusto kong puntahan matagal na.
"Grabe naman ang mga tao dito, ang init naman nang pag welcome nila diba Baby Rayver? achuchuchu." pangbaby talk ni Chard kay Rayver
Napairap nalang ako at halos matumba ako nang dumako ang tingin ko sa taong hindi ko inaasahan na makikita ko ulit.
"Omaygash sis Alice okay ka lang?" rinig kong tanong ni Iza mula sa likuran kaya napatango nalang ako at inayos ang pagtayo ko
"Okay lang ako, bumati muna tayo sa mga tao." diretso kong sabi
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at naglakad na papunta sa direksyon nila.
Napabaling ang tingin ko sa mga katabi nito at nagulat ako nang nakita kong si Roxanne ito, si Attorney John ang katabi nito at si Tatay Delfin na nasa likuran niya.
Ngunit napadako ang tingin ko sa tiyan ni Roxanne at napakunot ang noo ko nang makita kong malaki ang tiyan nito.
Wtf?!!! Sino ang bumunti sa kaibigan ko?!!!
Mag balot balot na siya dahil mapapatay ko talaga siya grrrrr.
"Sis pakihawak naman kay Rayver kunin ko lang ang bag niya sa kotse. Nakalimutan ko kasi sis hehehe." napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito kaya nilingon ko siya at kinuha sa kanya si Rayver at ako naman ang kumarga dito.
"Sige na, umalis ka na." sabi ko dito ngumiti lang siya at tumakbo pabalik nang sasakyan namin.
"Mamoooooo." tawag nito sa pangalan ko kaya hinalikan ko lang ang noo niya
"Andito lang si mamoooooo." nakangiti kong sabi
"Omaygash!!! Alicee!!!! huhuhuhuhu" napatingin ako harapan ko at nakita kong umiiyak na pala si Roxanne
Omooo!! bat umiiyak ang buntis na 'to?
"Oo ako 'to si Alice h'wag ka ngang umiiyak makakasama yan sa anak mo." nag aalala kong sabi dito
Ngunit mas lalo niyang nilakasan ang pag-iyak kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Oo mga naman sweetheart makakasama yan sa anak natin." nakangiti na sabi ni John at maingat na hinawakan ang tiyan ni Roxanne.
Ang sweet naman nila ni John hayst.
Wait....... SI JOHN LEONOR?!!
Tama ba ang pagkadinig ko at tinawag niyang sweetheart si Roxanne at ano? anak NATIN?
Ibig sabihin siya ang tatay nang bata na dinadala ni ROXANNE???
"WHAA---T?" sigaw ko nang matapos na ikwento ni Roxanne ang lahat na nangyari sa mga nagdaang walong taon
Napabuntong hininga nalang ako at napatawa nang malakas dahil sa sinabi niya.
Andito kami ngayon sa bahay nila at pinakiusapin ko na mauna na muna ang Team at ang mga actors na pumunta na sa Hotel, para makapaghinga at para makag usap na din kami ni Roxanne.
Kasalukuyang nakaupo silang dalawa sa couch samantalang si Tatay Delfin naman ay nag eenjoy na binabantayan si Rayver na nakatayo sa tabi ko at si Mikhail naman ay nasa tabi ni John na nakatayo at kanina pa nakatingin sakin.
"Mga 10% napatanag ang loob ko dahil atleast kasal na kayong dalawa, pero John pag ikaw nagloko makikila mo ulit tong kamao ko." pananakot ko dito kaya mas lalo siyang napayuko
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...