ALICE POV
UMIIYAK akong napahawak sa pisngi ko nang matapos na dumampi ang palad ni Mama sa pisngi ko.
"Ma! Tama na!" rinig kong awat ni Kuya ngunit hinawakan nalang siya ni Ate Leyna sa kamay para pakalmahin
Nanginginig man humarap ako kay Mama at ngumiti.
"Ganito ba ang gusto mong pamilya ma?" nakangiti kong tanong
Lumaki ang mga mata niya dahil sa inasal ko at muli niyang itinaas ang kamay niya para muli akong sampalin.
Ngunit hindi ako natinag at nakangiti lang siyang tinignan.
"Tita, tama na yan."
Napadako ang tingin ko sa isang lalaking ka age ko lang na naglalakad papunta sa direksyon ni Mama.
"Mabuti at andito ka na Sean." nakangiti ni Mama
Sean? Yung gunggong na 'to? Siya si Sean?
Yung lalaking pinagtutuonan ko nang pansin simula nang pagkabata ko dahil siya ang taong gusto ni mama para sakin?
"Ahh ikaw pala yung hikaing si Sean?" tanong ko dito
Lahat sila napatingin sakin kaya mahigpit na hinawakan ni Mama ang kamay ko kaya tinignan ko siya nang masama.
"Alam ko na ma! Naalala ko na ang lahat! Yung gamot na pinapainom niyo sakin hindi ba't pinipigilan akong makaalala nun? Nung pumunta ako dito at hindi ako nakainom nang mga gamot ko, dahil nawala ko. Nagulat ako nang unti unti na akong nakakaalala tungkol sa nakaraan ko, bakit ma? Bakit mo nagawa yun?" sigaw ko
Kaya napatahimik ang lahat dahil sa sinabi ko.
"Alice!!! Anong karapatan mong sigawan ako?!!" galit na tanong nito at binitawan ang kamay ko
"Hindi bat ako ang dapat magtanong sayo niyan! BAKIT NAGAWA MONG KONTROLIN ANG ISIP KO?!! BAKIT MO PALAGING PINIPILIT SAKIN NA DAPAT SI SEAN LANG ANG MAKALARO KO AT MAKASAMA KO?!! ANONG KARAPATAN MONG IPAAKO ANG AKSIDENTE NA NANGAYARI NOON SA PAMILYA NI MIKHAIL MA?!! BAT DI MO TANUNGIN ANG BAKLANG SI SEAN? TUTAL NAKITA NIYA NAMAN LAHAT DIBA?!!" umiiyak kong sigaw
Naramdaman kong hinawakan ni Papa ang braso ko para pakalmahin ako ngunit hindi ako natinag.
Ina ko siya, siya ang taong nagluwal sakin ngunit tama na. Pagod na akong maging sunod sunuran niya.
"An-----o? Bakla?" malakas na tanong ni Sean
Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya at nginitian siya.
"Hanggang ngayon ba niloloko mo pa din ang sarili mo Sean? Simula nang mga bata pa tayo alam kong type mo si Kuya." natatawa kong sabi
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko at ganun din si Mama.
"Temporary lang ang amnesia ko Sean. Kaya ka nga lumalapit sakin noon dahil gusto mong ikwento ko sayo ang mga paborito ni Kuya hindi ba?. Hanggang ngayon, closeta ka pa din pala." pang aasar ko dito
Halos pumula na ang pagmumukha nito sa galit at akmang lalapit siya sana sakin, ngunit napatigil siya nang itinaas ko ang cellphone ko.
"Subukan mo Sean nag makaalaman na. Sa tingin mo ba pupunta ako dito na hindi handa? Sa cellphone na 'to, nandito ang lahat ng pictures mo at ng mga lalaki mo. Subukan mo Sean, baka pag na inip ako ipadala ko 'to sa parents mo. Diba ganun din ang ginawa mo sakin noon? Diba ikaw din ang nagsend nang mga pictures namin ni Mikhail kay Mama?. Duwag!" sigaw ko at inihagis sa kanya ang cellphone
Magsasalita pa sana ako kaso muli kong naramdaman ang palad ni Mama na dumampi sa pisngi ko.
"Wala kang utang na loob!!! Wala! Wala!" malakas na sigaw nito
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...