Chapter 25

0 0 0
                                    

3rd Person POV

NAPUNO nang tawanan at mga kwento ang renunion nilang magkabatch mates.

Kahit na yung ibang classmates nila na nasa ibang bansa na at nagtratrabaho na, umuwi talaga sa Isla Pagpalangga na kung saan sila lumaki at grumaduate.

"Mare Elsa, baka paglaki nang anak natin pwede natin silang ireto sa isa't isa hahaha." natatawa na sabi nang isang babae

Kaya nagtatawanan ang ibang ka batchmates nito dahil dun.

"Aba't tignan mo nga naman, Mayor Alejandro di ko alam na malapit din pala ang anak mo sa anak ko at sa anak ni Flor." natatawa ding sabi ni Elsa at mahinang himapas sa balikat ang tinatawag niyang Mayor Alejandro.

Kaya napangiti nalang at Mayor sa kanya.

"Kung sino man ang magustuhan nang anak kong si Mikhail hahayaan ko siya. Buhay na niya 'yun. Wala na akong mahihiling pa sa buong buhay ko kundi ang makita ang anak ko na masaya." makahulugan nitong sabi habang nakatingin sa tatlong bata na naglalaro sa buhangin.

"H'wag ka ngang tumakbo!" saway nang batang lalaki sa batang babae na kalaro nito.

Kaya agad din naman itong tumigil at nakapameywang na hinarap siya.

"Alice! Kapag ako naging mayaman papakasalan kita! Promise!" nakangiti na sabi nang bata at itinaas pa ang kamay nito

Ngunit napatawa nalang ang tinatawag niyang Alice at inakbayan siya.

"Basta ako Sean? magiging sikat ako na writer at papakasalan kita!" nakangiti nitong sabi

"Basta siguraduhin mong hahanapin mo ako paglaki natin ah? At papakasalan mo ako!" sigaw nang batang babae at itinaas ang dalawa niyang kamay

"Oo naman no! Sigurado akong paglaki mo, mas lalo kang tatangkad." nakangiti na sabi nang batang lalaki

Tsaka tinignan nila ang isa't isa at napatawa nang malakas

"Uyy tinatawag na tayo tara na!"
Kaya napalingon ang dalawang bata sa batang naglalakad papunta sa kanila at ang sumigaw din sa kanila.

Kaya napangiti ang batang si Sean at humarap kay Alice.

"Sige mauna na muna ako!" magiliw na sabi ni Sean at naglakad na paalis kaya naiwan ang bagong kakadating na batang lalaki at si Alice.

"Tara na, baka pagalitan na naman tayo." malumanay na sabi nang batang lalaki

Kaya napangiti nalang si Alice at nag thumbs up sa kanya.

Agad na hinawakan nang batang lalaki ang kamay ni Alice at tumakbo na paalis ngunit napatigil ang batang lalaki dahil naramdaman niyang tumigil din ang kaibigan niyang babae.

"Alam mo Mikhail, papakasalan ko paglaki ko si Sean." nakangiti nitong sabi

Ngunit tinignan lang siya nang kalaro at  muling hinawakan ang mga kamay niya.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now